SH 3. Story Writing

12 0 0
                                    

"Ano na friend ? Ayaw mo pa rin ba sumali ?" ang kulit talaga ng mga babaeng to. Kanina pa ko pinipilit at tinatanong sa pagsali dun sa Story Writing na yun !

"Hindi parin. Wag nga kayong magulo ang sakit na ng ulo ko sa inyo." Inis na sabi ko sa kanila.

"Hindi pa rin ako titigil girl. Kami na ang gagawa para di ka na umatras pa. Dyan ka na nga!" Irap sakin ni Psyche saka umalis hila hila si Feb.

"Hoy ! anong gagawin nyo ? Dont tell me ??"

"Oo kami na ang magpapalista ng pangalan mo friend see yah ! and goodluck sa contest!" Sinasabi ko na nga ba . Hay nako wala na talaga akong magagawa pa.

Tumayo na ko sa upuan ko at lumabas ng room para habulin sila. Tutal di ko na naman sila mapipigilan. Sa pag mamadali kong pag labas ng room may naka bangga akong Pader ??!! imposible naman yun dapat nauntog na ko at nabukulan diba?

Agad akong tumunghay at nakita ko na naman yung lalaki sa Gym. Lumayo agad ako sa kanya.

"S-sorry di ko tinitingnan dinaraanan ko nagmamadali kasi kasi ako eh. Sige bye!"  Agad akong kumaripas ulit ng takbo ng marinig ko pang tawa ng tawa yung ksama nya. Di ko na lang pinansin at pumunta na ko sa School ground para puntahan sina Psyche.

"Friend ok na ! hihi kasali kana !"

"Pero ang dami mong kalaban Heartly as in ! Kayanin mo kaya yun ? Eto nga pala yung note para sa pag gawa ng Story andito na rin kung anong Story ang gagawin."

"Hayyy sige akin na. Magsisimula na ko mamaya kelan daw ba ang deadline nito?" Tanong ko kay Feb baka kasi matagalan ako gumawa nito may lakad pa man din ulit kami ni mommy.

"before february 14 Heart. February 8 na ngayon. Konti na lang yung araw mo."

"Haah ???! 5days ko lang to susulatin ? parang di ko yata kaya?" Ang ikli naman ng given time nila matatapos ko kaya to?

"Konting Chapters lang daw naman eh mga 30 chaps." Lang ??? Ang dami kaya ng 30 chapters !


***

Maaga akong umuwi sa bahay para simulan yung Story na gagawin ko. About kasi sa Valentines eh. Hmmm. Pano ko kaya to sisimulan ? Ang hirap naman ng Topic eh !

Inabot ako ng 5 hours sa pag iisip ng magandang simula ng kwento ko pero wala pa rin eh. auuggh !


tok tok tok !


"Baby Heartly may naghahanap sayo sa baba." Huh ? Sino naman kaya yung naghahanap sakin sa ganitong oras? pass 9 na.

"Myyy sino daw po?"

"Bumaba ka na lang ikaw na magtanong lalaki eh" Lalake ?! Eh wla nga akong kaibigan na lalake sa school eh ! Bukod kay Tonton hayyyss.. wala naman sya dito. Makababa na nga.

Pababa na ko ng hagdan ng makita ko ang lalake na nakaupo sa sala namin.

"Ikaw ?!!" agad na bungad ko sa kanya. Anong ginagawa nito dito? at bakit nya alam ang bahay ko?

"ahhmm." si Lalake

"Anong ginagawa mo dito samin? Pano mo nalaman ang bahay ko? Anong kelangan mo sakin?"

"T-teka ! ang dami mo namang tanong" Nakita kong kamot nya sa ulo.

"Bakit nga? Give me 5 reasons in 357 words!"

"H-huh???! Ano to? Oral reading sa English? Kelangan bilangin yung words ?"

"Sabihin mo na lang dahilan mo bilis!"

"Nagmamadali?" Kulit din pala ng lalakeng to! Eh di ko pa naman sya kilala.

"Oo nagmamadali ako kasi may ginagawa ako." Natatarayan ko tuloy sya sayang wapoise na ko neto.

"Iaabot ko lang naman tong Libro mo nahulog mo kasi nung nagkabungguan tayo sa school. Dito ko kasi nabasa yung adress mo kaya nagbakasakali ako." Ngayon ko lang naalala na nawawala nga yung paborito kong libro na ginawa ko.

"Salamat. Pwede ka ng umalis" Pagtataboy ko sa kanya" Usisang tanong lalaking to. Teka di ko naman sya kilala ah. Dapat di ko sya inientertain.

"Teka sino ka ba? Oo gawa ko to. Anong problema dun?" Mataray na sabi ko sa kanya.

"Bakit ba ang taray mo? Nagtatanong lang naman ako." Pakelam nya ba kung mataray ako sa Kanya? Di ko sya sinagot at tiningnan ko na lang yun librong hawak ko. Ingat na ingat ko kasi to kasi may pagbibigyan ako nito na dapat noon ko pa binigay sa kanya.

"Ako nga pala si Stone sige alis na ko."

bigla na lang syang umimik at umalis ng di man lang ako umiimik.

Napansin kong napatigil pa sya at lumingon sakin ng may ngiti sa labi.

"see you sa school Heartly"

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ko ang ngiting yun. parang may ganung ngiti na akong nakita. Di ko na lang ulit iyon pinansin at bumalik na ako sa kwarto ko. Dahil sa pangyayaring yun alam ko na kung anong isusulat kong kwento.

Teka ! Pano nya nalaman Pangalan ko? Eh wala naman yun sa Libro ??

----

SHort Update !

sareeehh wla kong maisip na mganda eh.

(FEB-IBIG STORY)Let The Love BeginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon