Binatang ama ba? Sayang!

118 6 2
                                    

(Hi guys andito na naman ang author niyong pinakamaganda sa balat ng lupa. Oh huwag na kayong aangal! Minsan lang to. T___T. Pero by the way here's the new part. Hoping na magandahan kayo. Comment kayo kung sino ang gustong magpa-dedicate sa story ko. Dahil ilang buwan na lang.. ......Movie na to. He-he Echos lang! )

"Ace!"- Sigaw nung lalaki.

"Daddy!"-Masayang wika ni baby Ace at tumakbo papunta sa lalaki.

(See Sky Dela rosa at the side. ^__^* ->)

Alam niyo kung ano ang reaction ko?

NGA-NGA! ISAMA MO NA PATI GILAGID AT KITA MO NA YUNG ESOPHAGUS SA LALAMUNAN KO! XD

Parang slowmotion ang pagtakbo ni baby Ace.

Baby ace sa ibang direksiyon ka pumunta!

Tama sa ibang direksioyn ka tatakbo...

Pero sa lalaking mula sa langit, bumaba sa lupa, para sunduin ang pakakasalan niyang babae...

AT AKO IYON!!!!

Hope! Maghunus-dili ka naman. Tatay na yan. May asawa na iyan. Huwag mong gayahin si Janine sa TWO WIVES!

Haha. Pati ang isip ko sumasabay sa kalokohan ko eh. Napanood ko lang yung two wives sa commercial sa T.V na nakita ko sa mga karinderya dito. XD.

Pero sayang naman. Doon si baby Ace tumakbo sa lalaking papakasalan ko. XD

At take note: Maypa-hug hug pang nalalaman. Ganun kasi yung mga sosyal eh. Mayaman to! Sigurado ako. Sa bussiness suit pa lang! Oh alam ko iyan! Alam mo nang mayaman.

"Daddy! siya po si ate Hope siya po ang tumulong sa akin na hanapin ko po kayo, ate hope, siya naman po si daddy Sky" -Pagpapakilala sa amin ni baby Ace.

"Nice to meet you Hope. Im Sky, sky Dela rosa"-Sabi niya at inilahad ang kamay niya sa akin.

Ay! Ang ganda naman ng pangalan niya. *0*

Di bale kapag may pera na ako. Papalitan ko yung name ko na. SUNSHINE XD

Parang sa Becareful with my heart. Andami kong nalalamang pelikula ngayon ah. :D

Pero echos lang yun. Di ko talaga papalitan yung pangalan ko.. Ang ganda kaya ng pangalan ko. Hope andrea miles Alves. In short ng name ko. HAM! XD

At syempre ang mga diyosa ay hindi nagpapakipot. Agad kong inabot yung kamay niya.at alam niyo. Ang lambot talaga ng kamay niya. It feels like im in heaven. Galing kong mag-english .Lol

Naputol lang yung dreamwold ko nang kinuha na niya yung kamay niya sa akin. Sayang.

"Naku wala yun. Ako naman si Hope, Hope andrea miles Alves"-Sabi ko sa kanya.

Mukhang may sasabihin pa sana siya kaso parang umurong siya.

"Sumama ka sa akin!"- Sabi nung lalaking pakakasalan ko-este nung daddy ni baby ace!

Whaaat! Gusto niya akong sumama sa kanya? Anong kailangan niya sa akin? Huwaaaaaah!

Bigla akong natauhan at bumalik ang kaluluwa kong kanina pa naglalakbay.

"H-ha? A-nong sabi mo?"- Kunwari di ko narinig.

Syempre para hindi niya mahalatang ang babaeng pinakamaganda sa balat ng lupa ay na-starstruck sa kanya :D

"Ang sabi ko. Sumama ka sa akin" - Sabi niya sa akin sabay buhat kay baby Ace at tumalikod na.

Huwaaaaaaah! Pakakasalan na niya ako? Oh my ghaaaaad! Ang swerte ko naman XD

Pero sayang, May anak na siya!

Gaga! Mukhang seventeen years old pa nga lang iyon may anak na agad? Baka pamangkin lang niya iyon!

Sabi ko sa isip ko

Ikaw ang gaga! May tito ba na tinatawag ka ng pamangkin mo na "DADDY"? Baka binatang ama!

Kontra naman ng isa ko pang isip. Ha-ha ang dami kong isip noh?

Nang maisip kong may anak na siya. Bigla akong nalungkot. :(

Ang puso ko ay sawiiiiiiiii!

Oh ha. Ico-compose ko ang lyrics na yan pag naging sikat na singer na ako :D

"Oh! Halika na! Sumama ka na sa amin."- Baling niya sa akin...

Huh? Sasama daw ako sa kanya?

1.

2.

3.

Huwaaaaaaaaaaaaah! No way! Hindi ako sasama sa kanya kahit na guwapo siya at siya ang nakatakdang pakakasal sa akin ay hindi ko pa rin isusuko ang bataan!

"Huwaaaaaaaah! RAPE! RAPE! RAPIST! Huwaaaaaaaah!"-Ubod lakas kong sigaw!

"Tsk. Baliw na ata yung babae eh."-Bulong nung babae na alam ko namang sinadya niyang iparinig sa akin.

Eh? Walang pumansin sa beauty ko? Wapakels? Kung na-rape talaga ako ng totoo baka nahubaran na ako dito ay wala pa ring magtatanggol sa akin?

ikaw ba naman sisigaw ng rape tapos sa gitna pa ng daan? Mapagkakamalan ka talagang baliw!

Ay! Ang bait talaga ng isip ko T___T

"Hoy! Anung rape diyan. Baka nga ikaw pa ang mang-rape sa akin eh.Hindi kita rerape-in no! Over my dead body! Sabi ko sumama ka sa akin dahil may ibibigay ako sayo mamaya sa bahay. Sumama ka na lang sa bahay namin. Tsk- Sabi niya sabay talikod.

'Tsk. hindi rin kita rerape-in no. Over my dead body rin! Hmp. Yabang neto. Bakit ano ba ang ibibigay mo sa akin?-Tanong ko. Syempre baka Diyamante yung ibibigay niya sa akin XD

"Sa bahay ko na lang ibibigay sayo"- Sabi niya sabay lakad.

At akong namang si diyosa ay sumunod na lang sa kanya. walang magawa ang beauty ko eh. XD

Ano kaya ang ibibigay niya sa akin?

At anak niya ba talaga si baby Ace? Nakakapagtaka.

Mukhang 4 years old na si baby Ace at siya naman ay mukhang 18 years old eh. ano yun 14 years old siya nang maka-buntis siya?

BAGITO LANG ANG PEG?

(Haaaaaaaaay! Salamat naman at natapos ko na yung part na ito! Sorry po kung hindi masyadong fit yung edad nila sa model na kinuha ko. Yan lang ang pinakamababang presyong narentahan ko bilang gaganap na model sa story ko XD (Libre lang yan sa google) Joke! eh yun lang ang naisip ko na gawing model. Idol ko kaya si Nam gyu ri at Jung il woo! Don't forget to add them ^___^.)

Ms.Probinsyang MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon