BRIANNA GIBBS Point of View
"Dok Ivann, ano po ang kailangan gawin?" pag-aalala na tanong ko.
"Bria, alam mo naman ang kalagayan ng tatay mo, hindi ba?! Kailangan na natin siyang maoperahan. Alam ko wala kayong kakayahan, pero tanging operasyon lang ang makakapag pahaba ng buhay ng tatay mo!"
Napababa ang aking tingin habang nilalaro ang aking daliri, "Alam ko po iyon. Gagawan ko ng paraan."
"Don't worry, I'll help you. I will try na ilapit ang case ng tatay mo sa mga government agencies to lessen your expenses. May mga kilala din ako na mga foundation na tumutulong sa mga kapos na katulad niyo."
"Salamat, Dr. Ivann. Sige po!" paalam ko. "Puntahan ko muna si tatay."
Umupo ako sa gilid ng kama. Pinipilit kong huwag umiyak at tatagan ang loob ko, pero paano? Sarili ko lang ang makakapitan ko sa ngayon. Wala ng iba. Saan ako kukuha ng malaking halaga para sa pag papa-opera ni tatay?
'Lord, help me! Ayoko mawala si tatay. Kahit hindi niya ako mahal, siya na lang ang pamilya na mayroon ako.'
Hinawakan ko si tatay na nakaratay sa kama. Pinipisil ko ang kamay niya habang umiiyak ng tahimik. Nananalangin ako na sana, kayanin ko lahat. Alam ko malampasan ko ang lahat.
"Tay, lumaban ka lang!" Mahinang humahagulgol at umiiyak.
Nagtanong-tanong ako sa aking mga kaklase kung may mga part time jobs silang alam na pwede kong pasukan. Halos mawalan na ako ng pag-asa, pero isa sa aking mga kaklase ang nag magandang loob para alukin ako ng trabaho. Si Liz.
She is my classmate from my second year in high school up to now in my 3rd-year college na kami. We are taking a BS in Information Technology at Metro University.
"May raket ako mamaya, gusto mo sumama sa akin?" tanong niya.
Agad akong tumugon sa raket na inaalok niya. Kailangan na kailangan ko kumayod para maghagilap ng pera.
"Kahit ano pa 'yan, go ako." Hindi na ako nagdalawang isip pa para tumanggi.
She explain everything. Lahat ng dapat kong malaman. Kung nung una ay desedid sa trabahong inaalok niya, ngayon ay nag dadalawang isip na ako.
'Wala ka nang choice, Bria." Sinusubukan kong patatagin ang aking loob.
"Paradise", sa tunog pa lang ng pangalan ng club ay matutukso ka na pumasok. Isa sa mga high-class club. Mayayaman at kilalang tao ang nagpupunta dito. Lugar din ng mga college student na naghahanap ng sugar daddy.
Nakatayo ako sa entrance ng club kasama si Liz. Nandito ako dahil sa isang rason. Ang rason na iyon ay para mapagamot si tatay na may sakit. Kung hindi siya o-operahan ay malalagutan siya ng hininga. 'Ito na ang pinaka madaling solusyon na gagawin ko.'
I sigh, 'Ito na ang gabing magpapabago sa buhay ko. Tama o mali ang desisyon ko ay kailangan kong sikmurain ang ganitong klaseng lugar.'
Lumingon ako sa paligid. Maingay, magulo, at nangingibabaw sa ere ang usok ng sigarilyo. Lahat ng nakikita kong mga tao ay napaka energetic. Para silang mga taong walang kapaguran. Sanay na sanay sila sa ganitong lugar.
Napaisip ako, 'Kagaya ko ba ang mga babaeng mga makikita ko ngayon?' I have no choice! Kailangan kong sikmurain ito. 'Kaya ko to! Kakayanin ko.'
Pinilit ko mag suot ng maikling mini skirt, sexy off shoulder sleeve at mataas na heels. Kinapalan din ni Liz ang make-up ko upang mag mukhang fresh. Dahil sa make-up ay natago ang maitim kong eyebugs at namumutlang mukha.
"Hindi ko yata kaya to!" Hinabol ko ang kamay ni Liz upang hawakan iyon. Pinigilan ko siya papasok sa club.
"'Wag ka na mag pakipot, Bria. Normal na lang na kumita gamit ang katawan."
BINABASA MO ANG
SUBMISSIVE LOVE
RomanceLahat gagawin ni Brianna Gibbs, pati na ang pagbebenta ng kanyang katawan, para lang mapagamot ang kanyang ama na may Lung Cancer. Kahit pa gaano kasama sa kanya ang kanyang ama, mahal niya ito. Sapat na ba ang kanyang pagsasakripisyo, para mahalin...