Kabanata 4

1.5K 27 2
                                    

Kabanta 4

Awake

Maaga akong nagising ng sumakit bigla ang ulo ko, hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako kakahintay sa lalaking 'to na magising siya. Pinagmasdan ko ang mapayapa niyang pagtulog. Aww.

"Good morning, Lyle!" tinapik ko ang pisngi niya pero tulog pa rin siya, wala sa sarili akong ngumiti. "Aish! Vin na nga lang ang itatawag ko sa'yo para unique."

Tsk. Bakit ko ba kinakausap ang taong tulog? Nababaliw na ba ako?

Pinagmasdan ko siya ilang saglit bago suminghap at pumunta muna sa kusina para maghanda ng hapunan. Pupuntahan ko na lang si Lolo Teo sa bahay niya mamaya para matingnan si Vin na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.

Isa si Lolo Teo sa magaling na mangagamot dito sa Santa Elena, gumagamot siya at the same time ay albularyo din siya. Isa siya sa takbuhan namin kung magpapagamot kami. Kailangan kong patingnan si Vin.

Tsk! Ayoko na sana pero paano kung namatay na pala siya tapos nasa poder ko siya? Paano kung ako 'yong pagbintangan na ako ang pumatay sa gwapong lalaking 'to? Edi naloka na naman ang kagandahan ko? Putek!

"Magandang umaga, Lolo Teo." ngumiti ako ng tumuloy siya sa munti kong kubo dala ang mga halamang gamot. "Pasensya na po at naabala pa po kayo, huh."

Ngumiti lang si Lolo Teo bago ginulo ang buhok ko. Napansin kong nilapag niya ang mga garapon ng mga halamang gamot sa lamesa, napasinghap ako.

"Maaari ko ba siyang makita 'neng?" tanong naman ni Lolo Teo.

"Ay opo, dito po tayo." iginaya ko si Lolo sa kwarto ko para makita si Vin.

Nanatili lang akong nakatayo sa hamba ng pintuan habang ginagamot ni Lolo si Vin na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Kailan kaya siya gigising?

Kapag ba pumuti na 'yong uwak?

Tsk!

"Masyadong malakas ang epekto ng hampas sa kanya ng tubig at maaaring may matigas na bagay ang tumama sa ulo niya, may posibilidad na matatagalan siyang gumising. Maaring bukas, sa makalawa o taon pa ang hihintayin, Andeng." nilingon ako ni Lolo Teo.

"Po? So may posibilidad po ba na hindi na siya magigising pa?" nag-aalalang tanong ko.

"Maaaring ganon nga ang mangyari." pahapyaw na sagot ni Lolo Teo.

Wala sa sarili akong lumapit at umupo sa side ng kama, kawawa naman siya kung hindi na siya magigising pa. Hinaplos ko ang mukha niya at inayos ang magulo niyang buhok. Sana...

Sana gumising na siya...

Nagpaalam na si Lolo na aalis na siya kaya mas minabuti ko munang ihatid siya sa labas, nilingon ko muna saglit si Vin na mahimbing na natutulog. It seems that he will never awake at all.

Syempre hindi pwede 'yon kasi aasawahin niya pa ako haha!

Okay enough!

Matapos kong maihatid si Lolo Teo sa labas ay bumalik na ako sa loob ng kubo para maghanda sa eskwela, Oo nga pala at magsisimula na ang klase namin sa bayan. Nag-aalala ako kung iiwan ko lang mag-isa dito si Vin baka magising siya at baka kailangan niya ako?

Nagbihis muna ako ng puting tree-fouth longsleeve uniform at blue na mid-thigh miniskirt, inayos ko ang magulo kong necktie sa salamin bago nilingon si Vin na natutulog pa rin ngayon. Napangiti ako ng maalala na para siyang si sleeping beauty, I mean sleeping prince na magigising lang kapag napatakan ng halik sa labi.

Halikan ko kaya siya? Pftahahaha!

"Hay naku, ang cute mo naman." pinisil ko ang ilong niya ng makalapit ako.

Under His Chains (Sta. Lucia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon