KABANATA 6

25 0 0
                                    

Erissa's Point of View

Matamlay akong pumasok sa klase nang madatnan ko ang mga kaklase kong tutok na tutok sa mga cellphones nila. Humikab ako at dumiretso nalang sa upuan ko.

Inaantok pa ako. Napuyat kasi ako kagabi kakabasa ng libro. Nakakainis lang dahil nagpuyat pa talaga ako ng buong gabi para doon, pero ngayon ay wala na akong maalala tungkol sa binasa ko.

Nadatnan ko sila Josh at Paulo sa mga pwesto nila. Agad lumipad ang mga mata ko sa bakanteng upuan ni Stell. Weird, bakit wala pa siya hanggang ngayon? Normally naman ay mas nauuna pa siyang pumasok kaysa sa akin.

"Hi Erissa, good morning!" Bati sa akin ni Paulo at nakipag fist bump. Si Josh naman ay nginitian lang ako dahil nakatutok na naman siya sa cellphone niya.

"Uhm, nasaan si Stell?" Tanong ko sa dalawa "Pati sila Jah at Ken?" Dagdag ko, mahirap na at baka mahuli pa ako ng dalawa kay Stell. Mabuti nang idagdag ko na rin 'yung dalawa tutal wala pa din naman sila.

Although alam kong lagi namang late si Ken.

"Hmmm? Si Stell? Nasa music room. Pinatawag kasi siya kanina dahil siya 'yung napiling male singer para sa foundation day natin." Saad ni Paulo habang nagsusulat ng something sa notebook niya.

Tumango nalang ako at muling pinagmasdan ang bakanteng upuan ni Stell. So ibig sabihin ay kanina pa siya nandito. Ngumuso ako pero at the same time ay relieved din dahil pumasok siya. Ewan ko ba, para kasing hindi kumpleto ang araw ko kapag wala siya. Or kahit hindi siya nakikita.

Nakarating na sila Justin at Ken at nagsimula na rin ang klase. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Stell.

Maya't-maya ang pagbubuntong hininga ko sa bawat oras na lumilipas. Miss ko na agad siya. Miss ko na agad 'yung mahihinang daldalan nilang dalawa ni Ken sa likudan ko everytime na nagle-lecture kami.

Speaking of Ken, agad ko siyang nilingon nang mapansin kong kanina pa siya tahimik. Well, lagi naman siyang tahimik pero iba ngayon eh. Malikot si Ken at kung ano-ano ang ginagawa niya kahit pa hindi siya magsalita. Alien 'yan eh.

Nilingon ko si Ken at...

Sabi ko na nga ba! Kaya pala tahimik kasi tulog na! Nagpipigil ako ng tawang nilingon si Ma'am. Mabuti nalang at nagsusulat siya sa white board kaya hindi niya napapansin na tinutulugan na pala siya ng isang Ken Suson.

Hinarap ko sila Josh at Justin sa tabi ko. Mas lalo akong humagikgik nang makitang pinipicturan na pala nila si Ken. Samantalang si Paulo ay nakangiti lang at umiiling habang nagsusulat ng notes.

Kinalabit ako ni Josh. Hinarap ko siya at sumenyas siya sa akin na sabihin daw namin kay Ma'am.

"Huy!" Mahinang saad ko dahil nakakahiya na ako pa ang magsabi.

"Dali na!" Pilit niya "Siya si Jah nalang! Dali Jah ikaw nalang!" Halakhak niya ng mahina.

Tumango si Justin at nag-face palm pa bago tatawa-tawang lumapit kay Ma'am. Sumenyas pa siya ng 'shhhh' kay Ma'am bago ituro si Ken.

Dahilan ng pagtingin ng buong klase kay Ken.

Napahawak ako sa bibig ko nang mahinang sinabi sa amin ni Ma'am na...

"Kunwari recess na. Okay, that's it for today class. You may now take your recess."

Tumayo kaming lahat at sabay-sabay na sinabing "GOODBYE AND THANK YOU, MA'AM PASCUA!"

At dahil doon, agad na napatayo si Ken at walang kamalay-malay na nag goodbye din.

"BUAHAHAHAHAHA!!!" Halakhak namin nila Josh. Gano'n din ang mga classmates namin.

Mga Alaalang Lumipas (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon