Nakatitig lamang sa isang painting si Jeivee. Ginawa niya iyon noong
nasa Japan pa siya. Iyon ang ang ala-ala niya sa dalaga noong nagpunta
sila sa Manila bay. Nililipad ng hangin ang buhok nito habang nakatanaw
sa papalubog na araw.
Hindi niya inaasahan ang makikita paglabas sa bahay na kinalakihan niya,
Napalingon siya sa isang bata na kalalabas lamang ng sasakyan.
Tila nakita niya ang batang siya.
"Lola, hurry...", sigaw nito. Lumabas si Miriam sa sasakyan
"Naku Nigel napapagod ako sayo ehh." Tumawa lamang ang bata.
"I'll go first Lola...Baka namimiss na ako ni mommy ehh", Iiling iling
lamang ang babae nang tumakbo ang bata sa loob.
Paanong nagkaroon ng munting bata na kahawig niya. At bakit
tinatawag nitong lola ang mama ni Yannie. Nag-iisang anak lamang
ang babae.
Agad niyang naalala ang nangyari sa kanila sa beach.Iyon ang unang
beses na nakalimot sila.
Malaking pagkakamali ba talaga ang ginawa niyang pag-iwan dito?
"justin-kun!", tawag sa kanya ng isang babae. Si Lilian iyon.
"Lilian-sama"
"Samishi Katta desu (I missyou so much)",niyakap siya nito.
"What are you doing here?"
"I want to see you... what's that?", tinuro nito ang painting na
may mukha ni Yannie.
"You are my fiance!", paninigaw nito. The scene is too familiar.
Naalala niya ang mukha ni Yannie na pinipigil ang luha nang malaman
na may inuuwi siyang ibang babae.
"Why can't you forget her? I thought you like me!",hindi ito mahirap
magustuhan. Mula ng naging mapalapit siya dio ay nawala na ang mga bangungot
niya.
"I like you", sabi niya. He mean it pero hindi ito ang hinahanap ng
puso niya.
Hindi niya nais magtagal sa Pilipinas dahil tiyak niya na mauungkat
ang tunay niyang katauhan.
Pero nabago iyon dahil naaksidente ang dalaga. Nag-aalala siya dito, hindi
niya magawang iwan ito. iilang beses niyang pinigil ang sarili
na yakapin ito satuwing umiiyak ito.
"I heard a but", dugtong ng Lilian.
"I still...love her"
"You can't do this to me.. We are getting married", hinawakan nito
ang braso niya. Umiiyak ito.
"Chubasa-kun left me. Then you too?"
"Lilian-sama..."
"I will not easily let you go... Sayonara", umalis na ito.
Maski siya ay naguguluhan. Kasalanan niya kung bakit namatay ang kabiyak
nito. Sinumpa niya sa sarili na magiging halili nito para sa prinsesa.
Kapalit ng ano...ng kaligayahan niya at ni Yannie.
BINABASA MO ANG
My Akai Ito (Completed)
Fiksi Remaja"My Destiny...My Soulmate...My Forever..." masarap pa bang marinig ang mga salitang ito kung wala na ang taong nagsabi sa iyo nito? Paano kung sa pagkakataong tanggap mo nang wala siya ay may dumating na tila multo nito? Somone who looks like that p...