3. Kiss-A-Me - agaw agimat

4 0 0
                                    

Ep III: Kiss-A-Me - Agaw Agimat

 Weekend, day off ko. Usually, nasa SM na sana ako ngayon. Ang bigat ng pakiramdam ko, halos ayaw ko ng bumangon sa kama. Mabagal akong bumangon at nakita kong namumugto ang mata ko. Nakakatawa ako. Ang OA ko. Kung maka-iyak akala mo naging kami. Akala mo babae kung maka iyak. Ilang beses na akong umiyak ng ganito. Nasasaktan ako ng wala man lang nakaka-alam. Simula pa nung high school. Lahat ng naging crush ko iniyakan ko ng ganito. Ilang beses na akong nagmahal. Minahal ko sila sa isip ko. Kinimkim ko lang lahat. Hanggang sa tuluyang mawala ang nararamdaman ko. Pasasaan bat mawawala rin to. Pag nakahanap na ko ng bagong crush. Na dudurog sa puso ko.

 Ginugol ko ang maghapon sa loob ng bahay. Nagluto ako at kumain ng almusal. Nilinis ko ang bahay. Nilaban ko lahat ng mga damit ko, pati yung malilinis na kumot at maong. Nanood ako ng Naruto Shipudden sa TV. Nagmeryenda ako ng spicy korean noodles. Kumain ulit ako ng hapunan.

[side view/close-up ng mukha ni MnM na nakapatong sa study table at naiiilawan ng table lamp]

 Pagkatapos ng 5 minutong pagtulala ay tumiktik ang butiki. Tumayo ako at binuksan ang bintana. Pumasok ang malamig na hangin. Lumabas ako ng bintana at umupo sa rooftop. Tinignan ko ang buwan at kinausap sa isip.

  Na-iinip ka na ba? Ako din eh. Akala ko kase love story ang buhay ko. Bat puro ako ang bida? Tinatanong mo ba kung nasaan si soulmate? Yan din ang tanong ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Diyos ko po... total bertday ko naman bukas. Baka naman. Alam mo na. Na heal ko na sacral chakra ko, minamahal ko na sarili ko, nagdaan na din ako sa tower moment, bakit wala pa din siya? Gift niyo na lang po sa akin. Hayup kase si Jorem. Ganda ng regalo sa aken, sama ng loob. Hinde... Hindi ako magmumukmok dito. Birthday ko. Mag celebrate ako mag-isa. Maghahanap ako ng bagong crush. Jorem, X ka na sa akin.

 Kinaumagahan ay sumakay ako ng van. Syempre sa may bintana ako pumwesto. Naghihintay pa ng sakay. Maya-maya ay may sumakay na pogi at tumabi sa akin. Nangiti ako. Eto na po siguro Diyos ko. Habang umuusad ang van ay ninamnam ko ang pagdikit ng mga katawan namin. Siniksik ko ang sarili ko sa kanya.

"Hello?...oo babe on the way na....okay...love you." tsss may jowa na pala

 Tinignan niya ako at naasiwa sa akin. Tse, X ka na sa akin. Bumaba ako ng van. Hinintay kong makadaan ang mga kotse bago ako tumawid. Nag pa cute ako, feeling ko kase may mayaman na nakasakay sa mga kotse, tapos makikita ako at magbabago ang buhay ko. Parang teleserye. Habang tumatawid ay natalisod ako, pero parang walang nangyari. Nasubsub ako sa hagdan bago ako makapasok. Pinagtawanan ako. Ayaw ata akong papasukin. Dumiretso agad ako sa McDo at umihi at lumabas. 

 Tumambay ako at pinanood ang mga taong nagdadaan. Napansin kong may mamang katapat ko sa kabilang banda. Lumapit ako at humebor habang nag cellphone siya. Tingin ako nang tingin sa biceps niya ng mapansin ako ng ale at inirapan ako. Bumulong ang ale sa mama at umalis. May asawa na pala. Ayokong maging kabit. X ka na sa akin.

 Kumain ako ng lunch sa foodcourt. Habang lingon nang lingon kung may pogi. Nang mapansin ko ang bagets na naka-uniform na kumakain din sa tapat ko. College heartthrob siguro to sa university nila. Bawat lulon ko ay nakatingin ako sa kanya. Ang sarap. Napansin niya ako at umiwas ako ng tingin. Tumingin ulit ako. Binuhat ko ang tray na kinakainan ko at lumapit sa kanya. Nang may batang tumatakbo at natabig ako. Tumapon ang lahat ng kinakain ko sa kanya. Bulalo, Karekare, siomai rice, sisig at leche flan at iced tea.

"Sorry ser...sorry...yung bata kase." Nagtinginan ang mga tao at napahiya ako. Umalis ako na parang walang nangyari. Lumingon ako at nakita kong tinuturo niya ako sa gf niya. X ka na sa akin.

 Naglilibot ako sa Dept. Store nang makita ko ang poging salesman.

"Yes, sir. May slim fit po ba nito?" humebor ako

"Eto na sir. Dito na lang sa fitting room." naka dalawampung palit ako ng pantalon at 10 palit ng t-shirt at 50 beses na nagpabalik-balik ang salesman

"Sir...may medium po ba kayo nito..." hehebor pa sana kaya lang

"BIBILI KA BA SER? KANINA KA PA HA? Hinalughug na lahat ng damit!" galit na galit na si salesman.

 Muntik na akong masapak. Tinawag niya ang manager at tinuro ako. Natakot ako kaya aalis na ako. Ayokong maging battered jowa. X ka na sa akin.

 Nakita ko ang poging tindero sa perfume section. Lumapit ako at tinest lahat ng pabango. Na sprayan ako sa mata at nadantayan ko ang salamin. Bumagsak ang buong stall ng pabango at nabasag lahat. Wala akong pambayad Diyos ko. Nagmadali akong umalis at walang nakasunod sa akin. Kinabahan ako. X ka na sa akin.

 Nag CR ako. May pumasok na pogi. Umiihi siya sa cubicle at tumabi ako at umihi din. Mararanasan ko na din yung mga napapanood ko sa mga porn. Tinatansya ko siya at sinusulyapan ang junjun niya, nang mapansin niya ako. Nagkandidilat siya sa akin.

"Anong tinitingin mo. BAKLA KA BA!?" nagulat ako ng makita ang kutsilyo sa bulsa niya

"Ayyyy hindi po sir. Sorry." nagmadali akong lumabas ng CR

 Ano ba yan. Napakamalas naman. Manonood na ako ng sine. Bibili na sana ako ng ticket sa horror movie nang makita ko ang poging cinema usher sa pelikulang romcom. Lumipat ako at doon bumili. Nakatitig ako sa kanya habang naka-pila. Kinuha niya ang ticket at pinunit. Kunwari pumasok ako. Lumabas ulit ako. Kunwari bibili ng popcorn.

"Sir. Start na po yung movie, pumasok na kayo sa loob." sinita niya ako

"Bibili lang po ako snacks." keme lang.

Pumasok ako. Sumilip ulit ako sa pintuan. Natapos ang movie na nasa pintuan ako at sinisilip siya.

"Sumama ka sa amin." sinita ako ng security guard

"Bakit ser?" hala

"Sinumbong ka ng usher. Nag-drugs ka ba atong? Terorista ka ba magtanim ka bomba? Baka piracy business mo?" Napapansin pala niya ako. Grabe kayo, hindi ba ubrang may crush lang. Nagtatakbo ako palayo. Ipakukulong mo pa pala ako. X ka na sa akin.

 Matapos ang maghapon ng puro kamalasan. Matamlay akong naglakad sa may labas ng Annex habang halos walang dumadaang sasakyan. Napansin ko ang dalawang mamang sumusunod sa akin.

[low angle view ni MnM na naglalakad sa labas ng SM Annex, makikita ang mga pipes at ilaw sa kisame]

 Kanina pa ko sinusundan nito. Diyos ko, eto na ba yung sasaksak sa akin? Hindi nako mamamatay na virgin. Liligaya ka na junjun. Na excite ako ng maramdaman kong niyayakap niya ako sa likod. Pumikit ako at naramdamang may tumusok sa tagiliran ko. Humalinghing ako. Humarap sa akin ang kasama niya.

"Wag kang papalag." oo ser, hindi po, Diyos ang hihipo

"Holdap to...akin na pera mo." Natulala ako sa narinig ko at naging seryoso ako. Tumahimik ang paligid. Kaba lang at takot naramdaman ko. X na kayo sa kin. X na X. Triple X.

"Dalian mo...baka may dumaang kotse." diniin niya ang kutsilyo. Doon ko naintindihang nanganganib na ako.

MnM: "SIR!!! WALA...WALA AKONG PERA!!!... MAAWA KAYO PAMASAHE LANG TO. Hindi po ako makakauwi."

Holdaper: "Tarantado kang bata ka!!! Gusto mo bang masaktan? Akin na!"

MnM: "Boss, wala talaga, kahit halughugin niyo pa bag at bulsa ko."

Holdaper: "Wala talagang pera to. Ano ng gagawin natin dito."

Holdaper: "Ano yan? May tinatago ka ano yan. Ibigay mo sa aken. IBIGAY MO!!! Sasaksakin kita AKIN NA YAN!!!"

MnM: "Sir, wag eto... sir eto na lang meron ako... sir... SER!!!! WAG CELLPHONE KO SIR!!! IBALIK MO SA AKIN YAN, MAAWA KAYO SER!!! sir....AAAAAAHHHHHHH!!!!!!" nagwala si MnM habang umiiyak ng malakas

 Samantala ay dumadating ang naka motorbike na delivery boy na napadaan at nakita ang kaguluhan.

SADBOY PLAYLIST [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon