Today is our school's foundation day. At busy ang lahat sa kani-kanilang task. Normally kasi ay may mga organization clubs na naghe-held ng mga booths and food bazaar para sa mga estudyante. And since kami ang senior students dito. Isa kami sa mga nag o-organize ng booth ngayon.
Cafe ang napag-isipan namin na booth. Cafe nga pero wala namang kape. Kumbaga ba mga milk-tea, fries, burger and any other snacks ang binebenta namin. Then gumamit kami ng isang room para maging place ng cafe namin.
Sa ngayon ay nag-aayos palang kami ng booth namin. 6:30 palang ng umaga at mamaya pang 9:00 am ang mismong start ng mga programs.
"Justin saan ko 'to ilalagay?" Tanong ko, habang kinakabit ang fairy lights sa white board.
Habang si Ken naman ang nagka-kabit ng banner na may nakalagay na 'Something Beautiful Cafe' in short 'SB Cafe' sa dingding.
Ewan ko ba kay Paulo at bakit 'yun pa ang naisip na pangalan ng booth namin...
Lumapit sa akin si Justin para tulungan ako sa pagkakabit ng fairy lights since mas matangkad siya sa akin.
Pagkatapos naming magkabit ni Justin ng fairy lights ay saka ko naman hinarap sila Josh at Paulo na ina-assemble na ang electric guitar nila since meron din kaming live band dito.
"Oy tandaan niyo ah, bawat request ng mga customer na kanta limang piso ang isa!" Paalala ng isa naming kaklase kina Paulo.
"Oo 'wag kang mag-alala, Angie! Kami ang bahala dito!" Saad ni Josh, na ngayon ay buhat-buhat na ang beatbox niya.
Nga pala, naalala ko na banda nga pala silang lima. Sound Break Band ang tawag sa kanila at sa pagkakaalam ko ay sila din ang magpe-perform na banda para sa prom. At sariling kanta nila ang dapat nilang iperform.
Si Josh ang drummer sa kanila, si Justin naman ang bass guitar, habang sila Ken at Paulo naman ang lead at main guitarist. At syempre... si Stell ang main vocalist nila.
Speaking of Stell. Siya ang naka-assign sa pagluluto ngayon. Kaya medyo busy siya at hindi ko masyadong maka-usap. Pero ayos lang din naman, lahat naman kami ay busy.
"Erissa, ikaw ang naka-assign sa entrance 'diba?" Tanong sa akin ni Angie. Ang manager ng booth namin.
Hinarap ko siya at tumango. Saka niya ibinigay sa akin ang isang listahan.
"Ikaw at si Jayron ang bahala sa entrance. Ikaw ang maglilista ng mga name ng students na pumasok sa booth natin at 'yung mga binayad nila. Si Jayron naman ang bahala sa money." Explain niya sa akin. Kasabay ng paglapit sa amin ni Jayron. Isa rin sa mga kaklase ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jayron saka kami nag-fist bump. Actually ako nga lang dapat ang magma-manage sa entrance at sa money. Kaso alam kong makakalimutan ko lang din naman. Kaya mas mabuti nang may ibang tagapangalaga ng perang kikitain namin.
"Ang swerte naman natin doon tayo sa labas, magbabantay lang tayo tapos makakanood pa tayo ng mga programs!" Halakhak ni Jayron sa akin.
Ngumiti ako "Kaya nga eh..."
Nagsimula na ang mga programs. At laking gulat ko nang dinagsa ang booth namin. Siguro dahil ang ganda ng design ng booth namin at parang pang club ang datingan talaga.
"Stell isa pa daw nachos and blue lemonade!" Rinig kong sigaw ni Angie mula sa loob.
"Okay okay!" Sagot ni Stell. Pinagmasdan ko lang siya habang hirap na hirap at pawis na pawis na siya doon sa pagluluto. Ngumuso ako, gustuhin ko mang lumapit sa kaniya at punasan ang mga pawis na tumatagaktak sa mukha niya ay hindi pwede.
BINABASA MO ANG
Mga Alaalang Lumipas (COMPLETED)
Fiksi Penggemar"𝑨𝒕 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂𝒃𝒊 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒐𝒐𝒏, 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒃𝒂?" - Stellvester Ajero A girl with a short term memory loss promised to her friends that no matter what happens, she will never ever forget them. But the...