Kabanata 4

239 8 0
                                    

BRIANNA GIBBS Point of View

Kahit busy sa pag-aalaga kay tatay at pagtatrabaho, binibigyan ko pa rin ng panahon ang aking pag-aaral. This is the only way I can do para makaangat sa buhay kahit papano. Kailangan kong mag-aral mabuti para magtuloy-tuloy ang scholarship ko. Marami akong nakukuhang benefits at almost ¼ ng tuition na lang ang binabayaran ko.

Hindi ako makapag concentrate sa mga lesson na dini-discuss ng aking professor. Hanggang ngayon ay pumapasok sa isip ko ang mga matatalim na mata ng lalaking iyon. Napukaw lang ang atensyon ko ng mag ring ang bell. Nagising ang diwa ko na nasa kawalan ng mag-ingay ang aking mga kaklase.

Napatingin ako sa tatlong babae na masayang nag kwe-kwentuhan. Sila Ana Wilson, Fe Hanson at Donna Silve.

"Ana. Bago na naman yang dress mo? Hulaan ko regalo siguro sayo iyan ng sugar daddy mo, no?!" tanong ni Donna.

"Yes naman!" matining na sabi. "Alam mo girl isang request ko lang sa kanya, bigay agad! Look at this! Bago din ang watch at hikaw ko," pagyayabang sa mga kausap. "Binili namin kahapon sa mall." Inggit na sagot ni Ana.

"Sabi ng Daddy ko, next week pa daw kami pwede lumabas. Nakakainis nga e! Panay score sa akin, kuripot naman!" pairap na sagot ni Donna.

"Well, look at this!" masayang sabi ni Fe. Kinuha ang susi sa bulsa niya.

"OMG! Fe, Iba ka talaga! Ikaw na girl!" manghang sabi ni Ana.

"Mercedes Benz 2017," inggit na sabi sa mga kaibigan. "Road trip tayo mamaya ha!" yayang pa-ingit na sabi ni Fe.

Sana'y na sanay na sila sa usapan na ganun. Halos buong university ay alam na nagbibigay sila ng aliw. 'Yun nga lang, sa matandang mayaman at madaling mamatay. Noon nga nanghihinayang pa ako sa kanila dahil ganun klase ang trabaho nila. Darating din pala ang panahon na magiging katulad ko rin pala sila.

Yumuko ako sa desk at napabuntong hininga. Kinuyom ang kamay ko. Nangyari na ang nangyari. 'Kakalimutan ko na lang ang gabi na iyon at magsisimula ng panibagong buhay. Kahit pa nabahiran na ng dumi ang aking pagkatao.'

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Naiwan akong nakaupo sa desk nang maramdaman ko na may mga tumabi sa aking likuran. Pag angat ng tingin ko, nakita ko ang tatlo.

"Hi Bria!" ngiting bati ni Fe. "Nabalitaan ko na nagpunta ka sa Paradise club para maghanap ng sugar daddy?!" bulong sa tenga ko sabay tawa.

"Tignan mo nga naman! Ang mukhang inosente at ang akala natin pag-aaral lang ang inaatupag e may tinatago rin pa lang landi sa katawan!" pangiwing sabi ni Donna.

"Pwede naman kasi ilabas ang landi, mas pinili pa maging dalagang Pilipina!" sabat ni Ana.

"Naka bingwit ka ba ng yayamanin na lalaki?" tanong ni Fe. Yumuko upang humarap sa mukha ko. "Anong ka cheapan naman ang binigay sa iyo?" Tumawa ng malakas. Tumayo sabay irap sa akin. "Let's go, girls. May tour pa tayo sa tabi-tabi!"

Nakaramdam ako ng kung anong kirot sa puso. Nakaramdam ako ng panlalamig at panghihina sa mga pang kukutya nila. 'Tama naman sila!' Noon pa man, pag-aaral na ang inaatupag ko. Hindi ako gaano nakikipag socialize sa mga kaklase ko. 'Si Liz ang nag kwento sa kanila.' Magkakatropa at suki kasi sila sa Paradise kaya malamang tuwing gabi silang nagkikita at nag kwe-kwentuhan.

Malungkot akong tumayo sa kinauupuan ko. Nakayuko at may namumuong luha sa aking mata na pilit kong pinipigilan. Nahihiya ako kaya hindi ako maka tindig ng diretso sa paglalakad. Pakiramdam ko nakahubad ako sa mata ng mga estudyanteng nakasalubong ko.

I feel warm and ease beside him. Sa tuwing nakikita ko ang lalaking nasa harapan lp ay nakakalimutan kong pasan ko ang mundo. Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon para lumaban. Lumaban sa lahat ng bagay na kinakaharap ko. Napaka swerte ko siguro kung ang isang katulad niya ang mamahalin ko at magmamahal sa akin. 'Matatanggap niya kaya ang pagkakamali kong nagawa sa buhay?' Kahit noon pa man, wala na akong halaga sa mata ni tatay. Tanging si Ivann lang ang taong nagbibigay ng atensyon at pag-aaruga sa akin.

Sa di kalayuan, nakita ko sina Ana, Fe at Donna. Nagbubulungan at matalim na nakatin sa akin. Rinig na rinig ng dalawang tenga ko ang pag-uusap nila dahil sa lakas ng kanilang mga boses. Sa tingin ko ay sinasadya talaga nila iyon iparinig sa akin.

"Look!" sabi ni Ana.

"Wow! So handsome. Boyfriend niya kaya 'yan?" tanong ni Donna sa dalawa.

"Mukang nakabingwit ng pating si Bria!" may inggit sa boses ni Fe.

Ayoko ma-misinterpret ang relasyon namin ni Dok Ivann, kaya niyaya ko nang umalis agad-agad.

"Dok Ivann, tara na!" may hiyang yaya ko sa kanya.

"Let's go." Pinagbuksan niyaako ng pintuan at hinintay na makasay sa kotse.


IVANN GIBSON Point of View

Naghihintay ako sa school gate ni Bria. Sinadya ko sunduin parayayain kumain sa labas. Habang hinihintay, napangiti ako. Hindi ko mapigilan kiligin dahil sa ganda niya sa tuwing pumapasok sa isip ko.

Napapahanga niya ako kung gaano niya kagusto makatapos sa pag-aaral, despite of her struggle.

"Bria!" sigaw kong tawag sa kanyang pangalan.

Napalingon siya ng marinig ang malakas kong boses. Hinahanap pa niya ang boses ko kung saan nanggaling. Paghinto sa gate ay agad ko sinalubong ng may magandang ngiti sa aking labi. When I saw her smile, my heart melt like an ice cream.

Mabilis akong sinalubong ni Bria sa gate ng school nila.

"Dok Ivann!" magiliw na tawag sa pangalan ko. "Bakit nandito kayo? May problema po ba kay Tatay?" pag-aalalang tanong niya.

"Wala naman! Pinuntahan talaga kita para yayain ka kumain sa labas. Look at yourself nangangayayat ka na. Come on! Gutom na rin ako." yayang sabi ko. Kinuha ko rin ang dala niyang libro habang naglalakad papunta sa aking sasakyan.

'Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti .It's priceless.

Kakaibang tuwa ang naramdaman ko ng sumama sa akin si Bria. Bago ako sumakay sa driver seat ay napangiti pa ako.

Pagdating sa restaurant, nag order ako ng pagkain namin. Habang hinihintay ang order, nauna na akong magsalita. May mahalaga din kasi akong sasabihin sa kanya.

"Bria!" malungkot na tawag ko sa pangalan niya. "May gusto sana akong sabihin sa iyo."

Kinakabahan ako sa sasabihin sa kanya dahil madadagdagan na naman ang problema niya. Mag-iisip na naman sa kalagayan ng kanyang tatay.

"Meron nang bagong nagmamay-ari sa hospital! The bad news is ipapa-renovate ang in-patient building para gawing private hospital katulad ng katabing building. As soon as possible, kailangan natin mailipat ng ibang hospital ang Tatay mo. Ayoko sana sabihin dahil malaki na naman ang magiging problema mo, but I have no choice." Hinawakan ko ang kamay na nasa table. "Don't worry, I will help you settle this matter."

Nakita ko ang panlulumo sa mukha ni Bria.

"Bria, cheer up! We can do this, okay?!"

"Bakit ba nangyayari ang mga bagay na ito?" garalgal na tanong niya. "Bakit hindi ako tinatantanan ng problema? Ano bang kasalanan ko para parusahan ako ng diyos ng ganito? Kelan pa ba matatapos ang lahat ng ito! Hirap na hirap na ako, pero dahil sa iyo at kay tatay hindi ko inaalis ang pag-asa na magiging maayos din ang lahat."

Napahawak siya sa kanyang mukha. Kasabay noon ang pag-patak ng kanyang luha na ayaw kong nakikita.

"Bria---" Napahinto ang sasabihin ko ng mag ring ang aking cellphone. "Sasagutin ko lang ang tawag ni Uncle," paalam ko.

Pumunta ako sa glass window na malayo sa kinauupuan ni Bria.

"Hello, Uncle Harold!"

Nanlaki ang mata ko sa mga sinasabi ni Uncle. "Bakit ang bilis naman? Kakabili lang kahapon ng hospital. Ngayon gusto na nila palipatin lahat ng pasyente para irenovate ang lugar? Uncle, paano nangyari ito? Bakit ang bilis naman? Hindi pa tayo nakakapag abiso sa lahat ng pasyente natin." May pag-aalala sa mga mata ko na nakatitig sa gawing upuan ni Bria. 'Paano ko sasabihin sa kanya ang balitang ito?' Napabuntong hininga ako.

"Uncle papunta na ko diyan!" Binaba ko ang cellphone at dumiretso sa upuan namin.

"Bria! May urgent situation ngayon sa ospital. Kailangan na natin pumunta ngayon!" madaling sabi ko.

Bago umalis, pinatake-out ko na lang ang mga pagkain na in-order namin at nakisuyo na i-deliver sa address na ite-text ko.

SUBMISSIVE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon