SA CLINIC na pinuntahan nila ay napag-alaman nilang tatlong linggo na siyang buntis. Tuwang tuwa si Tamara ng sabihin ng ob-gyne ang naging resulta. Si Katrina ay baga man natutuwa ay may agam-agam siyang nararamdaman. Kung noon ay natatakot siya para sa sarili ngayon ay mas natatakot siya para sa batang nasa sinapupunan. Hindi niya alam kung paano ang magiging pagtanggap doon ni Bryan at wala naman silang napapag-usapan sa posibilidad na pagbubunga ng hindi mabilang na pagtatalik nila. Paano niya ipapaliwanag ang kalagayan niya sa Inay at nakababatang kapatid na si Erwin? Nangako pa naman siyang tutulong siya sa pag-aaral nito.
''Sa tingin ko ay dapat mong sabihin yan kay Kuya at sabay niyong harapin sila tita Nita at Erwin dahil nakakasigurado akong magagalit ang mga iyon sainyo ni kuya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagsasabi sa kanila e,'' si Tamara patingin-tingin sa kanya at sa daan dahil ito ang nagmamaniho ng kotse.
''Hahanap lang ako ng magandang pagkakataon Tam. Hindi ko lang alam kung kailan." Huminga pa si Katrina ng malalim. Si Tamara naman na hindi maintindihan kung bakit hindi nalang sabihin agad-agad sa kapatid ang pagbubuntis ng kaibigan ay umiling nalang at nagkibit balikat. Kung ito ang tatanungin ay gustong gusto na niyang sabihin sa kapatid ang magandang balita ngunit hinayaan nalang nito si Katrina. Karapatan ni Katrina na sa bibig nito manggaling ang balitang iyon.
---
DALAWANG slices na ng Black forest cake at isang malaking baso ng hot chocolate milk ang naubos ni Katrina ngunit sa tingin niya ay kulang pa iyon. Tumawag siya ng waiter at um-order pa ng isang slice ng kaparehong cake pero maliit nalang na baso ng chocolate milk. Hindi naman nagtagal ay bumalik na ang waiter dala ang order niya, tinanggal rin nito ang naunang pinagkainan Nakakadalawang subo na siya ng panibagong order ng cake ng mapatingin sa papalapit na si Sabrina. Maganda talaga ang babae mapa gabi o araw man, nakalitaw ang mapuputi at pantay pantay na ngipin nito sa pagkakangiti sa kanya. Modelong-modelo talaga ang dating nit kahit sa simpling suot na damit. May bitbit itong ilang plastic bag na sa tingin niya ay sapatos at ilang damit ang laman base sa tatak ng tindahan na pinanggalingan nito.
''Hi Kat, mag-isa ka lang ba?'' bati nito at naki pag-beso sa kanya.
''Have a sit...'' aya dito ni Katrina. ''Inihatid lang ako dito ni Tamara at umalis na siya may pasok pa kasi siya sa hospital. Ikaw mag-isa ka lang din ba?'' balik tanong niya dito.
''Yes. Naboboring ako sa bahay at naisipan kong mag window shopping,'' nakangiti nitong sagot. Tumawag ito ng waiter at um-order ng kape. ''Nakita kita habang pinag-iisipan ko kung saan ako pupunta kaya naisipan kong lapitan ka at magkakape na muna at napagod na ako sa paglilibot,'' dagdag pa nito.
''Hindi ka mahilig sa sweet?'' tanong ni Katrina ng marinig na kape lang ang hiningi nito sa waiter.
''Oh, I also love cakes. Kaso pakiramdam ko ay kailangan ko magbawas ng timbang at sumisikip na ang mga damit ko,'' si Sabrina at naglagay ng gatas sa kape na nilapag ng waiter.
Na-concious naman si Katrina sa sinabi ng kaharap na baga man para sa sarili nito ang sinasabi ay natamaan siya bigla siyang napatigil sa pagsubo ng maliit na hiwa ng cake. Hindi naman iyon napansin ng kaharap at abala sa kung anong hinahanap nito sa bag. Maya-maya ay naglabas ito ng hindi kalakihang envelop at inabot kay Katrina. Nagtataka namang inabot iyon ni Katrina at binuksan. Wedding invitation iyon ni Sabrina at Gregory.
''Wow congratulation!" masayang bati ni Katrina dito.
''Thank's, last Saturday ko pa sana iaabot saiyo yan ang kaso hindi na kita nakita sa Blue Eyed Pub hindi kana ulit bumalik doon. Nakalimutan ko naman na ipakiabot kay Bryan iyan at ngayon ko lang naalala na nakikitira ka pala sa kanila,'' deredretsong sabi nito. Natigilan naman si Katrina pagkabanggit nito sa pangalan ni Bryan.
BINABASA MO ANG
The Playboy [R-18]
Roman d'amourMadalas na nagbabangayan si Katrina at Bryan. Ang nakatatandang kapatid ng matalik na kaibigan niyang si Tamara. Oo nga at sa tingin niya ay ito na ang pinaka poging lalaking nakilala niya ngunit napaka suplado at sungit naman nito sa kanya. Walang...