SPACE 5

18 8 0
                                    

"Hello!" Bati ko sa isang batang Alien.

"Naminawa"

Napanis ang ngiti ko at nilingon si Perseus. Hindi ko naintindihan!

"Ang sabi niya hello din daw." Sagot niya ng makitang kailangan ko ng saklolo.

"Ahh! Hindi ba lahat marunong magsalita ng salita naming mga tao?"

"Ang iba hindi. Pero lamang ang marunong."

Matapos naming pumunta sa Crystal Planet ay pumunta naman kami sa Hydra Planet kung saan halos lahat ng nakatira ay weird at nakakatakot na Alien. Bukod sa Olga na mukhang pusit, meron ding Lipod na mukhang pating ang ulo pero may galamay rin kagaya ng Olga. May Repam at marami pang ibang tawag.

"Perseus!" Sigaw ko bigla.

"Ang lapit mo lang dimo kailangang sumigaw."

"Ano ang ginagawa nila? Bakit sila may mga dalang gulong?"

"They're using it to get their water."

"Ano?! Pero gulong yan marumi!"

"Hindi yan katulad ng gulong sa mundo niyo Hydro terminator ang tawag diyan. Let me show you."

Dinala niya ako sa lugar kung saan dinadala ang mga gulong. At halos mahimatay ako ng makita ang ginagawa nila.

"Dagat.. na naka lutang ang tubig? Perseus naman!" Papadyak kong reklamo bago tinuro ang tubig na nakalutang sa ere at may mga corals sa loob.

"What?" Asik niya at tila nauubos na ang pasensiya saakin.

"Bakit naman nasa taas ang dagat niyo?"

"The water is not capable of having weight and gravity in this planet."

Tiningnan ko kung ano ang ginagawa nila sa gulong. Pinag papatong ang dalawang gulong at may isang nakatayong gulong sa ibabaw nito at may kung anong bilog na umiilaw ang nilalagay sa gitna and viola! Doon lumalabas ang tubig.

Para siyang balon.

Amaze on what they're doing, I walked close and touch the water using my...

Nilingon ko si Perseus ng makitang naka suot ako ng gloves.

"Pwede ba?" Umaasang tanong ko.

He sighed and press a button on my left arm and in one snap I saw my bare hands.

I smiled and held the cold sparkling water.

"Siguro kung may ganito sa Earth, wala ng bayarin sa tubig. Psh! Mahal paman din ang singil dun tapos nawawalan naman ng tubig kapag summer." Reklamo ko ng maalala ang madalas na pag putol ng tubig tuwing summer.

"Ano yung summer?" Bigla bigla ay tanong ng Olga na may ari ng gulon- Hydro terminator.

Lumapit din ang iba pa at hinihintay ang sasabihin ko. Ngumiti ako ng makita ang naghihintay nilang mga mukha excited sa tungkol sa summer.

"Summer ang tawag sa panahon ng tag init. Vacation uh bakasyon yung alam niyo yun outing, aalis kayo ng bahay niyo para pumunta sa beach a-

"Ano yung beach?" Tanong naman ng isa pa.

"Ang beach ay parang ganito." Tinuro ko ang dagat nilang nakalutang.

"Pero hindi nakalutang. Ang dagat namin o beach ay nasa baba at may buhangin."

"Anong gagawin niyo sa beach?"

"Maliligo,lalangoy, maglalaro at mag sasaya."

"Ohhh" sabay sabay nilang sabi, namamangha sa narinig.

GALACTICA [COMPLETED]Where stories live. Discover now