Chapter 10

74 4 0
                                    

Ahrabella

"GALE! Gale! Wait for me Gale!" Isang matinis na sigaw ang narinig ko na naging dahilan ng pagbagal ng aking pagtakbo.

Nang lingunin ko ito ay tumambad sa'kin ang isang batang babaeng may kulay gintong buhok, maputing balat at bughaw na mga mata.

"Y-you... You're so mean! You said you'll wait for me... B-but you're running so fast! You're even faster than the horses in our ranch. Not fair!" Ngumuso ito sa'kin at sinamaan ako ng tingin.

Saglit akong natulala sa itsura niya. Kahit kasi nakanguso na ito at nakasimangot ay napakaganda pa rin nito. "You're staring again! Stop making titingin sa'kin Gale!" Mas lalong humaba ang nguso nito na ikinatawa ko na nang malakas. "Alright. Alright. Hindi na kita tititigan and it's titig, okay? Like, tigilan mo ang pagtitig sa'kin. Sounds better, yes?" Natatawa kong puna sa baluktot niyang pananalita ng Tagalog.

SInubukan nitong bigkasin ang sinabi kong salita ngunit nabubulol pa rin ito. Malakas siyang napabuntong-hininga ngunit agad ring sumilay ang ngiti sa mga labi niya at hinawakan ang kamay ko. "Let's get back to running Gale! They are waiting for us and we'll be dead if we got there even later that we are right now."

Magsasalita pa lang sana ako nang magsimula na siyang tumakbo habang hila-hila ako sa kanang kamay. Napahagikhik na lang rin ako at tumakbo na rin sa direksyon kung saan sila naghihintay para sa'min.

HINIHINGAL akong bumalikwas mula sa pagkakatulog nang mapanaginipan na naman ang tagpong 'yun.

That same fvcking dream again.

Kailan ba ako titigilan ng pesteng panaginip na 'to?

Inis kong ginulo ang mahabang buhok at sumimangot. Akala ko ay titigilan na ako ng panaginip na yun ngunit nagkamali ako. Bumalik na naman ito at ginagambala ang payapa kong pagtulog.

Malakas akong napabuntong-hininga habang inaalala ang mukha ng conyong bata na kausap ko sa panaginip ngunit bigo akong maalala ito. Bakit ang linaw-linaw ko namang nakita ang mukha ng batang babae sa panaginip ko pero ngayon hindi ko na muli itong maalala?

I'm not even sure if I'm that Gale she was talking to. Wala rin akong maalala na may kaibigan ako dating blonde ang buhok at conyo pa magsalita. Napailing na lang ako at mabilis na inayos ang kamang tinulugan ko. After doing my morning routine which consists of freshening up and exercising, I decided to go out of my condo.

Malamig na simoy ng hangin ang bumati sa'kin nang tuluyan nang makalabas ng tinutuluyan ko. Mag-a-ala sais pa lang ng umaga kaya hindi pa masyadong buhay ang paligid. Sinamantala ko ito at nagpasyang pumunta sa parkeng nadaanan namin kagabi ng prinsipe.

Bahagya akong natigilan at pilit na sinupil ang ngiting gustong kumawala sa akin. I inhaled deeply and tried to calm my nerves. Mahirap na, lalo pa't may mga kasalubong akong nagja-jogging. Mamaya sabihan pa akong baliw, matadyakan ko pa sila. Edi ako pa ang may kasalanan, tsk.

Ilang minuto pa ay narating ko na ang parkeng nakahuli ng atensyon ko kagabi. Mas malaki ito sa inaasahan kaya't napangiti ako nang malaki. Iilan lang rin ang mga taong narito. Habang naghahanap ako ng perpektong pwesto ay natigilan ako nang pumainlalang ang pamilyar na ringtone ng cellphone ko sa tuwing may message.

Stealing His Royal Heart (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon