4. Gemini - Spongecola

6 0 0
                                    

Ep. IV: Gemini - SpongeCola

Sinikmuraan si MnM ng holdaper at nahinto sa pagwawala.

"Tara na...may dumadating...Dalian mo!" Tumakbo ang mga holdaper tangay ang kanyang cellphone.

 Huminto ang naka motorbike para tulungan si MnM ngunit umatras at muling umalis at sinundan ang mga holdaper ng maisip na ninakawan si MnM. Nag drive siya sa madilim na tunnel na may dilaw na malamlam na mga ilaw, hanggang maabutan ang dalawa. Nagsuntukan sila hanggang may nakapansin na mga security guard. Mabilis na nakatakas ang mga holdaper.

Security Guard:"Anong nangyayari dito?"

Delivery Boy: "Mga snatcher, sir. Habulin niyo dali."

 Hinabol ng mga guards ang holdaper. Habang napahintong humihingal ay tinanggal ni Keithl ang kanyang helmet. Basa ang kanyang buhok, pawisan, mapula ang labi at pisngi, matangos ang ilong at makapal ang kilay. Papaalis na siya ng matisod ang cellphone na nasa semento. Pinulot niya ito at agad bumalik sa kaguluhan. Ngunit wala na si MnM doon. Tumakbo siya at ginalugad ang buong SM ngunit hindi na niya makita si MnM.

 Pumasok si Keithl sa condo unit niya. Nilapag ang cellphone sa study table na may table lamp. Maya-maya ay umupo ito at tinignan ang celphone ni MnM na may lamat at nagsalita sa sarili.

 Ako na lang mismo ang personal na magbibigay sa yo neto pag nagkita tayo ulit. Tssss... ano bang klaseng tao may ari nito, wala man lang ni isang phone number sa contacts. Walang picture... google history: Naruto, XMen, StarWars, When will I meet my soulmate tarot reading, Gay porn? Do I need to masturbate? Is masturbation a sin? what the fuck hahaha... walang mga apps...tao ba may ari nito?... may fb nga wala naman nakalagay na kahit ano...Isa na nga lang friend naka hide pa...pano kita hahanapin?

Napansin niya na mga kanta lang ang laman ng cellphone, nang mag ring ang celphone niya.

"Hello? Yes dude...oo...no kakauwi ko lang...oo...may nangyari kase...may holdapan diyan sa...napa-away pa tayo... galus lang...hindi ako nasaktan hiningal lang...hahaha... yon nga dude eh... nabawi ko yun cel... eh hindi ko na mahagilap may ari... can I ask you a favor buddy?... na aawa kase ako sa may-ari neto... yun na nga...hindi ko alam pano ko to hahanapin..."

 Pumasok si Keithl sa kwarto niya. Dahan-dahan siyang naghubad. Maputi at makinis ang maganda niyang katawan. Halatang anak-mayaman at conyo. Pumasok siya sa bathroom at naligo habang naaninag sa malabong salamin ang ganda ng kanyang katawan. Lumabas siya na nakatapi ng towel. Maya-maya ay nahiga sa kama at natulala.

Kinaumagahan...

 Nakaupo si MnM at nakasandal sa grocery cabinet sa loob ng stockroom. Nakatulala at malungkot. Habang kinakausap at dinadamayan nila Jaja at Ipek. Nang slow motion pumasok si Starla sa convenient store, tuloy-tuloy sa loob ng stockroom.

 Napa atras si Starla umiiling bago magsisigaw at niyugyug si Ipek, nasubsub si Jaja at kinapkapan si MM. "No... I can't...I cannot ay Jusqu... LOOK WATCHE ID! I CANNOT!!! SINO!!! WHO DID THIS!!! Oh my God, are you hurt. What happen? Tell me where it hurts... and I do my best to make it better. Ano...ano ito masakit ba? May gasgas ka sa arm I CANNOT... are you injured... Si Junjun...ANO NANGYARI KAY JUNJUN...patingin nga ng betlog?"

Ipek: "Ano ba yan, ka aga-aga ang halay. Hindi mo ba nakikita na holdap na nga yung tao. Wala kang patawad."

Starla:"Well..FYI...I'm here as a comforter."

Jaja: "Asus... You are here para rapin si MM. Since you are a comforter, go to the comfort room. Go!"

Starla: "Na-ah? How dare you Jaja, umayos ka ghooourrrlll. Pinagsasabi mo sa ken? If I were you, shut up. Kung ayaw mo pa bugbug kita sa labas."

SADBOY PLAYLIST [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon