Autin 11

248 14 0
                                    


KASALUKUYAN....

Austin P.O.V

Sa mga araw na nagdaraan ay lalo kong nakikilala si Clinton.. kung tutuusin ay mabuti nga itong tao.. hindi mapagsamantala. Minsan nahuhuli ko itong umiiyak, akala niya siguro ay hindi napapansin yun. Minsan hindi ko din masuway ang sarili ko.. makailang beses din ako na tinatabihan ito at laging binigyan ito ng mainit na yakap lalo na kapag malungkot ito. Ginagawa ko yun hindi dahil naaawa ako sa kanya pero there something inside of me tells that I need to do that.. kaya gayun na lang ako kung kumilos.

Kaso nakakabored nga lang dito sa Condo niya.. pinapatay ko na lang ang sarili ko sa paglalaro ng mobile legends.. nakakainis lang dahil ang daming trashtalker na kakampi at kalaban.. porque ganito,, ganiyan.. beginner pa lang naman ako.. baka may malakas jan.. PABUHAT naman.. 😂😂😂😂

Minsan nagagalit sa akin si Clinton dahil sa paglalaro ko nito.. dapat ilagay ko daw sa tamang oras ang paglalaro.. binigay daw niya ang cellphone para kapag may emergency matawagan niya ako o matawagan ko siya.. hindi para paglaruan lamang.. wala naman akong kailangan sa kaniya kaya hindi ko ito tinatawagan..

Pwede ka ba bukas?.. tanong sa akin ni Clinton ng lapitan ako nito..

Wala naman akong ginagawa dito at wala din akong pupuntahan bukas.. So I guess pwede naman.. Why?.. tanong ko sa kaniya..

Inimbitahan kasi ako ni Ivan tomorrow.. actually naghahanap sila ng model.. and naisip namin na kunin ka.. turan nito..

Ayaw ko!.. matigas kong turan sa kaniya.. nakakadala na ang mga nangyari sa akin nitong huli kaya ayaw ko ng maulit..

Bakit naman?..

Basta ayaw ko... pasigaw kong sigaw sa kaniya..

Kahit na kasama sa pagmomodel ang mga kaibigan mo? Ayaw mo parin?.. Look Austin.. ginagawa ko naman ito para sa kapakanan mo.. hindi para ikulong ka lang dito sa loob ng kwartong ito.. pagkatiwalaan mo sana ako.. Are you coming with me? tanong nitong nangungusap ang mga mata..

Of coarse I am.. sabi ko sa kaniya.. halatang napangiti ito sa sinabi ko.. basta kasama ang mga kaibigan ko I'll go.. ngunit mabilis ding nagbago ang expression nito dahil sa huli kong sinabi.

Okay, magrest ka ng maaga huwag puro laro.. sabi niya sa akin at patalikod itong humiga sa kaniyang kama.. pero ako naman ay naglaro pa ng ilang classic dahil nag iipon ako ng battlepoints para makabili ng bagong hero.. kinabit ko ang aking earphone para hindi niya mapakinggan gayon din ay nagtalukbong ako ng kumot para hindi masyadong maliwanag..

Kinabukasan ay nagtungo kami sa isang building ni Clinton.. hindi ko na pinansin kung anong pangalan ng building basta sumusunod lang ako dito.. kung titingnan mo kami ay magmumukha akong P.A niya.. May pinasukan kaming room kung saan naghihintay ang aking mga kaibigan na si Ryde at Theus may dalwang lalaki pang naroon hindi ko lang alam kong sino..

Long time no see Austin.. bati sa akin ng isa sa lalaking nasa loob ng room..

Kilala mo ako?.. tanong ko sa kaniya..

Oo naman, syempre sino ba naman ang hindi makakakilala sa isa sa mga genius ng Engineering department noon.. turan nito tapos binigyan ako ng brotherly hug...

Sorry, pero wala akong natatandaan sa sinabi about sa akin.. diretsa kong sabi nito tapos inilayo ko ito sa akin.. halos mapanganga naman ito sa sinabi ko.

Siya si Steven.. siya naman si Max.. pagpapakilala ni Clinton sa kaniyang kaharap.. nakalimutan ko palang sabihin na may amnesia si Austin..

B4S - 5N1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon