"HOY JEID VINCENT CASTILLO!", tawag ni Yannie. Nilingon siya ng
binata na abala sa pagpipinta.
"Ano na naman yun Yannie Gosiaco?", kunot noong tanong nito.
"Sino na naman yung babaeng kasama mo daw kagabi?", tanong niya.
"Why? Masama bang makipaghalubilo sa iba? Kasal ba tayo Yannie?",
humarap ito sa kanya.
"You're my Fiance Jeivee!" Nagkibit balikat lamang ito.
"I know. Ano bang masama kung ienjoy ko ang pagiging bachelor ko.
Yannie don't forget your family insist this marriage", mapaklang sagot
nito.
Isang Buwan na ang nakakalipas nang pilitin sila ng mga magulang na
magpakasal.
----
[flash back]
"Jeivee, baka magalit sina mama nito. Bakit ba kasi walang signal
dito?", tanong niya. Nasa isang abandonadong bahay sila.
Nagtungo sila doon kasama ang mag-anak na Castillo. Magkalapit kasi
ang dalawang pamilya kaya naisipang magbaksyon ng magkasama.
Kasama niya ang binata dahil hindi niya sinasadyang maligaw nang
mapahiwalay sa magulang. Hindi niya malaman kung nakakabuti bang
nakita niya ang binta at nakisabay dito.
May sarili itong sasakyan na sa ngayon ay nasiraan kaya napilitan
silang manatili doon.
"Yannie, kung magrereklamo ka lamng ng magrereklamo dyan walang
mangyayari sa atin", sagot nito.
Naupo ito sa isang upuan. Hindi niya alam kung abandonado ba
talga ang bahay dahil maayos pa rin iyon, maski ang mga kasangkapang naroon.
"Natatakot ako Jeivee", hinila siya ng binata at niyakap.
"Ayan, wag ka ng matakot makakauwi din tayo. Sa ngayon ipagpalipas na muna
natin ang gabi"
bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit. Nalalanghap
niya ang amoy ng binata habang nakasandal sa bisig nito.
Napayakap siya ng mahigpit sa binata nang makarinig ng kaluskos. Tumayo
naman ang binata at hinanap kung saan nagmumula ang ingay.
"jeivee huwag mo akong iwan dito", tumakbo siya papunta dito.
"Aray!", sigaw nila pareho. Nabangga kasi niya ang likod nito. Tinitigan
niya ang pinagmamasdan nito.
Nasa isa silang kuwarto. Ang ingay ay mula sa isang lumang bintana na nagsasara
bukas dahil sa hangin.
Humiga ang binata sa kamang naroon.
"Hoy Jeivee, hindi yata abandonado itong bahay. Baka may ibang tao dito"
BINABASA MO ANG
My Akai Ito (Completed)
Teen Fiction"My Destiny...My Soulmate...My Forever..." masarap pa bang marinig ang mga salitang ito kung wala na ang taong nagsabi sa iyo nito? Paano kung sa pagkakataong tanggap mo nang wala siya ay may dumating na tila multo nito? Somone who looks like that p...