Kamusta?
Kamusta na ang araw mo ngayo'y wala na
Papatapos na ang araw ng ating pagkabata
Iiwan na ang saya sa libro ng alaalaMga alaalang kay sayang balikan
Mga litratong puno ng kasiyahan
Pilit man natin balikan
Ngunit malabo na ang ating tinginanNoon, korean nobela lang ang nagpapaiyak sa akin
Kuwento sa palabas na aking kinagigiliwan
Hindi ko man lang namalayan
Mas maganda pa pala ang buhay ko nung kabataanSa pagpasok sa silid aralan
Mga notebook ang laging masisilayan
Mga kaklase kong nagkokopyahan ng takdang aralin
At syempre ako'y nakikisabay rinNung mga reportings lang ang nagpapakaba sa aking dibdib
Nanginginig sa bawat salita na bibigkas
Na sanay walang makalimutan na paksa na ididiscuss
Habang ang mga kagrupo mong tumatawa lang sayong likuranNung mga panahong yumuyuko, tumitingala,
Sabay tingin sa kanan at kaliwa
Nagdadasal na sanay hindi banggitin ang pangalan
At pilit iniiwasan ang kanyang mga mataOh kay sarap sa tenga
Pagsinabing walang pasok bukas at sa makalawa
Napapatalon ang lahat sa tuwa
Sa wakas ay makakapagpahingaNaaalala mo pa ba
Nung hindi pumasok ang ating guro buong maghapon
Nagkantahan lang tayo sa gilid ng classroom
Bumubirit kahit d naman kabisadoO kay sayang balikan
Mga alaala na sanay habang buhay nalang
Subalit kailangan mo ng iwan
Dahil may bukas kapang itutupadKasabay ng tugtog ng graduation song
Sa pag akyat sa stage sabay kuha ng medalya
Inialay ko ito para sa samahan nating walang sawa
Sa byahe na puro ng hirap at sayaSana kasabay ng pagsarado ng pinto ng classroom na ito
Sana pwede nating buksan ulit at maalala
Wala mang hangganan ang ating pagsasama
Salamat! Dahil kasali ka sa mga masasaya kong alaala
YOU ARE READING
Free Verse Compilation
PoetryThese are my poems that i wrote out of my curiosity, emotions, experiences, and music.