Austin 6

382 20 2
                                    

Dahil narin sa nalalapit na laban ni Austin kaya hindi ko siya nakikita. Dahil ginagampanan nito ang kaniyang tungkulin bilang representative ng aming Department. Haist anu ba yan.. bakit siya ang iniisip ko.. pailing iling ako sa sarili..

O problema mo?.. sita sa akin ni Steven.. Magkakasama kami ngayon ng buong barkada.

Wala, may naalala lang ako.. turan ko..

Care to share.. hirit muli niya..

Nothing so serious.. sagot ko sa kaniya para matigil ito.

Ikaw din.. concern lang naman.. paghihimutok pa niya..

Enough for that Steven.. By the way Clinton, bakit hindi ko na nakikita na kasa-kasama mo si Betina.. tanong ni Kuya Ivan..

Hindi ba nila naikwento sayo?.. tanong ko sa kaniya ngunit umiling lang ito.. well sabihin na natin na hindi pa man kaming dalawa.. ay meron na siyang ibang kasama.. kaya tinigil ko na lang ang panliligaw sa kaniya.. Buti nga at maaga kong nakita ang totoong Betina..

E, kumusta ka naman ngayon.. tanong niyang muli..

Just like before.. young, wild and free... proud kong sabi sa kanila..

Hmm.. yan ang bawasan mo baka mamaya makatagpo ka ng magpapatiklop sayo... sabi naman ni Heubert.

Alam niyo.. hindi pa sinisilang ang taong yun.. kaya ngayon i-enjoy ko na muna ang life ko.. less stress pa..

Ikaw ang bahala.. basta ingat-ingat din.. basta less muna ang pagpunta ng bar.. nabalitaan ko yung nangyari sayo nung huli.. sita naman ni Ulysses sa akin.

Di na mauulit po!.. Dahil sa susunod ay kasama ko na kayo.. turan ko sa kanila..

Buti na lang talaga at kahit papaano ay may time kami na magbabarkada na magkitakita dito sa loob ng Campus. Kakaunti lang kasi ang mga guro na nagtuturo angbiba ay abala sa nalalapit na Founding Anniversary ng Campus.

Tuwing magkakasama kami at walang ginagawa ay nililibot lang namin ang buong Campus. Kahit nakailang beses na kami sa paglalakad hindi nakakapanawa dito. Bukod kasi sa maaliwalas na ay napaka presko pa kahit nasa syudad ay punong puno ito ng puno't halaman.

Marami sa aming mga nalalampasan na mga estudyante ay nakikipagdate lang.. yung iba naman ay grupohan at nagkukwentuhan. Pagkarating namin sa may Gymnasium ay pakinig namin ang maingay na sigawan ng mga estudyante. Wala namang events sa school kaya taka kami kung bakit maingay sa loob. Out of curiousity ay pumanhik kami sa loob. Pagpasok namin sa loob ay marami ng ding mga estudyante na naroon sinusupportahan ang mga kalalakihan at kababaihan na rumarampa sa taas ng stage. Rehearsal pala ng mga candidae kaya naman pala maingay ang mga estudyante.

Masasabi kong walang tapon sa lahat ngunit kahit na sabihin na naggwagwapuhan at naggagandahan ang mga ito. Ay may nangingibabaw parin.. yun ay walang iba kundi si Austin dahil narin sa pagiging moreno kaya lutang na lutang siya.

Tara na.. yaya sa amin ni Heubert..

Mamaya na.. tapusin lang natin.. sabi ko naman..

Kuh hindi na exciting yan kapag pinanuod mo sa mismong events.. sabi pa ni Ulysses..

Bakit ba atat na atat kayong umalis.. e kapapasok lang naman natin ahh.. sabi ko pa..

B4S - 5N1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon