SPACE 4

15 8 7
                                    

"Bakit kailangang ganito din ang suot ko? Para akong robot."

Reklamo ko dahil sa suot kong parang metal suit.

"Utos ni Commander eh hindi kami pwedeng sumuway."

"Commander! Hmp!"

Umirap ako ng maalala ang nangyari kagabi. Well, matapos lang naman siyang sumulpot sa gitna ng pag e-emo ko ay bigla na lang din siyang umalis at sinabing matulog na ako dahil aalis kami ngayon.

Odiba? Abot abot din talaga ang trip n'on eh.

"Gusto sana naming sumama kaya lang busy kami ngayon para sa gagawing operations."

"Saan ba kami pupunta?" Tanong habang patuloy na sinusuri ang sarili.

"Si Commander lang ang nakaka alam." Naka ngising sagot ni Velga.

"Nakakatakot yung ngisi mo. Baka mamaya iwan ako n'on sa Mars ah!"

Nag kibit balikat lang siya bago kami huminto sa paglalakad.

"Check the control system and send me the info. Tell the mechanical and engineering team to put another capsule chamber inside my ship, add one seat beside mine and change the installed program."

Mahabang sinabi ni Perseus sa kausap niya. Tulad ko ay naka suot rin siya ng metal suit, itim at manly nga lang ang sa kaniya habang white at feminine naman ang saakin.

"Copy that commander." Sagot ng mga tauhan niya.

"Dismissed."

Nang maka alis ang kausap niya ay nilingon niya kami at pinag taasan ako ng kilay.

"Buti hindi ka nag reklamo." Sabi niya sa tonong nang aasar.

"Nag reklamo nga po siya eh kung bakit daw kailangan niyang isuot yan."

"Velga!" Inis kong tawag at inirapan siya.

Humarap ako kay Perseus at nakatingin siya sa akin tapos ay nilipat ang tingin kay Velga at Andromeda.

"You can go back to your works just wait for my next order."

"Copy Commander." Sabay na sagot ni Velga at Andromeda.

Pag alis ng dalawa ay pumasok kami sa parang maliit na space ship.

"Sayo ba to? Ang ganda!" I commented while roaming around the ship.

"This is not mine."

"Ohh... eh kanino 'to?"

"Wag kang maraming tanong umupo ka na."

"Sungit mo." Asik ko bago umupo.

Inismiran niya lang ako bago nilagyan ng safety gears. Ang upuan ko ay nakatabi sa inuupuan niya at kung ano ano ang pinipindot.

"Hindi pa ako naka sakay ng eroplano pero mas gusto ko yata dito sa space craft mo." I whispered unconsciously admiring the things inside the ship, and the ship itself.

Matunog siyang ngumisi saka sinuot ang face shield na katulad sa akin ay may mga makikitang data at info.

"Handling the star ship 9087. Performed safety protocols, stable control system with expected time of arrival on the Planet of Crystal at exactly 2 hours.This is your Commander Perseus Triangulum together with a human passenger, ready for take off."

I stared at him in awe while listening to his aviation announcement.

Shit! His voice is so handsome.

Walang tigil ang lingon ko sa kaliwa at kanan kahit pa naka dikit ang katawan ko sa upuan para lang makita ang view sa labas.

GALACTICA [COMPLETED]Where stories live. Discover now