Kabanata 3

243 7 0
                                    

BRIANNA GIBBS Point of View

Nakaluhod pa rin ako kahit alam kong wala na ang lalaking kausap ko. Siguro nga napakayaman niya para bigyan ako ng malaking halaga ng ganun-ganun lang. Hindi ko man lang siya pormal na pasalamatan. Hindi ko man lang nagawang itanong ang kanyang pangalan.

Napatitig ako sa tseke na hawak ko. Naluluha ako dahil nagawan ko ng paraan para mapa-opera ni tatay. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Kailangan ko pang pumunta sa bangko para magpa encash upang bayaran ang ospital.

Dala ang pera ay pinaka ingat-ingatan ko iyon. Kung mawawala pa ito ay hindi ko na alam kung saan pa ako makakakuha ng ganito kalaking pera. Dali-dali kong hinanap si Dr. Ivann upang ibigay ang bayad na pampa-opera ni Tatay.

"Dok Ivann!" masayang tawag ko sa pangalan niya. Nasa opisina siya at may ilang bagay na ginagawa. "Nakakuha na ako ng pera para sa operasyon ni tatay," balita ko sa kanya.

"So fast, Bria?! Naunahan mo pa ako mag raise ng fund!" natutuwang tugon sa akin at kinuha ang tseke na inabot ko. "Saan ka nakakuha ng ganito kalaking halaga? Balak ko sana na ako muna ang magbayad sa pampa-opera ni Tatay Romeo para mapanatag ka na." May pag-aalala sa kanyang boses ng marinig ko iyon. "You've been through a lot. Magiging maayos din ang lahat, Bria!."


IVANN GIBBSON Point of View

I been his father doctor simula ng ma-diagnose itong may lung cancer. Nakaka inspired lang ang tulad ni Bria dahil lahat ng paraan ginagawa niya para sa kanyang ama. Kahit ako sa kalagayan niya ganun din naman ang gagawin ko, pero iba kasi siya. 'Full of eagerness at napaka positive in many ways.'

"Dok Ivann, sobrang nakakahiya na po sa inyo kung gagawin niyo pa iyon. Minsan ikaw na ang bumubili ng gamot ni tatay. Ang laki na ng naitulung niyo sa amin."

Namula ako sa paghawak ni Bria sa kamay ko. Mas dumagundong ang tibok ng puso ko. "Makakabawi din po ako sa inyo ni Chairman, pagdating ng panahon. Kapag naka luwag-luwag na kami ni Tatay."

Bigla na lang niya akong niyakap at todo-todo ang pasasalamat. Gusto ko tugunan ang yakap na iyon. Gusto ko higpitan ang yakap sa kanya para maramdaman niya na nandito lang ako para sa kanya. Ngunit pinipigilan ko ang aking sarili. Alam kong hindi magiging maganda kung mamadaliin ko siya at ipakita ang aking totoong nararamdaman. 'I can't hide the happiness I felt habang yakap-yakap ko si Bria, kahit sandali lang!'

"I'm just here, whenever you need me. All you have to do is say it." masayang sabi ko sa kanya.

"Alam ko na hindi pa sapat ang pera na iyan pantustos sa iba pang mga pangangailangan ni Tatay, kaya kailangan ko talaga mag trabaho ng mabuti para sa kanya." tugon sa akin.

Kumirot ang puso ko sa aking narinig. Kailangan niya mag-todo kayod para sa Tatay niya. Minsan gusto ko na saluhin ang problema niya, pero ayaw ni Bria. Kaya ko naman gawin lahat, basta para sa kanya. Ayoko lang na mahirapan siya at mamomblema.

"Huwag mo na masyadong alalahanin ang pangangailangan ng Tatay mo. Alam ko naman na sobra-sobra na ang ginagawa mo para kumita ng pera." Tinignan ko siya ng may awa sa aking mata. "You looked tired!"puna ko. "Pauwi na ako. On the way naman ang bahay mo sa bahay ko, kaya sumabay ka na." yaya ko sa kanya habang tinatanggal ang white gown ko. "Let's go?" tanong ko.

Masaya ako na napapayag ko siyang maisabay sa akin. Napag-isipan ko na kung sakaling papayag siya ay dadalhin ko siya sa isang restaurant. Napansin ko sa mga nagdaan na araw na mas pumayat siya. Naisip ko na baka hindi niya na a-alagaan ang sarili at hindi nakakakain sa tamang oras. 'This is a simple treat para naman mapagaan ang pakiramdam niya.' Kahit simpleng suot at walang kaarte arte sa katawan ay lumalabas ang akin niyang ganda. Babaeng kahit titigan mo ng matagal ay mas lalo gumaganda.

SUBMISSIVE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon