1. Araw-Araw - Ben & Ben

8 1 0
                                    


Episode I:  Araw-Araw - Ben & Ben

 Nagising ako sa lakas ng ingay ng alarm clock. Pilit kong inabot ang alarm clock para isara habang nakahiga ako. 5:00 ng umaga. Umidlip ako sandali, maya maya ay mabagal akong bumangon at tumulala ng 1 minuto. Bumaba ako at tumulala sa lamesang naiilawan ng daylight habang nagpapakulo ng tubig. Kumain ako ng pancit canton w/ egg. Bakit pag umaga ko to kinakain hindi masarap, pero pag meryenda nakakalimang balot ako. Kumulo ang tubig. Pumasok na ako sa bathroom. Tumulala ako ng 1 minuto.

Nasubsob ako at nabuksan ang shower at nabuhusan ako ng malamig na tubig.

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!" umalingawngaw ang sigaw ko sa tahimik na madaling-araw.

 Nagmamadali akong nagsasapatos sa may pintuan ng tumiktik ang butiki sa kisame at ngumiti. Nginitian ko din siya. Pinukol ako ng dyaryo ni Aling Puring.

"Hoyyyy!!! Ayan yun dyaryo mo. Ano na MnM? Katapusan na, kelan mo babayaran upa mo dito? Hoyyy hindi mo bahay to, umuupa ka, hindi mo ako nanay. Aba...ano ka sineswerte?" kahit masungit yan mabait sa akin yan

"Aray ko Aling Puring. Aga aga kasungit. Eto na nga, hindi pa ko sumusweldo. Mamaya, promise." nakangiting sagot ko

"Aru naku, wag mo kong dadaanin sa ngiti-ngiti mo ha? Naku ewan ko bang bata ka... HOYYY KINAKAUSAP PA KITA!!!" hinalikan ko siya at tumakbo palabas

"Mamaya Aling Puregold!... PRAMIS!!!" mamaya na nga

 Nag abang ako ng bus sa waiting shed. Nilanghap ko ang amihan na hangin at ngumiti sa langit na hindi pa sumisikat ang araw.

"Hahahaha!!! Loka-loka, tumatawang mag-isa." Nakita ako ng mga estudyante at pinagtawanan ako.

Tsss... Napahiya ako. May-maya ay may dumating na bus. Nauna ang mga nag-aabang at nahuli akong sumakay ng bus. Umupo ako sa may bintana. Kinuha ko ang katinko at nilanghap ko, nahihilo ako sa biyahe. Umusad ang bus sabay ng pagsikat ng araw. Binuksan ko ang celphone ko at pinasak ang earphone, wala ako pambile ng earbuds.

 Narinig ang kantang "Araw-araw" by Ben and Ben habang umuusad ang bus sa malawak na expressway at nakikita ang mga sasakyang umuusad. Napasarap ang sound trip, ayun lumagpas na pala ako.

"MAMA!! PARA!!! MAMA!!! BABABA!! BABABA AKO!!! BABABA!!! BABABA BABA BABABABA!!! BABABA BABABA!!! BABABA BABABABA!!!" tumayo ako at lumapit sa driver habang umuusad ang bus ng mabilis, bingi hindi ako marinig.

 Nang makarating ako sa driver ay hinawakan ko ang balikat niya at biglang nag preno ang bus. Nasubsub ako sa harap at lahat ngsakay ay sabay-sabay na nasubsob.

"Tanginang bata ire. Papatayin mo ba kami?" bingi ka kase

"Hindi niyo ko marinig eh, lagpas nako." mahina lang boses ko

"Sandale!!! Tatabi ko, baka mahuli tayo. Wag kang bababa dito baka masagasaan ka! HOYYY!!!" hindi ko pinansin ang driver at tuloy-tuloy akong lumabas.

 Bumaba ako sa bus at tumakbo sa expressway habang nakikipag patintero sa mga sasakyan. Hanggang makarating sa mini stop sa tabi ng gas station. Humihingal akong pumasok.

"Ano? Buhay ka pa?" bungad ni Boss Jhay

"Lumagpas po ako boss." sorry naman

"Pinagagagawa mo sa buhay mo? Ano nag breakfast ka na ba?" pancit canton

"Opo. Pancit canton." w/ egg

"With egg? Masasabitan ka na ng loyalty award ng Lucky Me, Hahaha. Hay naku ibahin mo naman breakfast mo, magkasakit ka niyan. Eto, kumain ka ng totoong pagkain. Magkape ka na tuloy." hala, nababasa ba nito isip ko?

SADBOY PLAYLIST [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon