Cross my heart and hoped you're mine

432 8 3
                                    

Cross my heart and hope you're mine

by: Lemonflora

THERE WILL BE NO SOFT COPIES, THAT WILL BE GIVEN OUT!

FOREWORD:

I'M VERY SORRY FOR THE ERRORS OR ANY MISTAKES, IF THERE MIGHT BE SOME.

THIS IS A ONE SHOT STORY, AND I HOPE THAT YOU'LL GONNA ENJOY IT!

JANUARY 2013 ⓒ All Rights Reserved ♡♡♡

ENJOY READING

><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Aish! Bakit hanggang ngayon, hindi parin binibisita ng antok ang kaluluwa ko?

Nakahiga na ko't lahat, hindi parin nabigay ang nagmamaganda kong eyelashes.

Pistilang sakit kasi yan eh, ng dahil sa trangkaso ko eh buong araw akong tigang dito sa bahay at maghapong nag-hybernate sa higaan ko.

Ngayon namang ayos na ang pakiramdam ko at nakatirik na ang beautiful moon eh hindi naman ako makatulog. Pilit ko mang ipikit ang mga pilikmata ko, patuloy lang umaalingaw-ngaw sa isipan ko ang pagsisisi. Kainis nga eh, hindi ako nakapasok sa Opisina kaya hindi ko nakita ang pinaka-nakakaasar at pinakamamahal kong lalaki na si Trevor Feliciano.

Promise! Cross my heart and hope you're mine...

...Wish ko lang.. Vicky Morales!

Sa pangalan pa lang Trevor eh, you can even tell na mapapasindak ka na agad dahil nakaka-tremor talaga ng mga kalamnan at trauma din.

Dahil mabilis ang balita, eh nasagap agad ng antenna ng alaskador at pumunta agad dito. Imagine! nasa trabaho siya kanina tapos pumunta dito para lang abalahin ang diwa kong resting in peace sa kama ko.

Syempre! Para hindi niya ako maggulo, sinabihan ko agad si Mama na hindi muna ako tatanggap ng bisita para dalawin ang puntod ko este ako, dahil for sure kapag si Trevor yon eh baka hindi na ako tuluyan pang gumaling pero mali nga ang hula ng kahibangan ko.

--RECENT FLASHBACK--

Ang malas naman, bakit ngayon pa ako nagkasakit? Bakit hindi na lang ginawang Weekends. Kainis! leave tuloy ako ngayon sa trabaho.

Makatulog na nga lang muna, para makabawi ako ng lakas at makapasok narin bukas.

"Hello po Tita, nandyan po ba si Eirin?" May narinig akong isang boses na pamilyar sa labas ng kwarto ko.

Naku po! Sinasabi ko na nga ba eh, ang alaskador na mahilig akong alaskahin ay nandito na!

Mukhang masisira ang tulog ko nito ng wala sa oras. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil naandito siya o hindi. Wrong timing kasi ang datingan.

"Nasa kwarto niya Hijo nagpapahinga, baka hindi ka niya makausap ngayon dahil masama ang pakiramdam niya." Narinig kong paliwanag ni Mama at sana lumayas-layas na siya, wala ako sa mood ngayon lalo na at siya rin lang naman eh baka lumala pa ang sakit ko.

"Eh kaya nga po ako nandito eh, para kamustahin siya. Paano ko po malalaman kung maayos ang kalagayan niya kung hindi ko po kakausapin." Aba't nag-reklamo pa ang karaho sa Nanay ko.

"Ganun ba Hijo? Sige, ikaw ng bahala at may gagawin pa ako." Naku naman, kinunsinte pa ng Nanay ko, kaya nagiging Octopus ang ulo niyang lalaking yan eh.

Cross my heart and hope you're mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon