Chapter 8: Murder case in the Comfort room Part 1

14 3 0
                                    

Nakauwi na ako sa bahay, medyo natagalan din ang biyahe namin ni mom kase traffic.

Kinabukasan ay medyo napaaga ang pasok ko kaya yun nakipagkwentuhan na muna ako...

Ma-friend"

Oh" ey what's up

Eto ok lang naman ikaw ba yung pag-iimbestiga mo abouth your grandpa's death, kamusta?"

Ayun there's a progress naman.

Ah" good, nga pala halos 2 weeks na pero hindi ko pa rin nasasabi sayo kung bakit kami naghiwalay ni alam mo ma"

Ah oo nga pala, bakit nga ba?"

Kase niloko niya ako eh"

Ay nako Sean" kahit di mo naman sabihin halatang halata naman sa pagmumukha mo".

Sinong kalandian?

Yung pinsan ko".

Oh" i'm so-sorry to hear that".

Ok lang, masakit man, eh anong magagawa ko sila talaga eh".

Hayaan mo makakahanap ka rin ng taong magmamahal sayo".

Sana nga".

Malay mo nasa tabi mo lang",I whispered.

Anong sabi mo?"

Huh?" sabi ko ano,a-ah sabi ko malay mo nasa tabi tabi lang, sa kaklase mo for example, diba?",

Ah oo tama ka nga".

Nag-usap kami ni Sean at marami siyang naikwento sakin nang biglang—

Ate Aila!"Ate Aila!"

Bakit?" wait sino ka?" at bakit mo ko tinatawag?", i think naging rude ako.

Ay" sorry po kase po may nangyari po sa canteen, may patay pong nakita.

Huh?" eh bakit ako ang tinatawag niyo, call the police not me.

Pinatawag ka po kase ni ate Tey,kayo daw po ang tawagin ko dahil may maitutulong daw po kayo.

Ano?" si Tey as in Althea Nadine S. Valenzuela?"

Opo" tara na po"

Ok wait"

Nagtataka pa rin ako kung bakit ako ang pinatawag ng babaeng bruha na yun dito, eh hindi naman ako detective eh wala nga akong alam dito eh.

Uy" Aila nandito ka na pala, you need to see this, Tey said sabay hila sakin papunta sa Cr ng Canteen.

Napanganga ako nung nakita ko ang walang buhay na babae at may nakasaksak na kutsilyo sa puso niya at hawak hawak niya yon.

Sabi nung mga kasamahan niya nakita na lang daw siyang wala ng buhay dito at kanina pa daw pumasok ng cr si ate para maglinis pero ang tagal tagal daw nito kaya nagtaka na sila at nung tinatawag daw nila toh ay wala daw sumasagot kaya napagdesisyunan na nila na buksan ang pinto at yan ang tumambad sa kanila isang wala nang buhay na babae mga 11:38 daw siya natagpuan na wala nang buhay. 

Anong pangalan niya?" i asked

Clyden, tumutulong siya sa pagluluto at pagtitinda dito sa canteen, mabait na tao daw si Clyden kaya di nila pinagdidiskitahan na pinatay ito dahil wala naman daw nakakaaway si Clyden at staka base on her rigor mortis halatang halata na suicide ang nangyari dahil nakahawak ito sa kutsilyo na nakatarak sa dib dib niya...

Inobserbahan ko ng maayos ang bangkay, i don't think that it's a suicide, eh bakit naman magpapakamatay ang babaeng toh sa cr ng canteen kung pwede namang sa bahay niya o sa mas pribadong lugar na malaya siya.

Dumating na ang mga pulis at suicide din ang sinabi nilang nangyari, pero hindi talaga eh, Si Nika kaibigan ni Clyden ayon sa mga tinanong ko kanina wala namang away ang dalawa at malapit pa nga ito sa isa't isa, Alyssa kasamahan ni Clyden, nagkaroon lang naman daw sila ng miss understanding dahil sa iniiwan lagi ni Clyden ang trabaho kay Alyssa at ang dahilan daw nito ay may mahalagang gagawin. Nikko nagdedeliver ng yelo sa canteen sinama ko siya dahil ang sabi ng mga witness ay nandito daw ito nang 11:00 nang bago pumunta ng cr si Clyden para maglinis at umalis na daw si Nikko ng makita na ang bangkay, dating magkarelasyon daw ang dalawa at sinasabi rin ni Alyssa na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawa.

Sa kanilang tatlo i'm really sure that one of this three people was a killer but what should i do to know the real culprit.

Wala daw si Nika sa loob ng canteen nung mga oras na naglilinis ng cr ang biktima at si Alyssa naman ay nagluluto at si Nikko ay nagbaba ng mga yelo. Kinausap pa daw ni Nikko si Alyssa bago ito umalis. Habang si Nika ay lumabas at nag-paalam na magpapahangin lang.

Halos 20 munites daw na nagtagal si Clyden sa loob ng cr nagtaka na lang daw sila nung napansin nila na sobrang tagal na nito sa loob. Marami kaseng ginagawa ang mga tao sa canteen kaya maingay at kung sumigay ka sa cr ay malabong marinig dahil sa ingay sa labas ng nga estudyante dahil bandang break time daw pumasok ng cr si Clyden nang tignan ko ang bangkay napansin ko rin na basa ang damit ng biktima habang hawak nito ang kutsilyo at nakatagilid ang higa. Habang inaalala ko ang mga nakita ko kanina ay saktong nakita ko naman si Nika na kaibigan ng biktima na medyo may basa basa ang kanyang damit at pang-ibabang suot. Lumapit ako sa kanya.

Hi" ikaw si Nika tama?"

Ah oo ako nga, sino ka?"

Ah ako nga pala si Aila Carbonelle". Sabay abot ko ng kamay sa kanya at agad niya naman iyong tinanggap.

Napansin ko ang pagkulubot ng mga balat niya sa daliri parang nababad ito sa yelo o tubig dahil malamig din ang kamay niya,

Tubig, yelo hindi kaya—"

A/N:

   Grabe guys habang sinusulat ko tong chapter na toh ay kinakabahan ako kase di ko alam kung magugustuhan niyo ba o hindi.

Pls vote and follow if you like this chapter.

Stay tuned for the next chapter.
I"ll do my best to wrote a better story for all of you😊

Thank you guys!! 🥰😘...

Unexpected  CasesWhere stories live. Discover now