CHAPTER 01

13 2 0
                                    

The beginning

Third Person's POV

Nasa isang malawak na silid ang lahat ng mahistrado ng iba't-ibang angkan na siyang namamahala sa Atlantis Empire, maging ang ministro at ang mahal na reyna upang mag pulong. 

“Mapatutunayang ang pagrerebelde ng mahal na prinsesa sa emperyo, umalis siya sa iyong tabi kamahalan at piniling pamunuan ang pagaalyansa ng rebolusyon sa timog” sambit ng pangalawang ranggo, ang mahistrado ng Cyprus Clan.

“Hindi lamang iyon dahil inaalipin at ginagawang kasapi nila ang mga mamamayan sa timog maging ang mga kabataan ay hindi nila pinalampas dahil maging sila ay pinag pinaghawak ng armas, hihintayin na lang ba natin na pati ang parting kanluran ay sakupin nila?” bakas sa tinig ang pagaalala ng panglimang ranggo, ang mahistrado ng Ruiz Clan.

“Kamahalan, naririto ang simbulo ng pinangungunahang rebolusyon ng mahal na prinsesa” tumayo mula sa kinauupuan ang pangpitong ranggo, ang mahistrado ng Morrison Clan at ibinigay ng nakayuko upang mag bigay ng respeto sa mahal na reyna ang bandana na kulay itim at may desenyong kalahating buwan subalit tinapunan lamang iyon ng tingin ng mahal na reyna.

Biglang umingay sa silid dahil sa takot at sa mga posibleng mangyari ngunit sa isang tikhim lamang ng mahal na reyna ay namayani katahimikan sa silid.

“Bakit kayo nagaalala?” walang kasing lamig ang boses nito “Emerald…” sa isang salita lamang ay bumukas ang malaking pinto at bumungad ang isang babae sa labas, nakama-
mangha ang awtoridad na mararamdaman mo sa kanya nang siya ay maglakad papasok lalo na nang tumigil ito sa kanang tabi ng mahal na reyna.

“Hindi dapat kayo kakitaan ng takot mula sa kalaban lalo pa't kayo ang namamahala ng ating bansa, sino ang pagkakatiwalaan ng nasasakupan ng mahal na reyna kung ang namamahala mismo ay puno ng takot?” may diin sa bawat salita nito “Nawala lamang ako ng isang buwan ay parang nakalimutan niyo na ang aking presensya…” natigilan ang lahat ng nakikinig at ng mga nakasasaksi sa kanya lalo na nang mag pakilala ito ng may malakas na awtoridad “I am Commander Emerald Sunnity, the moon protector of Atlantis Empire!” nahugot ng lahat ang kanilang hininga sa kaalamanang siya ang pumo-
protekta sa lahat mula sa dilim, ngayon ay nalalaman na nila kung sino ba ang kilalang moon protector at yun ay si Emerald Sunnity, marami nang napa-
tunayan si Emerald Sunnity at walang laban na hindi niya napanalo kaya naman buo ang pagtitiwala ng mahal na reyna sa kanya.

“Kung ganoon, ano ang mga hakbang na iyong gagawin?” iisa ang tanong ng mga mahistrado.

“Una sa lahat kinakailangan niyong manirahan sa ibang bansa, masyadong delikado ang bansang ito para sa mga susunod na henerasyong mamamahala sa Atlantis Empire” hindi inaasahan ng lahat ang hakbang na gagawin pero pinili nilang manahimik at makinig sa hakbang planong gawin ng mahal na reyna at ang moon protector “Pangalawa, bilang isang moon protector ay nakaatang sa akin na protektahan ang mahal na reyna maging ang mga mamamayan dito kaya gusto kong kunin ang buong pag tiwala niyo sa hakbang na aking gagawin” umabot ng isang minuto bago naipagpatuloy muli nito ang linya na kanyang kinatatakutan at ipinagaalala “Pangatlo, hindi malayong masundan kayo sa labas ng ating bansa ngunit huwag kayong magalala dahil ang susunod na moon protector ay isinilang na at gagampanan ang kanyang nakatakdang tungkulin.” natapos sa pagsa-
salita ito at natahimik ang lahat na tila pinoproseso pa lamang ang litanya ng babaeng nag salita sa kanilang harapan ngunit makalipas rin ang isang minuto ay napangiti ang bawat chairman, simbulo ng buong pag tiwalang ibinigay nila sa moon protector.

“Maraming salamat, Commander Emerald” ngiti ang iginawad ng mahal na reyna sa moon protector na tinanguan naman nito at naupo sa tabi ng unang ranggo, ang chairman ng Sunnity Clan.

“Hindi dapat kayo matakot dahil may mag po-protekta sa lahat mula sa dilim, hindi man niyo siya nakikilala ngunit siya ang susunod na Moon Protector sa Atlantis Empire” nagsitanguhan ang lahat ng nakarinig sa mahal na reyna.

Natapos ang pagpupulong ngunit naiwan ang Ministro ng Sunnity Clan maging ang Moon Protector upang kausapin ng mahal na reyna.

“Pagkatapos ko siyang ipinanganak ay agad ko nang isinagawa ang simbulong siya ang susunod na Moon Protector” sambit ni Emerald, inaalala kung paanong nilagyan ng moon tatto ang braso ng sanggol subalit hindi ito kinakitaan ng pag iyak o sakit sa muka.

“Minister Arthur sin, ang unang ranggo ng Sunnity Clan. Nalalaman ko ang paghihirap mo sa mga hakbang na iyong gagawin para sa kinabukasan ng ating bansa, alam kong mahirap para sayo na wala palang muwang ang iyong apo ay kinakailangan na siyang masabak bilang isang protector pero alam kong makakaya mo” labis ang pagtitiwala ng mahal na reyna sa unang ranggo ng angkan nila dahil sa pagpapakita ng loyalidad para sa kanya.

“Nasubukan mo na ang lakas ng angkan namin, mahal na reyna at walang laban na uurungan ang aking pamilya” puno ng pagtitiwala sa sariling pamilya ang minister at binigyan ng ngiti ang kanyang kabiyak na si Emerald.

“May kahilingan lamang sana ako mahal na reyna” nag salita si Emerald.

“Isasakripisyo ko ang aking buhay sa laban na nalalapit, aalisin ko ang kumakalaban at nagpapahirap sa bansang ito kaya kung hilingin man ng aking anak ang kalayaan niya ay gusto kong ibigay mo ito sa kanya, masyadong mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa kanya” puno ng pag asa si Emerald na pagbibigyan siya ng mahal na reyna, ayaw ni Emerald na matulad ang kanyang anak sa kanya.

“Sa lahat ng napagtagumpayan mo ay wala kang hiniling na kahit anong kapalit, sa hirap na pinagdaanan mo ay wala akong  narinig na kahit katiting na reklamo kaya pagbibigyan ko ang kahilingan mo Emerald pero kung sakali man na hingin iyon ng iyong anak ay walang liwanag ang ating bansa at ang kadiliman ang maghahari dito, natitiyak kong hindi mo gugustuhing mangyari iyon”

“May tiwala ako sa aking anak, mahal na reyna. Alam kong gagawin niya kung ano ang tama't nararapat.” buong kumpyansang tugon ni Emerald.

“Kung ganon, simulan niyo na ang inyong hakbang at pamunuan ang mga angkan na lihim na lalabas sa bansang ito, ibinibigay ko sa inyo ang aking pahintulot” huling salitang sambit ng mahal na reyna.

Ang lahat ng angkan na namamahala sa Atlantis Empire ay nag simula na sa unang hakbang at lihim na umalis sa bansa upang doon palakihin ang mga susunod na mamamahala sa emperyo.











Thanks for reading!
Don't forget to vote, comment, and follow! 💛

I Hypothalamus YouWhere stories live. Discover now