CHAPTER 20: TOGETHER

1.9K 51 0
                                    

"Eat helthy foods, sleep early, always update me your whereabouts..."



"Sasabihin ko sayo kung sino ang kasama at kausap ko, hindi dapat ako mag-entertain ng mga lalake, huwag stress'n ang sarili, at hindi ko dapat pagudin ang sarili ko. Hubby, paulit ulit ulit mo ng ipinapaalala sa 'kin 'yan at kabisado ko na rin. Huwag kang masyadong mag-alala sa'kin hubby kasi magiging okay ako doon lalo na't kasama ko naman sila Daddy."



Mas lalo lang niya akong niyakap ng mahigpit at ibinaon ang mukha sa pagitan ng leeg ko. Nanglalambing na naman ang lolo niyo.



Nasa parke kami ngayon at nakaupo sa damuhan habang ineenjoy ang sarili namin sa panonood sa mga batang naglalaro sa paligid. Kahapon pa ako nadis-charge at bukas na bukas ay aalis na kami papuntang America para magpagamot.



Matagal ko ng alam na may sakit ako sa puso. Hindi naman ganun kalala noon eh. Talagang punong puno na talaga ako nun at parang bombang naghihintay lang na sumabog.



Masaya ako na malungkot. Masaya ako na okay na kami nila Daddy pero malungkot ako kasi malalayo ako kay Lilly. Hindi man halata pero mahal na mahal ko siya. Hindi ko man kalimitan na sinasabi ang tatlong katagang iyon ay sa isip ko iyon lang ang isinisigaw.



Mahal ko si Lilly.



Hinigpitan niya ang yakap sa 'kin at malalim na bumuntong hininga. "I will miss you. I can't imagine myself living alone without you, Rose. Nasanay na ako nandito ka kaya dapat 24/7 tayong magkausap at magkaface time."



"Ang demanding mo po."



Mas lalo lang siyang ngumuso at paminsan-minsan na kinikintalan ng halik ang leeg ko.



"I love you." Bulong niya na siyang ikinangiti ko.



"I love you too."



Katahimikan ulit ang namayani sa 'min ng biglang tumunog ang tiyan ko. Naku po! Gutom na ako.



"I guess, I need to feed the monsters inside you. Let's go. May alam akong kainan na siguradong magugustuhan mo." Hinigit niya ako patayo at hinawakan sa kamay na naglakad.



Nakarating kami sa isang maliit na karinderya at may kukunting kumakain. Umupo kami sa pang-dalawahang upuan habang may lumapit naman sa 'min na matanda. Napaka-approaching ang itsura at presensya niya na hindi ko mapigilang bigyan din siya ng ngiti.



"Naku! Cal, ngayon ka na lang ulit nagpunta dito ah. Anong order niyo ni Miss Ganda?" Nakangiting saad niya.



"Oo nga po eh. Medyo naging busy lang nitong nakaraang araw. Tsaka si Mary Rose nga po pala. Asawa ko."



Naplaplastikuhang tinignan ko siya at mahinang tinadyakan sa ilalim ng lamesa. Balewalang kina-usap lang naman niya ang matanda habang sinasabi ang order namin.



Kinikilig ako eh.



"Totoo nga iyong pangako mo na kung sino ang unang dadalhin mong babae dito ay siya na ang magiging asawa mo. Naku! Congrats sa inyong dalawa. O sya, alis na muna ako at ng maihanda ko ang pagkain niyo."



Ano yung pangako na pinagsasabi nila?



"Hoy! Ano yun? Ano yung pangako na pinag-uusapan niyo? Chika mo naman sa 'kin."



"Ito kasi ang paborito naming kainan nung nag-aaral kaming magba-barkada. Eh nagtatanong si Aling Maria kung bakit hindi pa niya ako nakikitang may kasama o nagdala ng babae. So pinangako ko sa kaniya na kung sino ang unang dadalhin ko dito ang siyang magiging asawa ko."



"Eh hindi mo naman ako asawa eh." Nakangusong saad ko na nginisian lang niya.



"Hindi nga pero soon."



Kanina pa niya ako pinapakilig ah. Yieeh.



Isa-isang inilapag ni Aling Maria ang mga inorder ni Lilly. Hindi ko kasi alam kung kakainin ko since first time ko lang naman dito kaya hinayaan ko na lang siyang siya na ang mag-order. Pero hindi ko naman inaasahan na ang dami niyang bibilhin. Para na kaming mabibiyak sa dami eh.



"Gosh! Hubby! Bakit ang dami naman nito? Masasayang lang ito kapag hindi natin naubos eh."



"Mauubos natin ito. Masarap ang luto nila Aling Maria dito kaya siguradong mauubos natin ito." Malakas ang kumpiyansang sabi niya.



Nakahain sa hapag ang adobo, pinakbet, dinengdeng, sinanglaw, pritong isda at salad na gulay.



Umuusok pa ito ng inilapag ito kanina. Yung kanin puting puti. Lahat ng nakahain ay mukhang masasarap kaya sinimulan ko nang kumuha at tikman isa-isa.



Napapikit ako ng malunok ko ito. Damn! "Hmm... Ang sarap."



"I told you." Natatawang sabi niya at maya't maya kung subuan ako.



Bilib din ako sa sarili ko kase talagang ang dami ng kinain ko kanina. Kahit na busog pa ako ay nakayanan ko pa ring maipagkasya ang kinain namin kanina.



Napatingin ako sa relo ko at nakitang 7:50 pm na. Kailangan ko ng umuwi kasi hindi pa ako naka-empake.



"Hubyy..."



Napabuntong hininga siya at yinakap ako ng mahigpit. "I know.. Shit! Ayokong umalis ka pero kailangan. Ngayon pa lang nahihirapan na ako paano pa kaya sa susunod na araw. Mahal na mahal kita, Wifey. Please, bilisan mong magpagaling para makauwi ka kaagad sa'kin. Hmm?"



Nangingilid ang luhang tumango ako. Ako rin. Parang ayaw ko tuloy umalis at manatili na lang sa tabi niya pero sabi nga niya ay hindi pwede. Kailangan kung magpagaling para sa kaniya, para kay Daddy at para sa sarili ko.



"Mahal na mahal kita hubby, sagad."



Imbes na sagutin niya ng 'mahal din kita' ay masuyong hinalikan lang niya ako. Sa bawat halik na ibinibigay niya sa 'kin ay andun ang pagkasabik, gentle, pagmamahal at pag-iingat na para akong babasaging baso. Makalipas ang ilang sandali ay humiwalay na siya sa'kin at pinagdikit ang noo namin.



"Mahal na mahal kita, Wifey. Hihintayin kita."

THE BILLIONAIRE'S BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon