Libre, salitang mahirap ibigkas
Sa mga taong lubos na nangangailangan
Dahil sa katagang "lahat tayo ay may pangangailangan"Tila nawala na ang ating pagkapilipino
Noong tayo'y nagbibigayan
Kahit hindi sapat sa pang araw-araw na labanan.Dugo't pawis man ang binuhos
Ngunit ngiti ang sasalubong
Pag alam nating tayo ay nakakatulong.Hindi man marangya ang buhay
Pero Nagawa paring magbahagi at mamigay
Sabay aangat at lalabang may karamayNgunit sa panahong ito
Pera ang sumilaw sa mapamigay na asal
Pagkamatulungin ay tuluyan ng itinanggalGaano ba kasakit ang magbigay ng libre?
Na kahit 5 piso man lang na pambili
Ganun ka ba talaga na makasarili?Alam natin na nasa atin ang pagbabago
Pero kung makasarili tayo,
Paano tayo lalago?Ang punto ko ay hindi upang galitin ka
Kundi upang imulat ang ating mga mata
Na panahon na upang tumulong sa kapwaItapon ang pagiging sakim,
Palitan ng pagiging matulungin
Dahil ang bansang ito ay hindi para sa iisang taoKailangan lang ay magkaisa tayo
Magtutulungan ano mang baha o bagyo
Sama-samang iangat ang Pilipinas sa ating pagkamakatao.
YOU ARE READING
Free Verse Compilation
PoetryThese are my poems that i wrote out of my curiosity, emotions, experiences, and music.