SIMULA ng mangyari ang insedente sa sala ay iniiwasan na ni Katrina na mag pang-abot sila ni Bryan sa bahay. Ipinagpapasalamat niya ng malaki na naging abala rin ito sa trabaho at minsan nalang itong umuwi ng bahay. Kapag-uuwi ito ay kukuha lang ng bihisan at aalis din agad.
Pakiramdam ni Katrina ay para na siyang baliw. Kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na kalimutan ang tagpong inabotan niya sa pagitan ni Bryan at ng kasintahan nito ay paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya at sa tuwina ay para iyong matulis na bubog na sumusugat sa puso niya. Minsan kapag mag-isa siya ay bigla nalang tumutulo ang luha niya. Hindi dapat siya nasasaktan at higit sa lahat ay wala siyang karapatang maramdaman iyon lalo at wala naman silang relasyon ni Bryan. Kung naging mabait man ito noong mga nakaraang araw ay siguro napagod na rin ito sa pakikipagbangayan sa kanya at dapat niya nang ipagpasalamat iyon.
Ngunit sa bawat pagkakataon pala na nakakasama niya ito at nagpapakita ng kabutihan sa kanya ay unti-unti rin nitong hinuhukay ng mas malalim ang pagtingin na mayroon siya para dito noon. Alam niyang matagal na itong nakapasok sa puso niya noon pa mang una niya itong makilala ngunit inakala niyang nawala na iyon sa paglipas ng mga taon dahil sa madalas nilang pagbabangayan at pag-aaway. Mali pala siya ng inakala dahil naruruon pa rin pala ang paghanga niya para dito at ngayon nga ay mas malalim pa iyon dahil hindi siya masasaktan ng ganito kung hindi malaki ang inuukupa nitong bahagi ng puso niya. Masyado na palang nahuhulog ang loob niya at umaasa na may pagtingin na rin ito sa kanya. Ngunit alam niyang mali at dapat na niyang itigil.
Kailangan niyang makalimotan ito iyon ang madalas na sabihin niya sa sarili. Ngunit paano niyang gagawin iyon?
Ikapagtataka ng lahat kung bigla nalang siyang mag-alsa balutan at babalik sa bahay nila. Ano ang idadahilan niya sa ina at kapatid at siguradong hindi rin magugustohan ni Tamara kung bigla ay magpapa-alam siya rito at uuwi na sa bahay nila. Hindi rin naman niya masasabi sa mga ito ang tunay na dahilan. Siya lang naman ang may problema at hindi kailangan na ipaalam niya pa iyon sa lahat. Lalong hindi pwedeng malaman ni Bryan ang nararamdaman niya para dito. Para ano pa at wala naman siyang makukuhang tugon sa nararamdaman niya. Hindi rin naman niya gustong makasira ng relasyon ng iba.
Kapag may pagkakataon ay nagpriprisinta siyang mag overtime. Ayaw niyang umuwi sa bahay nila Tamara ng mag-isa at magkita sila ni Bryan dahil hindi niya alam kung paano ito pakikisamahan matapos ang nangyari. Minsan namang magpang-abot sila ni Bryan at wala pa si Tamara sa bahay ay nagkulong siya sa loob ng kwarto. Nang katukin nito ang pinto ng kwarto niya ay nagkunwari siyang tulog.
Gumawa rin siya ng paraan na malipat siya sa pang gabing schedule sa ospital sa ganoong paraan ay mas madali siyang makakaiwas na huwag silang magkita nito. Sa umaga ay pwedi siyang matulog at huwag lumabas ng kwarto hanggat na sa bahay pa si Bryan. Sa gabi naman ay walang problema at tulog na siya kapag naiisipan nitong umuuwi. Ikinapagtaka ni Tamara iyon ngunit nagdahilan si Katrina na mas nagugustohan niya ang pang gabing pasok at para mas magkasama din silang magkaibigan. Baga man at may pagdududa ay sumang ayon naman ito.
"Hoy tulala ka nanaman diyan." Siko sa kanya ni Tamara.
"Huh? May sinasabi ka ba?"
"Kaninap pa kaya ako salita ng salita dito pero hindi ka naman pala nakikinig. Ano bang iniisip mo?"
"Wala naman. Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina?"
"Tinatanong ko sayo kung ano ang tingin mo doon sa bago nating Pediatricia?"
"Bakit mo naman itinatanong sa akin?"
"Don't you find him cute? Balita ko ay binata pa daw 'yon and take note mahilig sa morina na tulad mo. Minsan nga ay nakita ko siyang titig na titig sayo eh," panunukso ni Tamara sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Playboy [R-18]
RomanceMadalas na nagbabangayan si Katrina at Bryan. Ang nakatatandang kapatid ng matalik na kaibigan niyang si Tamara. Oo nga at sa tingin niya ay ito na ang pinaka poging lalaking nakilala niya ngunit napaka suplado at sungit naman nito sa kanya. Walang...