Chapter Three

40.4K 1K 8
                                    

INAKALA ni Katrina magiging mas maayos na ang pakikitungo sa kanya ng binata. Ngunit lalo pa yata itong naging masungit sa kanya na parang matandang dalaga na may buwanang dalaw sa kasungitan nito sa kanya.

Isang araw katatapos lang maligo ni Katrina at nakatapi lang siya ng puting tuwalya. Tinanghali na siya ng gising dahil pinuyat siya ni Tamara sa pakikipagkwentohan kagabi. Tuloy Dahil sa pagmamadali ay nakalimutan niyang magdala ng bihisan. Tanging ang puting tuwalya ang mabilisan niyang hinugot mula sa pagkakasampay sa sandalan ng upuan ng tokador niya na nasa kwarto. Dahil sa pagmamadadi ay hindi niya namalayan ang palabas ni Bryan mula sa kwarto nito. Bumannga siya rito at dahil sa pagkabigla ay muntikan na siyang matumba, mabuti nalang at mabilis ang reaction ng kanang kamay at napahawak siya sa laylayan ng t-shirt nito. Si Bryan naman ay bagamat at nabigla ay mabilis siya nitong nahawakan sa baywang.

''Heyyyy... bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadana mo?''

''S-Sorry late na kasi ako...'' nauutal na paghingi niya ng paumanhin. Paano ba naman ay liban sa pagkabigla ay parang natutulala pa siya sa pagkakakulong ng katawan sa mga bisig nito at higit pa roon ay parang may nararamdaman siyang bagay na matigas at tumutusok sa may tiyan niya. Bryan just woke up and having a morning erection. Mukhang papunta ito sa banyo ng magkabanggaan sila. Nang mapagtanto kung ano iyon ay may masarap na kilabot siyang naramdaman na lalong nagpatuliro sa kanya.

Dahan-dahan siyang inalalayan ni Bryan na makatayo ng maayos. ''Bakit ba may palagay akong sinasadya mong maghubad sa harap ko?'' sabay nguso nito sa dibdib niya. Dahil sa nangyari ay natanggal pala ang pagkakabuhol ng tuwalya at naka expose na ang halos buong dibdib niya. Namumula ang magkabilang pisngi na inayos niya ang tuwalya.

''Wow ha? Itinutudo mo na talaga ang pagiging GGSS mo? Tsaka anong nerereklamo mo diyan? Swerte mo nga nakita mo na ang isang bagay na hindi pa nakikita ng iba,'' nakairap niyang wika dito sabay talikod.

''Really, I'm not so sure...'' pahabol na pang-iinsulto ng binata.

''If I know gustong gusto mo naman,'' humarap siya rito at itinuro pa niya ang pagkalalaki nito. Pagkatapos ay pumasok na siya ng kwarto at ini lock ang pinto. Akala yata nito ay hindi niya alam iyon at mananahimik lang siya sa pang iinsulto nito sa kanya. Kapal ng mukha. Akusahan ba naman siyang sinasadya niya na nasa alanganing ayos siya sa ilang pagkakataon na nagkakaharap sila.

---

''BAKIT sandabakol iyang pagmumukha mo?'' tanong ni Tamara kay Katrina. Nasa kainan sila ng ospital at magkasabay na kumakain ng haponan. Absent ang isa sa mga kasamahan nilang nurse na pang gabi at may emergency daw kaya nagpresenta si Katrina na siya nalang ang papalit muna dito at kaya naman niyang mag straight ng work shift dahil day off naman nila kinabukasan ni Tamara. Baga man at magkaiba sila ni Tamara ng working time ay swerte naman at sabay ang day off nila at talaga namang pinagpapasalamat nila iyon na magkaibigan. Bago lang sila sa ospital na pinagtatrabahuan. Gustuhin man nila na magkasabay ng oras ng duty nila ay hindi sila makapagreklamu.

''Pano ba naman ang aswang mong kuya na saksakan ng bait sa akin ay hindi ko na alam kung matatagalan ko pang kasama iyon sa iisang bahay. Nakakaubos siya ng pasensiya,'' reklamo niya sa matalik na kaibigan.

''Friend, hindi kana nasanay kay kuya. Diba lagi naman kayong ganoon parang mga aso at pusa?'' pinagtatawanan nalang ni Tamara ang mga pagsusumbong ni Katrina sa kanya. Alam niyang hindi magkasundo ang dalawa at kapag nasa iisang lugar lang ang mga ito ay hindi pwedeng hindi ito nagbabangayan. Parehong mahalaga ang mga ito sa kanya. Ang kuya nalang niya ang nag-iisang pamilya na mayroon siya. Baga man at mahigpit ito sa kanya ay alam naman niya na mahal na mahal siya nito. Kapatid naman ang turin niya sa matalik na kaibigan. Ito ang partner niya in crime at laging taga ako at taga salo sa mga kalokuhan niya kahit na nga ito ang napapahamak sa kuya niya. ''Ano nanaman ba ang pinagtalunan niyo?'' curious na tanong ni Tamara kay Katrina na hindi pa rin maipinta ang mukha.

The Playboy  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon