SH 1. The First Encounter

64 1 0
                                    


Kriiiiingggggggg !!!

krinnggg ! krriinggg !!

kringgg !!

"hello ?? Heartly speaking"

"hoy ! Heartlyyyyyyyyyyyyy ! nasan ka na ba ?? kanina pa kami naghihintay ditoooooooo !" dahil sa lakas ng boses ng sumisigaw sa telepono ay agad ko tong inilayo sa precious ear ko bago pa ko mabingi saka ko ulit ibinalik pagkatapos akong sigawan ng nasa kabilang linya.

"Ano ba! Psyche ! ang sakit mo sa tenga wag ka ngang sumigaw naririnig kita" sabi ko sa kausap ko.

"Eh kasi naman ! ang tagal tagal mo! Ang daming tao na dito oh ! baka di mo sya mapanuod nyan sa kakuparan mo!" eh sya lang naman may gusto manuod nun eh hindi ako. -_- hay nako! kung di ko lang bestfriend to iniwan ko na.

"Oo na! pupunta na ko dyan.."

saka ko pinatay ang telepono.

By the way.. bago kayo magsimulang basahin to magpapakilala muna ako ∩_____∩ Ako nga pala si Heartly Cartner, 17 years of age. Hindi naman sa Mayaman ako, may kaya lang .. kasi si papa ay isang cook lang sa sarili nyang Restaurant. Gusto nya kasing sya ang nagluluto kaysa sa mag hire pa sya. Si mama naman professor sa isang University. Sa inyo ding kaalaman may dalawa akong kapatid Si kuya Val short for Valentin and may baby bro is Red. So back to my Story. :)

****

nandito na ako sa Valentine High. Sounds familiar right ? eh kasi naman Kuya ko lang naman ang nagmamay ari ng School na to. Why does my mother did not teach in this school ? Ayaw kasi ni mama na magturo sa highschool kasi daw matitigas ang ulo ng mga highschool compare daw sa mga college na mga matured na daw.

Papunta na ko ngayon sa Gym nang makita kong puno nga ito. Ang daming tao kasi may mga ibang students din kasi galing other schools ngayon kasi ang Championship game sa Basketball ng aming school.

"Heartly ! over here !" Narinig kong sigaw ni Feb isa sa mga bestgirlfriend ko kasama nya si Psyche.

Dahil sa maraming tao ay na out balance ako kasi may bigla tumulak sakin mula sa likod. Hinihintay ko na lang na bumagsak ako sa sahig pero di ko man lang naramdamam yung floor paglingon ko may nakita akong isang poging creature .. Natulala ako, May sparkle pa kong nakikita sa paligid nya.

"Ehem!"

ang ganda ng mga mata nya nakaka akit titigan +_+

"Are you finish staring at my face?"

ano ba yan parang huminto lahat nang nasa paligid at parang nagsslow motion sya sa paningin ko. Nang may biglang pumitik sa noo ko at dun lang ako bumalik sa realidad.

"Ha - ahh !?"

"tss."

Bigla nya kong binitawan at bigla na lang din umalis. Naalala ko di pa ko nakakapag pasalamat sa kanya kaya sumigaw ako.

"S-salamat nga pala !!" Saka ako naglakad papunta aa kinaroroonan nina Feb at Psyche.

"Hoy Heartly nakita ko yun." bulong sakin ni Feb pagkarating ko sa pwesto nila.

"hihi ang cute nyong tingnan nun" kinikilig nyang bulong sakin kaya naman siniko ko sya.

"Ano ka ba aksidente yun wag mo ngang bigyan ng malisya saka ang suplado nya kaya"

"hahaha oo na lang sabi mo eh." sagot nya sakin saka muling tumingin sa mga naglalaro at nakiki irit kasabay ni Psyche.

Umupo na lang ako dun at hinintay matapos ang game.

"eeeeiiihhhh! ang galing talaga ni Cupid maglaro!" impit ni Psyche kasi nga panalo ang school namin.

"Ano girls lapitan natin sila ?" sabat naman ni Feb pero i refuse.

"Kayo na lang una na ko sa inyong umuwe gabi na kasi. Baka nandun na si mama pupunta pa kasi kami sa Restau."

"Ah ganun ba? Sige bye bye" Sabi ni Feb at umalis na sila ni Psyche.

Palabas na ko ng Valentine High ng makita ko syang naglalakad na may sakbit na gitara sa likod. Nginitian ko sya nung mapadaan sya sa harap ko pero snob lang ako. Suplado nga talaga, nang dahil sa napatungo ako may nakita akong Blue na maliit na bagay at dinampot ito. Isang pick ng gitara siguro sa kanya to.

Agad kong tinago at tumakbo palabas para habulin sya pero wala na.

-------------

cut ! hehehe putulin muna natin. :)

Hope you like it! mamaya 2nd update .

(FEB-IBIG STORY)Let The Love BeginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon