Chapter 3: Ohayo~ Japan!

20 2 0
                                    


HELLO TOKYO JAPAN!!!!!

Oh my gosh!!! Oh my gosh!!! This is it biskwet!

*Passenger's please put on your seatbelts for we are about to land at Tokyo, Japan.*

Syempre! Ako naman na excited. Seatbealt agad! Feeling ko kasi kapag sinunod ko agad yun, ay lalapag na kami agad agad.

Para akong batang excited na excited na gumala. May katabi ako sa upuan, actually.

Di ko alam kong girl or boy siya pero ang alam ko lang matangkad siya tapos natatabunan ang mukha niya. Puro pa kulay itim ang suot niyang damit pero in-na-in naman sa fashion. Bagay na bagay sa kanya, ang cool niyang tingnan.

Pero paki-alam ko! Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa bintana at napa 'wow' sa aking nakita.

"Wahhhh!!! Japan!!!" halos bulong kong sigaw. Mukha na nga akong paos eh.

Nang makalapag na ang eroplano, walang sabi-sabing tumayo na ako at nag-'excuse me' dun sa taong natutulog saka ko kinuha yung bagahe ko sa ibabaw.

Chaka ako excited na lumabas sa eroplano.

Nang makalabas ako. Isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin.

Jusko!~ Di ko pa naman nasuot yung winter jacket ko. Di ko naman alam na maginaw pala ngayong araw.

Dali dali akong pumasok sa airport at nagpunta na sa arrival area.

Ang daming taong naghihintay dun. Di ko alam kung magkikita o makikita ako nung manager na susundo daw sa akin dito.

Nagpunta na lang ako sa sulok at dun ako tumayo habang naghihintay na makita ako nung manager daw. Para madistract ang sarili ko. Nagce-cellphone muna ako.

"Are you Ms. Forteza?"

Inangat ko ang tingin ko mula sa cp ko at tiningnan ko ang isang matangkad na babae. Nakalugay ang itim at mahaba niyang buhok. Ang puti niya pa. Naka-pencil dress siya na color red at naka-high heels na red.

Its so bagay sa kanya!! Crush ko na siya. Hehehh~ Mas matangkad siya sa akin, SOBRA!

Naitago ko agad ang phone ko sa bulsa. "Ye-yes! That's me. A-are you the manger?" I said play-safe.

She chuckled. "You're cute. I'm sure he'll like you." then she smiled.

Eh?? Hindi ko naman tinatanong kung cute ako ahh~ Weird nito.

Ngumiti na lang rin ako, kahit di ko gets yung sinabi niya.

"Anyways. Let's go. He's waiting for you." she said at tumango lang ako.

May lumapit na lalaki sa amin na naka-suit at may earpiece sa tenga, tapos kinuha yung bagahe ko. Sumunod na lang ako dun sa manager.

Pagdating sa parking lot. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang sasakyang gagamitin. Itim ang kulay nito. Maganda at magara. Di ko lang alam kung anong pangalan ng sasakyan.

This entertainment probably damn rich!

"Ms. Forteza? Get in." sabi nun manager.

Nagbalik naman ako sa katinuan saka ako pumasok sa sasakyan. Magkatabi kami ni Manager. Habang yung lalaking kumuha ng bagahe ko kanina ay driver pala!

[Speaking Japanese...]

[Replied on Japanese language...]

Palipat lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa na nag-uusap. I was really amazed hearing them speaking Japanese! Dati sa anime ko lang naririnig, ngayon, totoong totoo nah! Para akong nasa loob ng anime world in just hearing their voices.

My Anime Changes Characters [On-going]Where stories live. Discover now