Dise Nuebe

307 12 29
                                    


Sabrina

Naglakad kami hanggang sa puno ng niyog na may bench. We sat there together.

Ang ganda ng view ng buwan dito mula sa inuupan namin. The night is still young pero malaki na ang buwan.

"Rae, I know I have make you so confused because of my confession to you and don't wanna rush you or demand to answer me right now. Hindi ko rin sasabihin na suklian mo ang nararamdaman ko sayo. I have confess my feelings to you because I don't wanna hide it anymore. Gusto ko lang na maiparamdam sayo kung gaano kita ka gusto." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinasabi ni Ark. Hindi ko alam kung kikiligin na naman ba ako o maiinis na naman dahil sa pinangungunahan na naman niya ang lahat.

"Ark will you please stop making conclusions on things? Pagsalitain mo rin ako dahil ako naman ang madaldal sa ating dalawa, bakit naging madaldal ka na rin?" Napakamot siya sa ilong niya and every time he did that alam kong nahihiya siya.

"I'm sorry." I smiled and grab both if his and hold it. Tumingin siya sa mga mata ko. I smiled genuinely to him.

"You are very special to me since then, Arkile. I remember when we were kids kahit na bina-blackmail kita sa mga comics mo you still let me touch it. Kahit na hindi mo ako kinakausap at rinding-rindi ka na sa boses ko and you are so very sick of my stories, you would still protect me against other kids na umaaway sa akin." huminga ako ng malalim at pinisil ang mga kamay niya.

"You are special to me not just because you are my bestfriend. Espesyal ka sa akin dahil gusto din kita hindi bilang kaibigan lang kung hindi bilang Arkile." I don't know if it's just me or what pero biglang nakita kong nagningning ang mga mata ni Ark.

Bigla niya akong hinila sa kamay at niyakap ng mahigpit. Then I also hugged him back.

"Sabrina Rae, you don't know how much you make me so happy this night. I am so so happy." napangiti ako sa mga sinabi niya.

From the time that I have met Arkile. I know that he is such a great person. Kahit na noon pa man he is a  gentleman, intelligent and kind.

Kaya nga hindi na ako magtataka na maraming babae sa school ang nagkakagusto sa kanya. He is almost the perfect man any girl would want.

Tumagal ang yakapan namin ng ilan pang minuto at kumalas din sa isa't-isa.

"Ark I just wanted to say that we are still not official. Malalagot ako kay Daddy kapag nalaman niyang nag boyfriend na ako ng hindi man lang siya ang unang nakakaalam." napayuko tuloy ako ng ulo. Gusto ko kasing sabihin na ngayon. Ayaw ko naman magka-boyfriend ng walang paalam sa parents ko. Sila pa rin naman ang may alam kung ano ang tama para sa akin.

I heared him chucked a bit. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He then just stares at me and smiled.

Inangat niya ang kamay niya at hinawi ang mga sagabal na hibla ng buhok sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko.

"It's okay, Rae. Sa ngayon ay kuntento na ako sa ano mang meron tayo ngayon." He then comes closer to me and kiss my forehead.

"Ayieee! MU na sila!!" bigla akong napatalon sa kinauupuan ko. I look at our right side at nakita si Suzzy and AZ doon na kilig na kilig.

"Ashleigh Zafreen!" sigaw ni Ark kay AZ. Nag peace sign lang siya sa kuya niya na ikinailing na lang ni Ark.

"Nasaan na iyong isang libo mo Suzzy? Ako panalo sa pustahan! Hindi pa sila mag-jowa! MU pa lang talo ka! Hah!" napakunot ang noo ko sa narinig ko.

Nakasimangot na kinuha ni Suzzy ang wallet at naglabas ng isang libo.

"Ate Sab naman eh! Bakit naman hindi mo pa jinowa?! Si kuya Ark na iyan oh!" inis na sabi niya. Habang si Ash naman sinisingot pa at iwinawagayway ang isang libo pinalalunan niya sa pusta nila.

"That girls will be my biggest headache." iyon na lang ang na sabi ni Ark habang nakatingin rin sa dalawa.

Disaster talaga ang tandem ng dalawang spoiled brat na iyan.

~°~

Kahapon pa kami nakauwi sa bahay. At late na rin akong nakatulog kahapon because of Ark.

Hindi ko kasi mapigilang hindi siya isipin at kiligin na rin. Kaya late na ako nakatulog nagising ngayong araw. Buti nga at Sunday pa ngayon at wala pang klase.

At naisipan kong mag-aral ngayon dahil baka may quiz or oral recitation mamaya. Mabuti ng nakahanda para naman may maisagot bukas at wala naman akong ginagawa sa ngayon.

Balak kong ikwento kina Daddy ang nangyari sa amin ni Ark sa resort pero wala pa si Daddy at maagang umalis kanina dahil may business meeting daw at mamaya pa makakauwi kaya balak kong hintayin siya para sabay ko ng makwento sa kanila ni Mommy habang naghihintay ako ay mag-aaral pa muna ako.

Hindi naman kasi ako malihim sa mga magulang ko. I grew up so close to them dahil ako lang naman kasi ang anak noon. Wala pa si Asul noon kaya lahat ng atensyon nila naka focus sa akin. Masaya naman ako doon. Kung ano ang mga nangyayari sa akin ay ikinuwento ko sa kanila. It maybe positive or negative. They never judge me right away at iniintindi nila ang mga sinasabi ko at iyon ang pinakagusto ko sa kanila. Both of them are my first bestfriend.

Tumunog ang cellphone ko. Si Ark pala at balak niyang makipag Face Time sa akin. I answered it immediately and then put it in front of me.

Nakita ko sa kabilang screen na nasa kwarto din siya at nag-aaral halos lahat ng mga libro niya ay nakabukas. I smiled at him.

"Hi, napatawag ka?" I asked.

"Umm... I just want to check kung nag-aaral ka rin ba kasi baka may quiz bukas." he then scratch his nose. I secretly smiled at him.

Liar HAHA.

"Oo nag-aaral ako ay teka buti at napatawag ka dahil may part na  nalilito ako doon sa math. Teka kunin ko lang..." I look for my Mathematics book and then read it to him.

"It's just easy, you just need to find the—" then he discusses it to me. (Prinsesa: Hindi ako maalam sa Math magtigil kayo HAHAHA)

After that we just decided to study together through Face Time. Masaya naman ako dahil kapag may mga hindi ako naintindihan, especially sa math ay agad kong naitatanong sa kanya.

I was a bit surprised nga eh. Ark never wants to be interrupted while he is studying. Ayaw nga niyang humawak ng cellphone o ano mang gadgets kapag nag-aaral. But here he is right now. I just shrugged that thought of.

Baka na bored siyang mag-isang mag-aral at kailangan niya ng madaldal na study buddy. I mentally chuckled.

______________________________________________________________

Note ni Prinsesa:

Natawa ako sa may Mathematics discussion HAHA. Gusto kong lagyan ng lines pero hindi ko alam kung paano. Bobo talaga ako sa math :(

Happy reading Maharlikas!

SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon