Chapter 10: The Love

41 3 1
                                    

Nagtungo si Angelo sa Sansinukob upang makahanap ng sagot sa kaniyang mga tanong. "Bakit nangyayari ito?" malungkot na tanong ng binata sa sarili bago bumuntong-hininga. Habang nakasandal sa puno ng mangga ay tinatanaw ni Angelo ang isang bundok sa di-kalayuan. Naalala niya ang mga panahong nadestino siyang magturo sa Naraniag kung saan matatagpuan ang Bundok Tilapayong. Ayon sa mga naninirahan sa nasabing nayon, mayroong isang alamat kung bakit hugis payong ang Tilapayong. Sa salitang Espanyol nga, tinatawag itong Cresta de Paraguas. Ayon sa mga matatanda, ang dalawang imortal na magkaiba ang mundo ang dahilan kung bakit nabuo ang Tilapayong. Sila ang dalawang makapangyarihang diyos na umibig at nagkahiwalay dala ng isang sumpang pumagitna sa kanilang pagmamahalan. Ito ang pag-iibigan ng diyos ng digmaan at ng diyosa ng asul na buwan. Batid ni Angelo na ang tinutukoy sa alamat ay sina Lakan at Libulan. "Nakatakda kaya akong umibig sa diyosang isinumpa?" tanong niya sa sarili.

Sa Sansinukob ay nanirahan si Libulan sa isang bukal sa Tiwi bilang anak ng diwatang si Maria Makiling. Isa siya sa mga batang imortal na muling isinilang sa Sansinukob. Nagbalik siya sa Kalualhatian upang magawaran ng kapangyarihan. Sa katanuyan, bumalik siya sa Kalualhatian para maalis ang sumpa ni Dian Masalanta. Bilang anak ni Mayari, walang kawangis ang kagandahan niya sa buong Kalualhatian. Kahit ang mga engkanto ng Mayon at mga mortal ng Tiwi ay nabighani kay Libulan. Ngunit sa kabila ng kagandahan niya, lingid sa kaalaman ng mga tao'y may kalungkutan na itinatago si Libulan sa kaniyang puso. Bilang isang diyosang anyong lalaki tuwing nakatago ang buwan, hindi siya maaaring umibig sa lalaking kaniyang iniibig, si Lakan. Ayon sa propesiya, siya ang sisira sa buong Kaluahatian kung iibig siya sa magiging anak ni Apo Laki.

Namasyal sa kagubatan ng Naraniag si Amber na nasa katauhan ni Libulan upang mamitas ng mga ligaw na bulaklak. Nakasalubong niya si Angelo na nasa katauhan naman ni Lakan. Matikas, matipuno ang pangangatawan, at katulad ng isang mabangis na agila ang mga mata ng lalaki. Bumalik sa alaala ni Amber ang nangyari sa kanila ng binata sa isang bukal sa Tiwi. Nadulas ang lalaki sa kinatatayuang bato at walang anu-ano'y naglapat ang kanilang mga labi. Parang nabalot ng kuryente ang buong katawan nila at hindi na sila makagalaw. May something. May spark. May attraction na gaya ng sa dalawang insekto na nagkatuluyan dahil sa chemical reaction ng pheromones nila. Hindi na nila namalayan ang paglubog nila sa bukal kasabay ng pagkukulay-dugo ng buwan. Nagising na lang si Amber sa isang ilog sa Antique kung saan nakabantay ang diyosang si Bugang. Ang diyosang bantay sa ilog ang nagdala sa kaniya sa Kalualhatian.

Nakaramdam na naman ng spark si Amber nang makita si Angelo. Biglang napawi ang kalungkutan sa puso niya. Nagkaroon siya ng lakas at tapang na kamustahin ang binata, "Hello! Pwede ba kitang kausapin?" Sumagot nang nakasimangot ang binata, "Kahit ayoko kinakausap mo na ako!" Muling nagsalita si Amber, "Alam ko na ako ang sinisisi mo sa nangyari. Pero sana naman bigyan mo ako ng chance na magpaliwanag sa 'yo!" Saglit na namayani ang katahimikan. "Walang magagawa ang mga paliwanag mo. Stranded na tayo dito sa past. Alam ko naman na nahihiwagaan ka rin sa mga nangyayari!" sambit ni Angelo. "Sa tingin ko, mas mabuti kung magtutulungan tayo na makaalis sa time-warp fantasy na 'to!" pahayag ni Amber. "Makikipagtulungan ako sa babae, este lalaki na hindi ko naman lubusang kilala!" sarkastikong tugon ng binata. "Matagal na kitang kilala, Angelo Claveria!" malumanay na bigkas ni Amber. Nagulat ang binata sa winika ng babaeng anyong lalaki.

"Kilala mo 'ko? Pa'no nangyari 'yon kung sa Tiwi lang kita unang nakita?" pagtataka ni Angelo. "In next ten years, if you don't have anybody, marry me?" wika ni Amber. "Lamberta Sapiro?!" pagkabigla ni Angelo. Tumango lang si Amber at ngumiti. Hindi pa rin makapaniwala ang binata. "Ikaw ba 'yan? Ikaw yung first love ko nung trese-anyos ako na nangakong magpapakasal sa 'kin?!" pahayag ni Angelo. "Oo, ako nga. Tanda mo pa pala ang promise ko sa 'yo!" tugon ni Amber. "Pero bakit? Bakit hindi ka na nagpakita sa akin matapos kang mangako? Bakit hindi mo pinahalagahan ang pirmadong kasunduan natin na magpapakasal tayo after ten years? Bakit hinayaan mo akong maghintay sa wala?" sunud-sunod na tanong ng binata. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ni Amber pero pinilit niya pa ring magsalita, "Hindi ako nawala sa buhay mo. Bumalik ako kahit wala na akong kakayahang bumalik sa 'yo!" Tiningnan ni Angelo ang mga mata ng nawalay na kaibigan at nagwika, "Anong ibig mong sabihin?"

Ipinagpatuloy ni Amber ang pagsasalita, "Hindi ko alam kung anong sakit ang dumapo sa akin nung lumipat kami sa Tiwi. Unti-unti akong naging isang lalaki. Sabi nila, isang sumpa raw 'yon na nakuha ko nang lumusong ako sa bukal sa Tiwi habang may La Luna Sangre. Tuluyan nang nagbago ang buhay ko at nawalan na ako ng lakas ng loob na magpakita pa sa 'yo. Nabalitaan ko ang ginawa mong suicide attempt nung iniwan ka ni Pearl. Luckily, I was a nurse in the hospital near Naraniag. Buti naman at nakasama ulit kita, kaso sa ganoong kalagayan. Someone who attempted suicide might do it again, so I stayed beside you. Inalagaan kita. Ako ang nurse mo, si Nurse Lambert. Hindi mo ako nakilala sa itsura kong lalaki. Ginawa ko ang lahat para bumalik ka sa dati. Ako ang naglilinis, nagpapakain at nagpapasaya sa 'yo. Nilapitan ko si Pearl para kausapin ka dahil tanggap ko na sa sarili ko na hindi tayo pwede, na pinagtagpo lang tayo pero hindi tinadhana. Sinunod ko rin ang sinabi mo sa akin na huwag kong ipaalam sa pamilya mo ang nangyari. Isang gabing bilog ang buwan ay bumalik ako sa pagiging babae. Naglakas-loob akong sabihin sa 'yo na ako si Lamberta. Dala-dala ang notebook kung saan nandoon ang pirmado nating kasunduan ay nagtungo ako sa room mo sa ospital. Wala ka doon kaya hinanap kita hanggang sa makita kita sa rooftop ng ospital. Pinigilan kita sa balak mong pagpapakamatay. Sinabi mo sa akin na ayaw mo nang mabuhay dahil walang nagmamahal sa'yo nang totoo. Pinakita ko sa 'yo ang kasunduan natin, yung pirma natin, yung pangako natin sa isa't isa. Tinawanan mo lang ako at sinabi mong biro lang ang lahat. Nabitawan ko ang notebook na hawak ko. Nang makita mo sa likod ko si Pearl ay dali-dali mo siyang nilapitan at natapakan mo pa ang kasunduan natin. Lumuluha ako habang mahigpit mo siyang niyayakap. Siguro nga, wala ka nang natatandaan dahil depressed ka nung mga panahong naroon ka sa ospital."

Hindi na rin napigilan ni Angelo ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Marahan siyang nagsalita. "Pasensya na, hindi ko sinasadya! Nabigla lang ako sa nangyari. Nakalimutan ko lahat dahil sa depression. Wala akong kaalam-alam na ang babaeng hinintay ko noon ay siya pa palang tumulong sa akin na makabangon. Matapos ang tagpong 'yon, nang yakapin ko si Pearl, ang tangi ko lang naalala ay may isang babae na tumakbo palayo sa amin. Niyakap lang ako ni Pearl para magpaalam. Pinulot ng babaeng umiiyak ang kaniyang notebook at ang nakaipit na piraso ng papel dito ay napulot ko. Pinuntahan ako ng nanay at kapatid ko sa rooftop ng ospital at dinala nila ako sa isang pribadong ospital sa Cabanatuan. Naka-move on ako sa depression dahil sa nilalaman ng piraso ng papel na nadampot ko sa rooftop. Ang piraso ng papel na 'yon ang nagbigay sa akin ng pag-asa na maniwala sa magic ng love, na lahat ay kayang pagalingin ng love, na ang true love ay walang hinihintay na kapalit, na ang ilaw na dapat kong sundan sa gitna ng dilim ay tinatawag na love."

Malakas na sinambit ng binata ang pangungusap na nasa piraso ng papel na tumulong sa kaniyang makabangon sa depression, "Magsilbi kang ilaw sa mga taong nawawalan ng pag-asa!"

Niyakap ni Amber ang binata mula sa tagiliran saka hinalikan ito sa pisngi. "Angelo, Lakan, o kahit ano pa man ang tawag nila sa 'yo, ikaw at ikaw pa rin ang liwanag at ligaya sa mundo kong pabago-bago!" sambit ng dalaga.

"You mean so much to me, My Goddess!" wika ni Angelo sa dalaga. Puno ng pag-ibig ang tingin niya sa mga mata ng babaeng anyong lalaki habang sinasabi iyon. "Hindi ko kakayanin kung mawawala ka ulit sa akin!" dagdag pa ng binata.

Biglang dumilim sa buong paligid at lumabas ang bilog na buwan na kanina'y nakatago sa ulap. Nag-anyong babae si Libulan at muling lumitaw ang kagandahan niya nang tumama ang liwanag ng buwan sa kanila. "Hindi ako mawawala," tanging nasabi ni Amber bago siya hinalikan sa bibig ng lalaking pinangarap niyang makasama habambuhay.

Sparks of Undying LightWhere stories live. Discover now