HANDOG NG PAGBABAGO

2 0 0
                                    

Ako
Isang estudyante sa kolehiyo
Nag-aaral upang maging guro
Upang makatulong sa ating paglago.

Pero teka
Palagi na lamang akong nagtataka
May mga katanungan ako, pwede ba?
Sagutin mo muna

21st century na at marami na ang nagbago
May cellphone at nakafacebook na ang mga tao
May internet na at computer narin dito.
Ngunit bakit parang ayaw niyo ng pagbabago?

Palagi niyong sinasabi
Mga katagang madami na ang nangyari
Gusto namin ibalik ang dati
Na sanay hindi nalang ito dumating

Parang kamakailan lang
Nag aambishon ka ng sulat na mabilisan
Yung tipong hindi na maghihintay ng ilang buwan
Sa isang iglap ang liham mo'y nandyan

Ikaw yung nangangarap
Na sanay mapadali ang paghanap
Sa impormasyong na pansagot
Upang matustusan at matupad aming pangarap.

Pero bakit ngayon
Natupad na ang mga pangarap
Mga bituin sa langit ay nasungkit, salamat
Gusto mo ulit ibalik ang panahon

Laging pinagmamalaki,
Nakatapos ng kolehiyo na walang google na ginagamit
Na para bang hindi kami karapat-dapat sa biyayang natanggap
Minamaliit ang kakayahan sapagkat ang lahat ay madali na lamang.

Ipapaalala ko lang po
Kayo po ang nangarap nito
Ginamit lang namit ang pagbabagon inihandog ninyo
Para naman sa susunod kami naman ang magbabago ng mundo

Oo inaamin ko
Arugante, mayabang, feeling matalino
Walang respeto, feeling tama, malaki ang bunganga
At wala pang ambag sa lipunan nato.

Pasensya dahil nasa kabataan palang po ako
Nag-aaral ng asal at sa buhay na gusto kong pasukan
Sanay bigyan ng konting panahon
Ipapangako ko sayo na tayo ay babangon

Sa hirap na ating natatamasa
Sa bawat pawis at pagtulo ng ating luha
At sa kahirapan ng ating bansa
Darating din ang ating pagkamaharlika

Uunlad tayo kagaya nila
Lalampasan natin kahit patungo langit pa
Hayaan niyo muna akong mangarap muna
Dahil sa susunod, Ako, Tayo ang bubuhay sa pag-asa ng ating  bansa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Free Verse Compilation Where stories live. Discover now