NAALIMPONGATAN si Katrina ng may maaninag na ibang tao sa kwarto niya. Pagdilat ng mga mata niya ay nakita niya ang matalik na kaibigan na nakatayo naka tayo sa paanan ng kama niya. Nakakaloko ang tingin nito sa kanya at may bahagyang ngiti sa mga labi.
''Ipinagbilin ni Kuya na gisingin ka pagdating ng tanghalian at ng makakain ka. Pero kanina ko pa pinag-iisipan kung dapat nga kitang gisingin. Sa tingin ko saiyo ay mukhang mas kailangan mo matulog at mukhang puyat na puyat ka.''
Sandaling nalito si Katrina at hindi naintindihan ang birong iyon ni Tamara. Biglang pumasok sa isip niya ang namagitan sa kanila kaninang madaling araw ni Bryan. Mabilis niyang nahila pataas ang kumot hanggang sa mukha niya ng maalala na wala parin siyang saplot sa katawan at tanging ang kumot lang ang tumatabon sa kahubdan. Hiyang-hiya rin siya sa kaibigan at siguradong may idea na ito kung ano ang namagitan sa kanya at sa kapatid nito base sa pagkakangiti nito at sa napasukan nitong hitsura niya.
''Huwag ka nang mahiya saakin friend...'' nakatawang pabirong hinihila ni Tamara ang kumot ni Katrina ngunit hindi pa rin ito hinaharap ni Katrina. Todo talukbong parin ito ng kumot. Pakiramdam niya ay pulang-pula ang mukha niya at hindi rin niya alam kung paanong haharap sa kaibigan.
''Paano mong nalaman?'' si Katrina na hindi pa rin inaalis ang kumot.
''Grabi halos hindi niyo kaya ako pinatulog kagabi. Ano bang feeling niyong dalawa? Sainyo lang ang mundo? Una ginising niyo ako sa sigawan niyo. Lalabas sana ako para itanong kung anong problema at anong oras na ay nagsisigawan kayo. Kaso mukhang my lover's quarrel lang pala kayo kaya bumalik nalang akong matulog at baka madamay pa ako sa galit ni Kuya. Noong matapos ang sigawan niyo lumabas ako at pupuntahan sana kita dito sa kwarto ang kaso mukhang hindi mo naman ako kailangan at may palagay akong nasa heaven kana nang mga oras na iyon,'' mahabang salaysay ni Tamara na parang eksena lang sa pelikula ang kwentong sinasabi nito.
''Akala ko ba kaibigan kita? Bakit hinayaan mo akong mapahamak? Paninisi ni Katrina sa kaibiga.
"Mapahamak? Eh sa unggol na naririnig ko sayo kagabi ay mukhang sarap na sarap ka naman te... Kaya hinayaan nalang kita para naman isan manlang sa atin ay makarating na ng langit. Pero seryuso friend, mesherep ba talaga? Para kasing abot na hanggang kapit bahay ang unggol mo eh..."
Inalis ni Katrina ang pagkakatalukbong ng kumot at binato ng unan ang matalik na kaibigan. ''Siraulo ka talaga!'' natatawa narin si Katrina. Ngunit maya-maya ay biglang sumeryuso. "Anong ginawa ko Tam?"
"Ayon kinain mo lang naman ang lahat ng sinabi mo tungkol kay kuya."
"Lasing ako, okay? Wala ako sa matinong pag-iisip."
"How do you feel? Any regrets?" medyo nagseryuso naman si Tamara.
Malalim na napabuntong hininga si Katrina. Sandaling kinapa ang nararamdaman. May pagsisisi nga ba siya sa nangyaring pagbibigay ng sarili kay Bryan?
Umiling siya."My heart says no but my mind says it was stupid. Alam naman natin na may girlfriend ang kuya mo, diba? Nakokonsensiya ako... Natatakot din ako. Hindi ko alam kung ano na ang mangayayari pagkatapos ng kabaliwan ko kagabi."
"Know what? A philosopher once said that we should always listen to our heart. It may be on our left but it is always right."
"Eh bakit ikaw hindi mo pinapakinggan ang sinasabi ng puso mo?"
"Sinasabi mo? Bakit napunta sa akin ang usapan?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa inyo ni doc Nathan?"
Biglang umasim ang mukha ni Tamara. "Pass. I don't want to talk about it." Iwas nito na nerespito naman ni Katrina. Mukhang may malalim kasi na hugot ang kaibigan niya tungkol dito at kay Nathan at mukhang hindi pa ito handa pag-usapan. ''Umalis na pala si Kuya at may importante daw siyang meeting sa site nila. Pinagbilin niya na huwag ka daw munang pumasok at tumawag na rin ako sa ospital para ipigpaalam na hindi ka makakapasok at masama ang pakiramdam mo."
''Salamat! M-May sinabi pa bang iba ang kuya mo? I mean, nasabi ba niya kung anong oras siya uuwi?" nag-aalangan niyang tanong sa kaibigan.
''Wala naman siyang nabanggit kanina. Kain kana at nakapagluto na ako ng mainit na sabaw at siguradong kailangan mo iyon," bumalik na naman ang panunudyo nito.
''Susunod nalang ako at magbibihis muna ako,'' si Katrina na namumula pa rin ang mukha sa hiya sa kaibigan.
''Ayyyy friend, gusto mo ibili kita ng balut?" nakatawa pang pahabol nito noong nasa may pinto na ito palabas ng kwarto ni Katrina. "Mabisa daw talaga 'yon pampalakas ng tuhod."
'Pabiro naman itong binato ni Katrina ng unan ngunit sa likod nalang ng pinto tumama iyon dahil naisara na ni Tamara ang pinto bago pa iyon dumapo.
---
PAGLABAS ni Katrina ng silid ay nakabihis na siya ng pambahay. Bagaman at pakiramdam niya ay masakit ang buong katawan sa ginawang pakikipagniig kay Bryan ng nakaraang gabi ay sinikap niyang kumilos ng normal sa harap ni Tamara. Sinusundan siya nito ng tingin habang nakaupo at kumakain ng tanghalian mukhang nakaligo na ito. Kumuha siya ng tasa para mag timpla ng kape baga man at mag-aala una na ng tanghali ay pakiramdam ni Katrina ay antok na antok pa rin siya halos wala pa siyang nagiging tulog dahil halos hindi siya tinantanan ni Bryan kung hindi pa siya nakiusap na patulugin na muna siya nito. Tumayo naman si Tamara at kinuha ang carton ng fresh milk sa refrigerator na nasa likod lang nito.
''Friend damihan mo ang gatas. Alam mo na, pampatibay ng tuhod,'' umpisa nanaman nitong pagbibiro habang iniaabot ang carton ng gatas kay Katrina. Mukhang tuwang-tuwa ito sa panunudyo sa kanya habang pakiramdam naman ni Katrina ay pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya sa kahihiyang nararamdaman.
''Tigilan mo nga ako Tamara sa panunudyo at hindi mo ba nakikitang hiyang-hiya na ako rito.'' Itinaas niya pa ang hawak na kutsara at kunwaring ipapalo ito sa kaibigan.
Nagtatawang tumayo si Tamara at inilagay ang pinagkainan sa lababo. ''Siya sige magbibihis na ako at baka ma late pa ako sa duty ko,'' naglakad na ito papunta sa kwarto nito at nang lumabas ay nakabihis na. Nagmamadali itong nagpaalam sa kanya at sumakay sa sasakyan nito. Sinundan naman niya ito at sinabihang siya na ang magsasara ng gate.
Nakatanaw si Katrina sa likod ng sasakyan ng kaibigan. Hindi niya maiwasan alalahanin ang kwentong narinig niya mula sa mga kaibigan ni Bryan kagabi sa Blue Eyed Disco Pub tungkol sa naudlot na panliligaw sana ni Nathan kay Tamara. Nanghihinayang siya sa dalawa. Mukhang bagay pa naman ang mga ito. Pero naisip niya na kung talagang seryuso si Nathan at talagang mahal nito si Tamara ay kikilos ito at ipaglalaban ang nararamdaman kahit hadlangan pa ito ng sibat ni Bryan.
Pagkatapos kumain at mailigpit ang mga pinagkainan ay bumalik sa kwarto si Katrina. Balak niyang bumalik sa pagtulog ngunit imbis na mahiga ay nakatayo lang si Katrina sa tapat ng kanyang kama pinagmamasda niya ang ang dugong patunay ng pagbibigay ng kanyang sarili kay Bryan. Muli niyang kinakapa sa sarili kung maypasisisi siyang nararamdam sa pagbibigay ng kanyang iniingatang pagkababae sa lalaking hindi naman niya kasintahan. Wala siyang makapang pagsisisi sa sarili ngunit naroon parin ang pag-aalala at takot. Walang binitawang pangako sa kanya si Bryan batid niyang pumasok siya sa isang sitwasyon na hindi niya alam kung paanong lumabas.
Hindi niya pweding isisi sa alak na nainom ang namagitan sa kanila ni Bryan. Baga man at nakainom siya kagabi ay alam niya ang kanyang ginagawa. Lalong hindi niya dapat isisi sa lalaki ang nangyari dahil hindi naman siya nito pinilit kusa niyang ibinigay dito ang kanyang pagkababae. Ngayon niya napagtanto na mahal na mahal niya ang lalaki kaya walang pag-aalinlangan niyang ibinigay ang sarili dito. Ngunit paano kung hindi naman pala pareho ang nararamdaman nila? Nahiga si Katrina sa kama at ang balak na pagpapalit ng sapin ng kama ay ipinagpaliban nalang niya muna pakiramdam niya ay nanghihina siya. Natatakot siya sa maaring mas malaking kabiguan ng puso niya.
BINABASA MO ANG
The Playboy [R-18]
RomanceMadalas na nagbabangayan si Katrina at Bryan. Ang nakatatandang kapatid ng matalik na kaibigan niyang si Tamara. Oo nga at sa tingin niya ay ito na ang pinaka poging lalaking nakilala niya ngunit napaka suplado at sungit naman nito sa kanya. Walang...