Tinawagan niya ang mga magulang na uuwi na siya.
Sinabi ng mga ito na nakina Earl si Nigel. Sinabihan niya ang
ina na ilihim na nakauwi na siya. Nais niyang sorpresahin ang anak.
Dala-dala niya ang pasalubong niya ng papasukin siya ng katulong.
Sumenyas siya dito na huwag maingay.Nakita niya ang anak malapit
sa pool pero hindi ito naliligo kundi nagpipinta. At ang model nito
ay ang Tito nitong si Earl.
Apat na taon pa lamang ang anak ay talented na. Kamukhang kamukha pa ito
ni Jeivee.
"tito, wag kang malikot", saway ng anak niya.Napakamot naman ng ulo ang
binata.
dahan dahan siyang lumapit sa mga ito.Sinenyasan niya si Earl na huwag
maingay.
Nasa likod na siya ng anak.
"hindi mo ba namimiss si mommy?", nilingon siya ng anak.
"Mommy", niyakap siya nito.
"look at you.Ang dumi mo na", puno ng kulay ang suot nito pati rin
ang mukha nito.
"buti naman dumating ka na.Nangangalay na ako doon eh", lumapit
sa kanila si Earl at nag-inat
Tinitigan niya ang anak kasunod ang painting nito. It's too good for his age.
"Wow...ang galing namn ng baby ko", bati niya dito.
Nagpout ng lips si nigel at kumunot ang noo.
"It's not yet done. Si Tito kasi ang likot", natawa lamang siya.
Kinarga na niya ito at pumasok na sa loob. Si Earl naman
ay nagpaalam na may pupuntahan pa daw.
Pagpasok niya sa loob ay narinig niya ang tinig ng mama ni Jeivee.
"It's him Edgardo alam ko yun. Siya iyon. I'm her mom kaya alam kong
siya iyon", sigaw ni Ella.
"Stop it Ella. Patay na siya and that is the truth. Please tigilan mo
na itong kabaliwan na ito"
"Believe me Ed.... Kamukhang kamukha niya si Jeivee look at
this picture. Hindi ba hawig niya si Jeiveeko", si Jeivee? anong meron
dito?
"honey calm down...Hindi pa tayo sigurado. If it's him bakit hindi
agad siya bumalik at kung siya nga ito hindi ba't mas magiging
mahirap ang lahat lalo na kay Yannie", sagot ni Edgardo.
"lola? nag-aaway po ba kayo ni lolo?", tanong ng anak. hindi na
sila makakapagtago pa dahil nakita na sila nito.
Nagkatinginan muna ang dalawa.
"Nigel, baby..go to your room muna haaa...here's you sushi and toy",
tumango lamang ang anak at umakyat na papunta sa silid nito. Meron itong sariling
silid sa bahay ng mga lola nito.
"What's with..Jei..Jeivee?", tanong niya. Umupo siya katapat ng mag-asawa.
Iniabot sa kanya ang isang magazine. "Engagement with the Princess".
BINABASA MO ANG
My Akai Ito (Completed)
Ficção Adolescente"My Destiny...My Soulmate...My Forever..." masarap pa bang marinig ang mga salitang ito kung wala na ang taong nagsabi sa iyo nito? Paano kung sa pagkakataong tanggap mo nang wala siya ay may dumating na tila multo nito? Somone who looks like that p...