CHAPTER 4

9 0 0
                                    

Chapter 4

“Hoy Cherry! Bilisan mo naman ang kupad mo! Wag mo pag-antayin si JM!” Hila-hila siya ni Pie pababa ng hagdan.

“Ano ka ba Pie! Sa ginagawa mo malamang di ako makaabot sa Café ng buhay! Wag mo nga ko hilahin baka mahulog pa ko.”

“HAHAHAHA oo nga naman Pie, alam mo na mang cute talaga mga hakbang nitong si Cherry.” Wika ni Rena na nakasunod sa kanila.

“Nandun na ba sina Milet at Iya?” tanong naman ni Shiela.

“Yep, may aasikasuhin daw sila sa Café” Rena winked at her.

Kinakabahan siya, hindi dahil magikita sila ni JM kundi dahil sa nilultong plano ng mga kaibigan niya.

Nasa ground floor na sila ng biglang nagsalita si Rena.

“Uy wait! Cherry punta muna tayo sa CR. Di pwedeng makikipagharap ka kay JM na ganyan ang itsura mo no!” Hinila siya ni Rena papuntang CR. Mga bruha talagang ito lagi siyang hinihila, ano ba akala nila sa kanya? Manika? -__-

Malapit na sila sa gate when Pie squealed with matching padyak-padyak pa “Aaaaaaaaargh! Nakakabwisit talaga ang mukha ng jerk na yan kanina pako bwiset na bwiset sa pagmumukhang yan! “ Sinundan niya kung  san nakatingin si Pie at nakita niya si Jeffritz at mga kabarkada nito na nasa may gate.

“Wag mo na lang pansinin Pie, alam mo namang papansin talaga yan.” Payo ni Shiela.

Nakalapit na sila sa gate , nakita na din siya ni Jeff kaya huli na para magtago siya.

“Hi bebe Charity!”sinalubong siya ni Jeff. She just rolled her eyes.

“Ang taray mo talaga. Mocha frappe lang katapat niyan! Halika ililibre kita sa Safiya’s tamang-tama dun din punta namin” Inakbayan siya ni Jeff.

“Hoy will you please take off you’re filthy hands on my friend’s shoulder? Feeling close ka talaga.” Hinila siya ni Pie palayo kay Jeff

“Kinakausap ba kita? Ikaw ata tong feeling close eh. Nagseselos ka lang ata.”

Napabuntunghininga na lang siya. Para talagang aso’t pusa tong dalawang to. Nag-tatalo pa din ang dalawa nang hilahin siya ni Shiela at Rena.

“Tara na Cherry iwanan na natin ang dalawang yan may date ka pa” paalala sa kanya ni Shiela.

Narinig ata ni Jeff ang sinabi ni Shiela kaya tumigil ito sa pakikipagtalo kay Pie at iniwan ang nagpupuyos sa galit niyang kaibigan para sundan sila.

“Bebe Charity! Wait for me” tawag sa kaniya ni Jeff. Di na siya nag-abalang lingunin ito.

Ilang ulit ko ba naman kaseng pinagsabihang ang bruhong iyon that my name is CHERRY and TEE is my surname -__-

Tumawid na sila papunta sa coffee shop ng kaibigan niya. Nasa labas ng Café sina Milet at Iya na malamang hinihintay sila.

Napansin niya mula sa labas na walang ibang tao sa loob ng Café maliban kay JM na nagbabasa ng libro sa sulok. Pumasok na silang magkaibigan.

Luminga-linga siya ngunit wala talaga siyang mamataan na ibang costumer. Narinig niyang tinawag ulit siya ni Jeff kaya naman lumingon siya.

“Charity! Sabihan mo nga yang kaibigan mo na papasukin ako! Diba magdedate pa tayo!”.

Lumipat ang tingin niya kay Iya. Tumaas ang kilay niya, halata kaseng ay pinaplano ang mga kaibigan niya.

“Hoy jerk! Di mo ba nakikita yung sign? CLOSED daw oh! Di ka ba marunong magbasa? Oh well di na nakakapagtaka.” Pasigaw na sabi ni Pie na inangat pa ang sign sa may pinto para marinig ni Jeff na nasa labas pa din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back into Cherry's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon