Chapter 1

30 1 0
                                    

"Woohoo panalo ako!" sigaw ni Cherry habang tumatalon. Kasalukuyan silang naglalaro ng baraha sa paborito nilang tamabayan habang inaantay na matapos ang kanilang lunch break. 

"Ang daya mo Cherry dapat ako ang mananalo kung di mo tinignan ang mga barahang hawak ko kainis ka hmpf" binelatan niya lang ang kaibigang si Pie habang panay ang reklamo nito sa iba nilang kasama. 

"Hay Cherry Pie ang engot mo kasi kung di mo sana hinayaan na silipin ni Cherry yang baraha mo di sana siya nanalo agad."binatukan ni Iya ang kaibigang si Pie habang naglilintanya. "Ayan tuloy natalo ang kaisa-isang piso ko ng dahil sa katangahan mo." sumalampak paupo si Iya dahil sa inis.

" Eh di ko naman kasi nabantayan na sinisilip na niya pala baraha ko noh!"  (-3-)

"Ang sabihin mo tanga ka lang talaga. HAHAHA" saway naman ni Milet habang nagbabasa ulit ng libro habang inaantay nilang matapos sa pagbangka ng baraha si Cherry. 

" hoy tigilan nyo na nga yang pag-away kay Pie kawawa naman siya." saway ni Rena.

Anim silang magkakabarkada, si Carrie Safiya Ibarra ang siyang pinakamasungit sa grupo, mainitin ang ulo nito at ang pinakaayaw nito sa lahat ay ang matalo sa isang laro. Siya rin ang pinakamayaman sa kanila thus she's the most generous one.

Well lahat naman sila ay maykaya sa buhay sadyang si Iya lamang ang pinakaangat sa kanila. Kumbaga siya yung pinanganak na may silver spoon sa bibig. Eventhough she's like that, she love her friends, dearly. Kung sino man ang umaway sa isa sa mga kaibigan niya, inaaway niya. 

Si Renavil Aphrodite Saavedra, just like her name she really looks like a goddess siya kasi ang pinakamaganda sa kanilang magbarkada, well di lang sa grupo nila kundi sa buong campus pa. DI lang kagandahan ang taglay ni Renavil kundi ubod din siya ng bait. Kahit sino tinutulungan niya sa abot ng kanyang makakaya. Sa sobrang bait nga niya eh naloloko na rin siya ng di niya namamalayan. Nasa kanya na ata ang lahat ng ugaling gugustuhin ng isang lalaki sa isang babae. Kaya lang wala ni isa man ang may balak na manligaw sa kanya dahil iniisip ng marami na walang sinuman ang siyang makakapantay sa kanya.

Si Carmillete Jane Montes siya yung matalino sa kanila pero hindi halata kasi imbes na libro ang binabasa eh mga pocketbooks, manga, horror stories at kung minsan eh yung mga medyo bastos na libro. Silang dalawa ni Iya hilig magbasa ng mga ganung libro. Pero kahit na ganun matalino pa rin siya sa kanilang klase at di rin umuurong sa ano  mang laban. Mayaman din siya kaya lang di halata katulad ni Iya kasi imbes na mahahaling gamit at de signature na damit ang sinusuot, eh mga kupas na maong, bulaklakin  na damit na halatang sa ukay galing at sira-sirang bag ang usual get-up niya. Hindi kasi siya mahilig mag-ayos ng sarili.

Si Cherry Pie Valdez naman ang pinakaisip bata sa kanilang lahat. Ubod din ito ng daldal. Walang tigil kung magreklamo sa isang bagay na di niya gusto pero paulit-ulit naman niyang ginagawa. May pagaka moody din siya minsan. Inaakala nga nila na may sakit si Pie dahil minsan paiba-iba ito ng ugali. Kung ano ugali meron si Pie ay siya namang kabaliktaran ng ugali ni Shiela.

Shiela Arellano, siya ang pinaka matured kung kumilos sa kanilang grupo. Siya ang parating sumusuway sa kanilang lahat at nagbibigay ng advice sa kani-kanilang problema. Siya na rin ang nagsisilbing "Ate" ng grupo. Mayaman din naman siya tulad ng iba kaya lang ubod ng kuripot talaga.

At  si Cherry Tee, ang bida sa storyang ito, siya yung tinuturing na bunso ng grupo dahil na rin siguro sa taglay nitong kaliitan. Kung titingnan kasi siya eh para siyang nasa gradeschool pa lamang. She also got the so called 'baby face' that goes with her height. 

Taglay niya pagmumukha na parang sa isang anghel yung tipong di marunong pumatay ng lamok dahil sa maamo nitong mukha. But behind  Cherry's vulnerability is a strong-spirited girl.

Back into Cherry's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon