Chapter 7
ERON POINT OF VIEW
Hindi pa din siya nagbabago. Suplada pa din siya at maganda. Hindi ko talaga siya malilimutan, ang kaniyang ngiti sa labi; ang kislap ng kaniyang mga mata.
Agatha...
"Hangang ngayon pala ay kumakain ka pa din ng palabok?" Ani ko.
I miss her scent and voice again.
Dahan dahan siyang lumingon sa akin at pinaningkitan ng mata, nangunot din ang kaniyang noo. Parang nagtataka sa aking sinabi. Hindi niya pala ako kilala at maalala.
"Sinasabi mo?" Taas kilay na sabi nito.
Ngumiti lang ako sa kaniya at bumili na din ng pagkain ko. Padabog niyang kinuha ang kaniyang pagkain ag nagmartsa paalis sa counter. Malaki ang ngisi sa aking labi habang nakatingin sa kaniyang imahe na naghahanap ng upuan, napawi lamang ang ngisi na 'yon ng makita ko siyang naglakad patungo sa mesa ni Kudos. Umiwas ako ng tingin at nagbayad na.
Shit. Hangang ngayon ba ay siya pa din? Bakit hindi niya magawang kalimutan si Kudos? Agatha bakit?
Tumingin mo na ako sa huling pagkakataon sa kanilang direksyon bago tuluyang lumabas ng cafeteria. Ang sakit pala kapag nakita mong masaya ang taong mahal mo na hindi ikaw ang dahilan.
The way she laughed, I can't stop myself for being inlove with her again and again.
Nang malaman kong bumalik na siya ay nabuhay muli ang mundo ko. Nang makita kong mag-isa siyang naglalakad sa hallway kanina ay parang nagdiwang ang buong sistema ko. Sinadya ko talagang banggain siya kanina dahil gusto kong mahawakan ang balat niya. I miss her scents and everything about her.
Dumiretso na ako sa music room para doon kumain at magplay ng violins. Playing violins is my escaped, sila ang saksi ng lungkot, pighati at sayang nararamdaman ko. Sila din 'yong saksi kung paano ako nasaktan ng malaman kong umalis siya at ilang taon ding hindi nagpakita sa amin. Not until she came back and nothing can remember.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya, kung bakit ni isa sa amin ay hindi niya makilala o malala pero ang pinagtataka ko lang ay bakit kilala niya si Hannah? Well, ate nga pala niya 'yon.
"You see them?"
Napatingin ako sa taong nagsalita sa may pintuan. She's angry as an tiger.
"Pakialam mo?" Naiiritang tanong ko.
She hissed. "Huwag ka ng magpanggap. Alam kong naiinis ka din at nasasaktan katulad ko. Let's make a deal," she uttered.
"Baliw ka na. Tsk, wala akong pakialam kung nasasaktan ka kapag nakikita mo silang magkasama. Pakialam ko sa nararamdaman mo? Ha?" Naiinis na tanong ko. "Get out! Magpractice ako," dagdag sabi ko.
"I'm going to make her life misserable, Eron. Watch me!" She said that full of hatred on her voice.
She's insane as fuck.
Hindi ko akalain na gagawa siya ng masama para lang sa pag-ibig. Nakakabaliw din pala ang pag-ibig, kung hindi mo ito kayang kontrolin ang pag-ibig mismo ang magko-control sayo.
I'm inlove but I'm not insane like her.
I started to practice the violins. Mas mabuti pang magpatugtog na lang ako kaysa humabol o gumawa ng masama sa isang tao para lang sa salitang pag-ibig. Bahala siya diyan, basta huwag lang niyang gagalawin si Agatha kung hindi ako ang makakalaban niya.
When the bell rang. Inayos ko na ang violin ko at binalik kung saan ko ito kinuha kanina. Tumayo na ako at naglakad na palabas ng music room habang dala dala ang plastic na pinagkainan ko.
Naglakad na ako pababa ng hagdan patungong cafteria para bumili ng bottled water at para na din tignan kung ando'n pa siya.
Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong ko pa si Kudos. Ang angas niya na akala mo sa kaniya ang buong hallway.
Nakatinginan lang kaming dalawa. Isang matalim na tingin ang binigay niya sa akin at ako naman ay isang tingin na hindi niya malilimuta.
Tsk, yabang!
Nilagpasan ko na siya at nagpatuloy na sa paglalakad patungong cafeteria. Pagkapasok ko sa loob ay agad kong nilibot ang aking paningin at andoon pa din siya sa mesa nila Kudos kanina.
Namumutla siya habang nakatingin sa kawalan. Nakaawang ang mga labi parang hindi alam ang gagawin. Base on her looks and expression, she was scared. Pero hindi ko alam kung saan siya natatakot. Nanginginig din siya, shit. What happened to her?
Bumili ako ng dalawang bottled water. Isa sa akin at isa ay sa kaniya. Wala kasi siyang tubig sa kaniyang mesa eh.
Pagkatapos kong bayaran ay naglakad ako patungo sa kaniya. Hindi niya siguro napansin ang presensya ko dahil ni isang tingin sa akin ay wala.
Tumikhim mo na ako. "Are you alright? Nanginginig ka."
Gulat na tumingin siya sa akin.
"Are you alright?" I asked again.
She leat out a heavy sigh then slowly nod her head. "I'm fine! Tsaka bakit ka ba andito?" She asked me.
Imbes na sumagot ay binigay ko sa kaniya ang tubig. I know she's not fine. Nagpapanggap lamang siya para paga-anin ang lahat.
"Drink that. Aalis na ako," sabi ko at iniwan na siya doon.
Agatha why you always being like that? Pwede mo namang sabihin sa akin ang lahat eh... sino nga ba ako sa kaniya? Eh sa hindi nga niya ako maalala at makilala. Bakit niya pa sasabihin sa akin ang lahat? We are stranger to each other.
FAYE POINT OF VIEW
What is he doing here? Bakit niya ako binigyan ng tubig? I thought umalis na siya? Ang gulo naman ng lalaking 'yon.
Pero tangna! Tagos hangang buto 'yong takot ko kanina bago pa siya dumating.
Sino ba kasi ang taong 'yon? Bakit galit na galit siya sa akin?
Ang daming tanong sa isip ko pero ni isa ay walang sagot. Ang hirap maging walang alam.
Putangina!
Tumayo na ako at lumabas sa cafeteria na may takot pa din. Malay ko bang nakapalibot ang taong 'yon sa akin. Hindi natin alam ang kanilang kinikilos.
Mahirap maging ako, isang taong walang alam at hindi alam ang nakaraan, hindi makaalala. Pinipilit ko naman pero bakit wala pa din.
Bzzzt bztt
Kinuha ko ulit 'yong cellphone ko sa aking bulsa para tignan kung sino ang nagtext.
Unknown:
Mag-ingat ka baka may tumuklaw sa'yo sa likod.
