Chapter 9

1 0 0
                                    


"Saan tayo pupunta?" I asked him. Maaga kaming nakauwi galing sa mga properties na pinuntahan namin dahil umaga palang ay umalis na kami sa bahay.

"Sa bahay ng mama ko. I need to give her some documents." He answered.

"S-Sa parents mo?" Kabado kong tanong.

No! I'm not yet ready to face them!

Agad akong napailing sa naisip ko. Bakit nga ba ako kabado?! Sino ba sila? God, Peony.

Gosh, Poeny Angeline! Parents lang yan ni Uno!

He nodded. "Doon nalang din siguro tayo magd-dinner dahil baka matagal kami sa meeting."

"W-Wait, Can't you just drop me off sa house mo?" Nakita ko naman ang pagkunot ng nuo niya. "I mean—I have a lot of work to do too. And you said you'll have a meeting—"

"Why? Ayaw mo bang pumunta sa bahay namin?"

Naibalik ko naman ang tingin ko sa kalsada. I sighed and looked at him again.

"A-Ah... hindi naman pero you know, I'm a shy person... I don't know how to really interact to—"

"You don't need to be shy. My family knows you and they're expecting you to join dinner. Magagalit si mama kapag hindi kita dinala doon ngayon. They're making dinner for you."

Muli naman akong napabuntong-hininga. Mas lalo naman akong kinabahan sa sinabi niya 'e! "Fine." Sumandal nalang ako sa upuan at pumikit.

It took almost thirty minutes to arrive at their home. Malawak pala talaga ang lupain nila. He was pointing at a lot of places as we were on our way and I can say he really knows a lot about farming since he also knew where their crops are planted.

"I like your house." I stepped out of the car at agad na inilibot ang tingin sa paligid.

Malaki at maganda ang kanilang garden. Halos kalahating kilometro din ang layo ng kanilang gate sa mismong mansyon nila. Siguro lalong gumaganda ang lugar tuwing gabi.

"This was a wedding gift from my grandparents to my parents." May kinuha siya sa likuran ng sasakyan. "Mas maganda ang bahay nila Lolo Zero. Mas gusto ko doon tumira kesa dito."

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa pintuan ng bahay. Kahit ang pintuan ay malaki, even though our house is also beautiful and huge I still can't help hut admire the place. It looks like an ancestral house but well taken care of.

"Ay sus! Dong Uno, ganina ra gahuwat imong mama nimo. Asta rapung dugaya ninyo uy." Hindi ko lubos maintindihan ang sinasabi ng matanda.

"Pasensya na po manang, medyo natraffic lang po kami sa bayan. Si Peony po pala." Pakilala ni Uno. Agad namang lumingon ang matanda.

Malapad siyang ngumiti sa akin. "Hindi mo kamukha ang iyong lola iha, siguro ay nagmana ka sa iyong tatay." Ani ng matanda.

I smiled shyly at her. "Ahh... Nagmana nga po ako sa daddy ko."

"Isa lang talaga ang kamukha ng lola niyo sa inyong magpipinsan ano? Yun lang talagang si Statice." Kinikilig pang sabi niya. "Hali kayo, akin na iyang bitbit mo dong, ako na maglalagay sa kusina."

I can see her eyes admiring Statice. I'm glad to know that everyone here is admiring her too. Kahit saan talaga, she doesn't disappoint.

"Manang..." Isang babae ang lumabas mula sa kung saan. She's tall and her beauty is very spanish. "Nandiyan na pala kayo Unoreal." Nakakaintimidate ang boses niya.

"Kakarating lang namin, ma." Lumapit si Uno sa babae at yumakap. "I brought the documents you wanted me to bring." Aniya at lumapit din sa matandang nasa likod ng mama niya at nagmano.

The Woman He LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon