SH 2. The Pick

24 0 0
                                    

Haaayyyy . . . .

Napahiga na lang ako bigla sa sofa namin dito sa bahay. Naka uwi na kami from the Restau tinulungan kasi namen si papa sa pagluluto ang dami kasi nyang customer kanina. Dun kasi nagpuntahan yung mga nanuod kanina sa school namin para kumain, ang iingay nga ng mga kumakain kanina eh tawanan sila ng tawanan.

"Baby, alis lang ulit kami ng papa nyo pinapatawag kasi kami ng lolo nyo e." sabi sakin ni mama

"Para san daw po?"

"Hindi namin alam e, sige alis na kami. Si Red bantayan mo baka lumabas pa yab ng bahay"

"opo ma. ingat po kayo" Umalis na sina mama at naiwan ako mag isa dito sa sala habang si Red naman nag lalaro sa kwarto nya. Bakit ko pa kasi babantayan yu  eh ang laki na? Hay nako si mama talaga lahat na lang kami binebaby pa rin.

"Mabuti pang umakyat na lang ako sa kwarto." bulong ko sa sarili ko

Paakyat na ko ng Maalala ko yung nadampot ko kanina sa hallway ng school. Dali dali akong umakyat dahil nasa loob pa yun ng School uniform ko baka kasi kunin ng labandera namin yung mga madumi ko ng damit at malabhan mawala pa.

Pagpasok ko sa kwarto ko nakita ko agad yunh uniform ko sa kama buti na lang di pa nakaka akyat dito si yaya. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang pick. Tinitigan ko iyon ng mabuti hanggang sa may mabasa akong naka ingrave na . . . . .

"Teka, pangalan ba to o name brand lang ng Pick?" Binasa ko ang maliit na sulat na iyon.

"Stone?" Kunot noong basa ko.

******

"Mama, Papa alis na po ako sabay na ko kay kuya sa school" Kumiss muna ko kay mama at papa bago umalis at sumakay na ng kotse ni kuya paputang Valentine High.

Yung about dun sa Pick kagabi? Hindi ko na pinansin pa yun tinago ko na lang ulit. Ibabalik ko na lang yun sa kanya pag nakita ko ulit sya.

Pero sa sinuswerte ka nga naman oh. Nakita ko sya sa may Math Garden.. Pero bakit parang wala sya sa sarili? Kinakausap din sya nung isang lalaki pero wala naman dun ang attention nya na at parang galit na din sa kanya yung lalaki? Ano kayang meron ?

Naisipan ko na lang pumunta na ng Classroom ng may sumigaw na babae at napalingon ako.

"Stone!" sabi nung babae parang familiar sakin yun word na yun. San ko nga ba nabasa o narinig yun?

Ah ! yung sa pick. Dumako ang tingin ko sa parte kung san isinigaw ng babae yun. Sa may Math Garden .

"So it means pangalan yun?"

"Hoy ! girl sino tinitingnan mo jan?" Kulbit at sabi sakin ni Psyche.

"Ah wala naman tara na sa room"

"Ok? Sabi mo eh" Buti na lang di na kp inusisa ng babaeng to. Malakas pa man din to makiramdam.

Bago kami makarating sa room nakita namin si Feb na panay ang siksik sa mga estudyanteng nasa may Activity Board ng School.

"Bakit ang daming stupidents dito?" sabi ni Psyche na nagmamadaling lapitan si Feb  bago to makasuot sa mga studyante papuntang harapan.

"Feb anong meron?" Napalingon samin si Feb.

"Ano kasi nakalagay dun ang magaganap na School Activity na gaganapin sa Valentines Day. Titingnan ko lang kung anong mga activity yun."

"Ahhhh" in chorus naming sagot ni Psyche.

"tara tingnan natin" Aya ni Feb.

"Ikaw na lang Feb tutal maliit ka naman kaya mong sumiksik dyan. Pfft " Pigil na gustong tumawa ni Psyche. Palagi nya kasing inaasar si Feb dahil sa kaliitan nito kaya naman palaging naka killer heels ang babaeng to para tumangkad.

(FEB-IBIG STORY)Let The Love BeginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon