SPACE 1

27 11 32
                                    

"Ahhh.." daing ko at napahawak sa ulo ko dahil sa sakit.

"She's awake. Call Cassiopea!"

"I'm busy Andromeda"

Nalukot ang noo ko at nag mulat ng mata dahil sa mga boses na naririnig.

Bakit parang wala naman akong kilalang Andromeda at Cassiopea? May mga bisita ba si Tita?

"Nasa langit na ba ako?"

Wala sa sariling usal ko ng makita ang puting puting ulap sa harapan ko.

"She's awake. How is she?" Mula sa panibagong tao ang boses na iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang dungawin ako ng..

"Maligno! Mamaaa!" Tumalon ako pababa sa kinahihigaan ko at umatras ng umatras.

"Remove your mask Cassiopea." Utos ng isa.

"Sino kayo? N-nasaan ako?"

Nilibot ko ang paningin ko. Kisame na may cloud illusion pala ang nakita ko kanina, may mga ilaw,at halos puro metal ang paligid.

"Teka nasa..

Marahas akong napalingon sakanila ng maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

Imposible!

"Nasa UFO ba ako?" Eksaheradang sigaw ko kinakabahan na at natatakot.

"Phew! It's a spaceship. Tigilan niyo ang UFO UFO niyo."

"Space.. wait what?"

"You are here in-

"Wag kang lalapit."

Umatras ako at iniwas ang tingin sa babaeng Cassiopea ang pangalan. Bakit ako umiwas? May apat na mata siya! Normal ba yan?!

"Oh I'm sorry." She removed that.. that fucking mask!

Nakangiti na siyang tumingin sa akin gamit ang napakaganda niyang mukha.

Ang ganda niya shit!

"Nasa SpaceX ka sa Sirius Base."

Ano daw si Ex kailangan ng space?

"Ano?"

"Lahat ba ng tao low gets?"

"Ta-... Aliens kayo?!" Napahawak ako sa bibig ko at wala sa sariling umiling.

"Pero imposible hindi naman kayo mukhang Aliens." Ngumiwi ako at nalilitong tinagilid ang ulo.

"Ano ba dapat ang Aliens?"

"Kulay green! May malaking dalawang mata! Mukhang nakakadiri yung balat tapos parang ewan yung ulo. Basta creepy."

"Hey! Lagi na lang ganyan ang description niyo samin ah. Nakakita na ba kayo?"

"At saka... saka bakit kayo nag tatagalog? Waaa!"

Naiiyak akong nag takip ng mata. Tatlong babae ang nakaharap sa akin ngayon at lahat sila ay nakasuot ng kulay gray na coat na hanggang tuhod at pants na gray din ang kulay at gray boots. May mga earpiece din silang suot at may kung anong glitters sa mukha.

Dalawang kamay, at paa. Magaganda at sexy pa!

"We can speak in all dialects."

Laglag ang panga ko.

"Nananaginip yata ako. Tama si Jacob hibang na ako sa mga Aliens. Panaginip to panag- Aray!"

Napahawak ako sa balakang ko ng bumukas ang pinto. Tapos ay dumungaw ang isang lalaki.

GALACTICA [COMPLETED]Where stories live. Discover now