"Mabuti nalang talaga at narinig namin ang usapan ng mga gagong 'yon kanina. Kundi, baka ngayon ay may nangyari na siguro sa inyong dalawa." Inis na inis na saad ni Josh nang makapasok na kami sa dorm ni Paulo.
Lahat kami ay walang masabi. Ito ang unang beses na makasagutan namin si Rj. Ang isa sa mga pinakasikat na estudyante sa school. Sabihin nalang natin na isa siya sa grupo ng mga cool kids. Pero kahit kailan ay hinding-hindi siya magiging cool sa paningin ko.
"Ayos ka lang ba, Erissa? Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Ken kay Erissa. Kaya agad akong napatingin sa kaniya.
Kung hindi ko pa siguro siya makikita. Malamang ay may nagawa nang masama si Rj sa kaniya kanina pa.
Niyukom ko ang kamao ko at pinakalma ang sarili. Argghhh!!! Nakakainis! Ang sarap sapakin sa mukha nu'ng Rj na 'yon! Kung hindi lang siguro kami nasa public ay kanina pa dumudugo ang buong mukha no'n.
Kilala si Rj bilang isang womanizer. Sa edad na 18 ay ang dami na niyang nagagawang mga kasalanan. Ang dami na rin niyang mga babaeng nakakatalik. Nangaligkig ako dahil doon. Tulad ni Josh ay galit na galit din ako sa mga lalaking walang respeto sa mga babae. Doon sa mga lalaking madudumi ang pinagi-iisip. Parang wala silang mga Nanay at kapatid na babae kung makapangbastos sila.
Iwinaksi nalang ni Paulo ang nangyari at nag-open up nalang about sa song na gagawin namin.
"Uhm, since nandito na din naman kayo. Magsimula nalang din tayo sa pagsususulat ng love song natin." Aniya.
"Hindi ako pwede. May lakad kami nila Kuya. Napadaan lang talaga ako dito dahil narinig ko 'yung usapan nila Rj at nu'ng kapatid niya. Na gusto daw nilang lasingin si Erissa para... alam mo na. Maidala sa bahay niya at rape-in." Matabang na saad ni Justin sabay sulyap kay Erissa. Na kanina pa tahimik at nakatulala.
Playboy man si Justin sa mga babae ay alam naming hindi siya katulad ni Rj. Ang pagiging maharot ni Justin ay ibang-iba sa kung ano si Rj. Rj is a complete asshole. Si Justin naman ay lumalandi lang sa pamamagitan ng biro. Madalang lang siyang bumanat sa mga babae dahil malaki ang respeto niya sa mga ito. He knows his limitations. At alam nilang nakikipagbiruan lang si Justin sa kanila kapag gano'n.
Lumapit ako kay Erissa para pakalmahin kung ano mang gumagambala sa utak niya.
"Hey... okay ka lang?"
Hinarap niya ako "Uhhh, o-oo... H-hindi ko lang kasi masyadong maalala kung bakit ako nandito. Sa pagkakaalam ko ay——" Napatigil siya sa pagsasalita nang mag-ring ang phone niya.
Sinagot niya ito, kasabay ng pagbukas ni Paulo ng adobo na dala ko. Dahilan kung bakit pati si Ken ay lumapit sa kaniya.
"Hello, kuya..."
"Asan ka?! I told you to stay where you are 'diba? Damn it, Erissa! Where are you?!" Rinig kong sabi ng kuya niya mula sa kabilang linya dahil naka-loud speaker ito.
"Nasa dorm ako ni Paulo. I can't recall why I'm here but I think may nangyari yata sa akin sa labas..."
"What?! Bakit naman?! Ano'ng nangyari?"
Nagkatinginan kami ni Erissa, at doon palang ay alam kong hindi niya masasagot ang tanong ng Kuya niya, kaya ako nalang ang sumagot.
"Uhm, Kuya. Hello po! May nambastos po kasi sa kanyang lalaki kanina. Mabuti na nga lang po at nakita namin siya. Kundi, baka may nangyari na pong masama sa kapatid niyo. Pero 'wag na po kayong mag-alala, safe na naman po siya ngayon." Saad ko.
Nagbuntong hininga ang kuya ni Erissa sa kabilang linya saka itinanong ang address ng dorm ni Paulo para sunduin siya. Nang masundo na si Erissa ay kaming lima nalang ang natira dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/254194916-288-k56488.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Alaalang Lumipas (COMPLETED)
Fanfiction"𝑨𝒕 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂𝒃𝒊 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒐𝒐𝒏, 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒃𝒂?" - Stellvester Ajero A girl with a short term memory loss promised to her friends that no matter what happens, she will never ever forget them. But the...