KABANATA 11

33 1 0
                                    

Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko. Alas onse na ng gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Stell!!!

Liligawan niya ako!

Huminga ako ng malalim at tumulala sa kawalan. Ito ang unang beses na may manliligaw sa akin kaya hindi ko alam kung ano'ng mangyayari. Lalong-lalo na at pupunta si Stell bukas dito sa bahay para magpaalam sa parents ko at kay Kuya.

Napaisip ako. Alam na kaya ng apat na liligawan ako ni Stell? Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang mga social media accounts nila. Nagbabakasakaling may makita akong posts nila na tungkol sa akin.

Syempre una kong tiningnan ang facebook ni Stell. Puro mga sharedpost lang 'yon ng mga lyrics video na kanta. Pansin ko mahilig pala siya sa opm, lalo na sa mga 90's na kanta.

Nasa kalagitnaan ako ng pangs-stalk sa kaniya nang tumunog ang messenger ko.


Stell:

Huuyyy, bakit online ka pa? Tulog naaaa!


Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa chat niya. Gosh, simpleng chat lang 'yon pero bakit ang lakas ng epekto sa akin?!


Ako:

Hindi ako makatulog eh...


Naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya. Pero nagulat ako nang magsend siya sa akin ng voice message.

Agad akong tumakbo papunta sa study table ko para kuhain ang aking earphones. Saka ko pinakinggan ang voice message niya sa akin.

"Wise men say, only fools rush in. But I can't help falling in love with you, shall I stay? Would it be a sin, but I can't help falling in love with you..."


Stell:

Ayan, kinantahan na kita baka sakaling makatulog ka na ;-) Actually hindi rin ako makatulog dahil kinakabahan ako para bukas. Pero kung 'yun 'yung paraan para mapasakin ka... gagawin ko ang lahat, Erissa.


"Oh my god..." Bulong ko habang nakahawak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano'ng irereply ko sa kaniya. Masyado pa akong kinikilig sa pa-voice message niya. Tapos bumanat pa siya ng gano'n? My golly!

Hindi ako makapaniwalang gusto din ako ni Stell. Pakiramdam ko ako na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo dahil... come to think of it. Isang Stellvester Ajero ang nagkakagusto sa akin!

Ngumiti ako at umupo sa study table ko. Isinulat ko ang lahat ng nangyari ngayong araw sa diary ko habang pinapakinggan ang voice message ni Stell sa akin, dahil kung sakaling makalimutan ko man ay at least naisulat ko ito. At least mababalikan ko pa rin ito.












Kinabukasan, nagulat sila Kuya dahil sa ibinalita kong may manliligaw akong darating ngayon sa bahay. Halos ilang minuto ding nakatulala si Kuya dahil sa sinabi ko.

"Wow! That's amazing, baby! Sino naman 'yon?" Tanong sa akin ni Mama habang umiinom ng kape niya.

Nilingon ko si Kuya, saka ko siya nginisian "Si Stell po..."

"WHAT?" Sabay-sabay na tanong nila Mama, Dad, at Kuya.

"W-wait, wait... Si Stell? Weh?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni kuya Japs.

Mga Alaalang Lumipas (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon