CHAPTER 12: APPROVED

2K 60 1
                                    

"Hoy! Tama na nga yan. Ikaw Lilly kapag hindi ka pa tumigil sa kakabili ng kung anu ano kay Michael sinasabi ko sayo, hinding hindi kita papansinin." Sama ng tingin ko sa kaniya.




"Kuya, I want that bumble bee toy." Michael said whinning. Kukuhanin na niya sana ng kunwari umubo-ubo ako para maagaw ang atensyon niya.




Nabitin ang pag-abot niya sa laruan at nginiwian si Michael. "Sorry bud. I think the toys that we have are enough for today."




"But I still want the Bumble Bee toy Kuya Lilly or else I wouldn't approve you for my Ate." Pangtatakot na sabi ni Michael. Kukuhanin na sana ulit ni Lilli ng sinipat ko ang kamay niya kaya napaaray siya.




"Sorry bud! Utos ni Commander."



"Michael, tama na yan. Ang dami dami na niyang laruan na binili ni Kuya Lilly sayo oh at ikaw naman Lilly, babatukan na talaga kita kapag hindi ka pa tumigil jan." Namaywang na pagsesermon ko sa kanila. Imbes na magbaba sila ng tingin ay bumubungisngis sila ngayon sa harap ko.



"Hala! Ang cute naman nila."



"True. Happy family."



Nag-iinit ang pisngi na ibinaba ko ang tingin ko ng marinig ang samut-saring komento ng mga taong nakapaligid sa 'min sa mall.



Nasa mall kami ngayon at bumibili ng mga laruan ni Michael. Hindi ko naman alam na seseryosuhin ni Lilly ang mga pinagsasasabi ng kapatid ko sa kaniya. May pagkauto-uto rin kasi minsan si Lilly eh.



Lumapit si Lilly sa mga babae habang bitbit niya pa rin sa kaniya si Michael. "Miss, pwedeng kuhanan mo kami ng picture?" Tanong ni Lilly sa kanila na agad namang tinanguan ng mga babae.



"1,2,3 Smile." Buhat-buhat niya si Michael habang nasa tabi lang nila ako at ngumingiti.



"Ikaw naman ang bumuhat sa kapatid mo." Iniabot niya ito sa 'kin.



"Isa pa, Miss."



"Alright. In 1, 2, 3, Say cheese."



"Cheese." Ako lang ang nag-cheese habang ang dalawa ay humalik sa magkabilang pisngi ko.



"Yieeee. Ang sweet." Todo kantsaw ng mga tao.



Kahit kailan talaga 'tong dalawa ay takaw sa atensyon. Gwapo nga naman sila. Napagkamalan pa tuloy kami na pamilya.



"Tara na nga. Ang dami ng tao oh." Hila ko sa dalawa.



"Kain na lang tayo? I'm already hungry, right bud?" Tango naman ang isinagot ni Michael.



"Yeyyy! Jollibee. I love Jolibee." Sigaw ng kapatid ko ng makita ang mascot ni Jollibee sa loob. Dahil mahilig sa pagpicture ang dalawa, naka-ilang kuha na naman kami.



Nag-order lang si Lilly ng rice and Friedchicken, fries, at sundae. Sayang saya si Michael habang maganang sinusubuan siya ni lilly. Hindi ko alam na mahilig pala talaga siya sa bata. Ang dali niyang nakavibes'n si Michael eh. Para na nga silang bestfriend sa lagay nila.



----



"Hindi ka ba nabibigatan kay Michael?" Lilly asked habang nagdra-drive siya. Pauwi na kasi kami. Napagod ang bulinggit sa kakapasyal at kakabigay niya ng energy.



Tinignan ko si Michael na himbing na himbing sa pagtulog. "Yep. Nga pala  Thank you."



"Thank you para saan?" Nalilitong tanong niya habang pasulyap-sulyap sa 'kin.



"Thank you sa araw na ito. Sa pagpapasaya kay Michael at pagsunod sa mga gusto niya kahit hindi naman kailangan."



He smiled genuinely at me and said. "I enjoyed doing it besides ang gaan sa pakiramdam na kasama si Michael. Siguro dahil na rin sa hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid."



"Ay mag-isa ka lang na anak?"



"Yep."



Pagkapark niya sa restaurant niya ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto saka niya kinuha sa 'kin si Michael. Sa likod kami dumaan kasi madaming customers sa harap. Dito kami palaging dumadaan kapag nalabas kami para na rin iwas sa atensyon.



Inilapag niya ang tulog na si Michael sa kama.



"Thank you ulit." Ngiti ko.



Hinawakan niya ako sa kamay at iginaya paupo sa kama. "Hey! Yung sinabi ko kay Michael kanina ay totoo. Gusto kitang ligawan Rose. Gustong gusto. Hayaan mo lang akong patunayan ang sarili ko sayo. Hayaan mong ipakita ko sayo kung gaano kita kamahal. Siguro hindi ka naniniwalang mahal kita, okay lang. I have plenty of time to show and make you feel how important you are to my life."



"I approve." Michael said while he's asleep.



Natawa naman kami parehas dahil nawalan ng kunti ang seryoso at tensyon sa pagitan namin.



"See? Even Michael who is in tight sleep just approve me in courting you. Ikaw na lang ang hinihintay ko Rose. Will you allow me to be your boyfriend?"



Natatawang sinuntok ko siya sa dibdib. "Gago! Hindi iyon ang sinabi mo kanina."



Napangisi naman siya. "Ang tagal mo kasing sumagot eh tsaka medyo advance ako mag-isip."



"Alright. Pinapayagan na kita."



"Yes!!" Paulit-ulit na sigaw niya.



Sinita ko naman siya kasi baka magising si Michael. Umiiyak pa naman 'to 'pag nagigising sa tulog. "Maka-yes ka naman parang sinasagot na kita. Haler?! Manliligaw ka pa lang nu." Kantsaw ko dito.



"Doon din naman papunta ang relasyon natin eh."



"Tsk."



Hinatak niya ako palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. "Mahal kita, Rose."

THE BILLIONAIRE'S BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon