Hi friends sana magustuhan nyo ang chapter na ito. teehee. Well bunga pa rin to ng kasipagan ng aking imahinasyon chos.
______________________________
Nasa loob na sa Safiya's Cafe sina Cherry habang hinihintay ang iba pang kasama.
" Waaah grabe hanggang ngayon di pa rin talaga ako makapaniwala na magkapareha kami ni JM. Can somebody pinch me?"
" Alam mo ang OA mo na ha? kanina ka pa jan. Kapag ako di nakapagpigil tatadyakan na kita." iminuwestra nga ni Pie ang paa niya kay Cherry.
"Hay naku Pie alam kong nagseselos ka lang kasi di mo type yung partner mo kanina. Mabuti nalang talaga at hindi ako baka di nyo na ako makita kinabukasan." Laking pasasalamat niya talaga at di si Jeffritz ang naging kapareho niya.
Jeffritz Dela Pena is her chauvanist-narcisstic-suitor who thinks highly of himself. Feeling niya kasi kasing gwapo niya mga kabarkada niyang sina Matt and Isaac. Ilang beses niya na rin tong binasted pero wa-epek talaga.
She looked at her friend who is now drinking her coffee . Poor Pie, I know she hates Jeffritz guts. Lord habaan niyo pon sana pasensya ni Pie. aniya sa kanyang isip habang hinagod-hagod ang likuran ng kaibigan.
"Hay buhay naman oo, ikaw nga nakaligtas pero ako naman ang minalas. Wala akong ibang choice kundi pakisamahan ang mahangin na 'yun. If I know magyayabang na naman yun sa "kakisigan" niya. At magbui- build up sa sarili niya" buntong-hininga ni Pie.
"O anong nangyari sayo Pie? Parang pasan mo ata ang problema ng buong mundo ah. May maitutulong ba ako?" Rena immediately sat besides Pie.
Sabay na dumating sina Renavil at Shiela. Tumabi naman ang huli sa left side niya.
"Sa lahat ba naman ng tao sa fact finders eh ako pa yung nakapareha ni Jeff the jerk." sumbong ni Pie habang umaarteng umiyak sa bisig ni Rena.
"Ay naku ang OA mo naman Pie akala naman namin nawala na virginity mo. Huwag mo nalang pansinin iyon gaya ng ginagawa ni Cherry alam mo naman na KSP yon. Ang mabuti pa umorder na lang tayo gutom na kasi ako." Hinila ni shiela si Rena para malubayan ang nag-iinarte pa ring si Pie.
"Alam mo Pie tama si Shiela kaya kung ako sayo titigilan ko na ang pag-iisip diyan. Smile and be happy" she smiled at her friend
"Hay naku kaya mo lang sabihin iyan kasi di ikaw nasa posisyon ko. Oh well may point ka naman din bakit ko pa siya iisipin tatanda lng ako noh."
"HEHE yan dapat. Ngayon naman mabalik tayo sa buhay ko. Ayeeee grabe kilig pa rin ako hanggang nagyon. "
"Oh mabuti naman at bumalik na sigla mo Pie. At ano naman nangyari sa isang to?" sabay turo kay Cherry na ngayon ay lumilipad ang utak sa kawalan.
"Hayaan nyo na yan. Masaya kasi siya dahil sa naging kapa-----" biglang tiniklop ni Cherry ang bibig ni Pie
"hep hep ako na ang magkwento" Ikinwento nga nito sa kanila ang nangyari kanina sa club walang labis walang kulang.
"Sus! yun lang pala? akala ko pa naman nanalo ka na sa lotto." hirit ni Shiela na akmang papunta na sa counter para umorder.
"DUUH! you're just jealous.hmp!" she pouted.
"Peste! I'm so stupid! PAKSHET! sa lahat naman kase ng club ba math pa sinalihan ko! bat di ko naisip yung Chess club!" pabagsak na umupo si Iya sa upuan kasama si Milet na abala sa pagbabasa na naman ng pocketbook.
"Hey watch you're mouth Carrie! may pinagdadaanan ka ba? kanina lang si Pie tong may problema" baling ni Rena kay Iya na kararating lang.
"Hoy Rena how many times do I have to tell you to stop calling me Carrie! you know I hate that name. Besides, this is not the time para maglintanya ka sakin ah! pabayaan mo nga ko gusto kong magmura!" Iya howled at Rena.
BINABASA MO ANG
Back into Cherry's heart
Romance*The characters and some events are based on real life* HE was her highschool crush... Her first love.. and HE loved her too.. What they had was so special.... But she ruined it... She made the biggest mistake of her life when she let him.. If only...