Chapter 7

0 0 0
                                    


Chapter 7

"You ready?"

Muli akong napatingin kay Uno. May pagkasirang dvd din tong lalakeng to e. Paulit-ulit.

"Tara na." Wala sa mood kong sabi.

Narinig ko naman ang munting tawa niya. I just rolled my eyes.

Nakapagpaalam na ako kela Mommy kahapon. Pati na din kela ate Anemone. Tinawanan pa nga ako ng gaga dahil mukhang alam niya na daw ano ang mangyayari pagbalik ko.

"Hey, ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Uno.

May sinabi siya kanina na hindi ko naman maintindihan dahil nakatingin lang ako sa baba habang umaangat ang helicopter.

I nodded.

Gosh, why am I even nervous? Ilang beses na akong nakasakay ng helicopter!

"Sigurado ka bang magaling ka magmaneho neto?" Kabado kong tanong.

He laughed and said something again but my full attention was on how high we are already.

"Don't worry, Miss Hermosa. I've been flying this for a decade already." He even winked at me.

Umiling nalang ako at napapikit. Ayokong tumingin sa baba! At lalong mas ayoko namang tumingin sa kanya.

"Bakit gusto mong magpiloto?" Tanong ko. Trying to divert my attention.

"Dahil mahilig ako sa eroplano." Simpleng sagot niya.

"Bakit mahilig ka sa eroplano?" I asked again.

Tumawa siya. "I don't know. I think I'm just fascinated with how it looks like and how cool it is to know how to ride a big vehicle like planes."

"That's your house." Napatingin ako sa tinuro niya. Nanlaki ang mata ko ng makita nga ang bahay namin.

Well, the entire subdivision to be exact.

"Paano mo nalaman na diyan?" I asked.

"Sabihin na nating, alam ko lahat tungkol sa pamilya niyo." He winked.

"Tss. Creepy." Umiling ako.

"Creepy?"

Umiling lang ako at hindi na nagsalita pa.

"Miss Hermosa." Hindi ko na pinakinggan pa ang sumunod na sinabi niya at pumikit nalang.

Hindi pa naman ako nakatulog ng maayos kagabi dahil madami akong tinapos na trabaho. Hindi kasi pwedeng iwan ko nalang lahat ng yun dahil lang sa ipinadala ako ni Abuela sa Mindoro.

Pagdilat ng mga mata ko ay nasa helipad na kami.

"Tagal mong gumising." Napatingin ako sa gilid. "Nandito na tayo at halos isang oras kitang hinintay gumising." He even hissed at me.

"Uso naman ata manggising?" Inis kong sabi at bumaba na.

"Kanian pa kita ginising, gusto na kitang kargahin papasok ng bahay e. Kaso baka habang kinakarga kita, magising ka pa at masuntok mo ko sa mukha." Nagkibit balikat siya at nauna nang naglakad papasok sa isang pintuan.

Napatingin ako sa paligid.

The view is really amazing up here. Kita ang city at malawak din ang lugar. It's very peaceful to look at lalo na dahil maraming puno ang nakapaligid sa mansion na to.

Nasa rooftop kasi ang helipad niya kaya kitang-kita ang buong paligid. I think this is a three story house.

"Wala ka bang plano pumasok?" Napatingin ulit ako sa direksyon ni Uno.

The Woman He LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon