CHAPTER 14: TALKED

1.9K 53 0
                                    

Kinuha ko ang mga gamit namin at isinilid sa bag ko. Tinutulungan din naman ako ni Michael na mapabilis ang paggalaw. Nung sinabi niyang aalis kami ay agad akong napatango kasi ayaw ko na ulit maranasan ang ganitong sakit. Nasaktan ako noon ng mga past na karelasyon ko pero hindi tulad nito. Masyadong masakit kasi hulog na hulog na ako.



"Ate don't cry."



"Alright."



Hindi ko na rin kinuha yung mga pinagbibili niya sa 'min na gamit. Hinawakan ko sa kamy si Michael at naglakad paalis. Wala rin naman si Lilly ng madatnan ko sa labas ng kwarto eh. Buti na lang maaga pa kaya maraming sasakyan sa labas.



Sa labas ng subdivision na kami bumaba kasi hindi sila nagpapapasok ng sasakyan unless nakatira ka sa loob o may authorization ka. Ilang lakad lang ang ginawa namin ng makita ang bungad ng bahay namin. Kapansin-pansin ang bahay namin kasi ito ang pinakamalaki at kulay pink siya. Nagulat pa ang guard ng makita kaming magkasama ni Michael kaya agad agad niya kaming pinagbuksan ng gate.



"Hala Ma'am Sir, saan po ba kayo nagpupupunta? Hinahanap na po kayo ng mga magulang niyo." Akay niya sa'min sa loob.



Pagbukas pa lang ng pintuan sa bahay eh bumungad na sa 'min sina Daddy at asawa niya na pansin ang pagkasabik at pag-aalala. Pagkakita pa lang nila si Michael ay agad na nila itong niyakap at pumalahaw ng iyak. Kahit si Daddy ay umiiyak rin. Masaya ako para sa kanila.



"Anak saan ka ba nagpupupunta. Sobra mo kaming pinag-alala." Iyak na sabi ng Mama niya.



Tumalikod na ako at nagmamadaling umalis. Hindi pa ako handang harapin si Daddy. Hindi pa ako handang makipagtalo ulit sa kaniya. Ang mahalaga lang sa 'kin ngayon ay naihatid ko na si Michael sa kanila. Iyon ang importante.



----



"Anak saan ka nagpunta? May kumidnap ba sa iyo? Sinaktan ka ba nila? Ha?" Tanong ng Asawa ko habang hinahagkan niya ang anak namin.



I eyed him seriously "Simula ngayon Michael ay may bodyguard ka na. Hindi ka pwedeng lumabas ng wala kang kasama."



Imbes na sumimangot siya dahil sa narinig ay hindi, ngumiti lang siya ng malawak. Hindi nila ito inaasahan dahil ang alam nila ay iiyak ito at magsusumbong. "Daddy, Mommy, don't worry about me 'cause I'm with Ate. She took care of me. I'm sorry I left, It's just that I really really miss Ate so I search her by myself. I saw her outside walking with Kuya Lilly that time. She even scold me when she knew na I'm alone. She tried to convince me to come home but not until she will come with me I said. So here we are now.."



Walang prenong pagsasalita ni Michael. "She's here? She's with you Baby?" Tanong ko habang inililibot ang paningin. Nakangiting itinuro ni Michael sa likod ang ate niya pero wala siya.



"Ate?" Tumakbo palabas si Michael na agad naming sinundan baka kung mapano pa siya sa labas. "No! Ate?!" Sigaw niya pero walang sumasagot. Nagsimula na naman itong magwala at pumalahaw ng iyak dahil wala ang Ate niya.



Hinawakan siya ng asawa ko at nag-usap gamit ang mga mata nila. "Do something. Si Michael hon..." naiiyak na sabi ng asawa ko. Nasasaktan din ako na nagkakaganito ang anak namin dahil sa'kin. Ayaw umuwi ni Mary Rose dahil sa 'kin.



"Kuya have you seen my daughter?" Tanong ko sa guard.



"Ay umalis na po Sir. Akala ko nga po eh babalik na talaga siya dito eh."



Shit! God knows how much I despise myself for hurting her. Sa bawat salita na lumalabas sa bibig ko at nakikita ko kung paano siya masaktan don ay gusto kung pagsu-suntukin ang sarili ko. Lalo na ng mapag-buhatan ko siya sa kamay. Siguro tama nga siya! Wala akong kuwentang ama.



Napatingin kami ng may humintong sasakyan sa harap. Lumabas dito ang isa sa mga kasosyo ko sa negosyo. Calilly Williams.



"Sir! I'm Calilly Williams. Gusto ko lang po sanang maka-usap ang anak niyo. Andito po ba siya?" He said politely. Bakit naman niya kilala ang anak ko? Yan ang unang pumasok sa isip ko.



"Anung kailangan mo sa kaniya."



"There are some sort of mis-understanding happened towards us Sir."



Sinenyasan ko siya na sumunod sa 'kin sa loob together with my family.



"I hate you kuya Lilly!" Sigaw ni Michael bago tumakbo at pumasok sa kwarto niya.



Nakakunot ang kilay na tinignan ko siya. "May ginawa ka ba sa mga anak ko?!"



"I'm sorry. Umiyak po ang anak niyo ng dahil sa 'kin. Kaya po ako nandito para himingi ng paumanhin at linawin lahat ng nangyari kanina."



"Are you?! Are you and my daughter is in a relationship Mr. William?"



Napansin ko ang paglunok niya at pag-iwas ng tingin. "Liniligawan ko po ang anak niyo. Pero totoo pong mahal ko siya at namis-interpret lang niya ang nakita niya kanina. Please po 'wag niyo po akong palayuin sa kaniya."



Wow! The billionaire is pleading infront of me. I didn't know that he could do that.



"Kung sasabihin ko sayong iwanan mo ang mundong kinakasanayan mo ngayon at mamuhay ng simple para sa anak ko. Kaya mo ba yun?" Subok na tanong ko pero wala pang isang segundo ay tumango na ito.



"Kaya ko po. Lahat po gagawin ko para sa kaniya Sir." Sabi niya habang may determinadong mukha.



Napatango-tango naman ako at nagseryoso. Deserve ng anak ko ang sumaya at alam kung itong lalakeng ito ang magpapasaya sa kaniya.



"Nawawala ang anak ko ngayon. Pagkatapos niyang ihatid si Michael eh agad siyang umalis. I want you to find her for me. Ibalik mo siya dito at higit pa sa hinihiling mo ang makukuha mo sa 'kin."



Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya pero kalaunan ay parang nanalo na sa lotto ang itsura. I like him for my daughter. Alam kung aalagaan at mamahalin siya ng todo ni Calilly. Alam ko kaya panatag ako sa kaniya.



"Sige po Sir. Rest assured na by the end of this week I'll be back together with your daughter." Nakangising sabi niya bago nagpaalam at umalis.



Lumapit sa'kin ang asawa ko at umupo sa tabi ko. "Hon, anung pinag-usapan niyo at parang sayang saya si Calilly?" Kuryosong tanong niya.



"Soon, Hon you'll know."

THE BILLIONAIRE'S BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon