Ahrabella
LIKE a regular passenger, i aboard in a plane flying to London.
Ilang oras pa ay narito na ako sa condong inihanda ni Gio. Napangisi ako nang makitang may balcony pa ito. Paborito ko kasi and tumingin sa labas lalo na kapag bored ako. Sakto ring nasa twentieth floor ako kaya maganda ang view.
I hummed a random tune while opening my tablet. Nakabukas na rin ang dalawang laptop sa harapan ko habang pinag-aaralan ang blueprint ng palasyo ng Silverhaize.
I smiled at Theo's face as he glared at me at one of the laptop, "Kumusta? Asan ka na?" Tanong ko rito bago tingnan ang profile ng mga taong kasalukuyang nasa palasyo.
I hummed again and raised one of my eyebrow when my eyes caught the sight of the second prince named Anthoronio Silverhaize.
"Palipad pa lang ang eroplanong sinasakyan ko kasama ang iba." Napatango-tango ako sa sinabi niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa ikalawang prinsipe. "Mag-iingat kayo." Agad kong putol sa tawag at pinatay ang camera.
'Anthoronio.' Wika ko sa isip at napangisi, ang hot naman ng pangalan niya.
"Kasing hot niya." Bulong ko habang tinititigan ang magandang kulay ng kaniyang mga mata.
Hazel, I think. And his arms, damn it.
Weakness ko pa naman ang may tattoo.
Napailing ako at tinapik ang pisngi. "Hindi ka pwedeng madistract sa misyon mo Ahrabella." Bulong ko sa sarili at sunod tiningnan ang profile ng ikaunang prinsipe.
Napakunot-noo ako habang tinitingnan ang kulay berde nitong mga mata. "M-mukha siyang inosente pero--" Mas inilapit ko ang larawan sa akin at pinag-aralan ang ngiting nasa mga labi nito.
Ariesiete Kael Silverhaize
Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinabahan nang mapansing hindi isang normal na ngiti ang nasa mga labi niya kundi isang ngisi.
Mas matanda siya sa ikalawang prinsipe ng apat na taon pero mukhang siya pa ang mas bata sa kanilang dalawa.
Napailing muli ako.
May mga taong inosente ang mukha pero mas masahol pa sila sa demonyo kaya hindi dapat ako magpadala sa tila kagubatan niyang mga mata.
I tossed his profile aside then proceeded to review the others. Wala namang kahina-hinala sa mga ito pero napag-alamanan kong half Filipino pala ang kasalukuyang reyna ng London. Kaya dapat ay mas magdoble ingat kami, maaring may mga Pinoy rin silang nagtatrabaho sa palasyo.
Kumuha muna ako ng softdrinks at nagsalin sa baso. Ipinainit ko rin muna ang pizza na nagkakahalaga ng isang libo.
One box of pizza for one thousand? Yup.
Nagkibit-balikat na lang ako sa presyo dahil si Gio naman ang magbabayad ng lahat ng gastusin ko dito. Susulitin ko na rin dahil panghuling misyon ko na ito.
Nang mainit ang pizza ay naupo muli ako sa sofa at muling pinag-aralan ang blueprint. Hindi katulad ng sa bansang Italya, mas mahigpit ang security system ng bansang ito. Mas high-tech rin ang mga kagamitan nila kahit na ang mismong palasyo ay parang sa fairytale.
BINABASA MO ANG
Stealing His Royal Heart (Royalty Series #1)
Roman d'amour"Marry the prince or die." *** Royalty Series 1 Ahrabella Gale Quizon is a professional thief. A very good one at that. With a billion dollar as payment and her freedom for a single ring, she said yes in a flash. Hindi nga lang siya sukat akalain na...