Austin 15

452 14 7
                                    

Ipinaliwanag namin ni Clinton kina Mama at Papa ang buong detalye, simula sa pagpunta ng Pangasinan hanggang sa aksidenteng kinasangkutan namin sa Pampanga. At kung paano kami napadpad sa bahay ng mag-amang Mang Carlo at Joshua hanggang sa pagbalik ng aking ilang memorya.

Inabot man ng siyam siyam sa paliwanagan ay naging maayos naman ang lahat. At naintindihan naman nila ang nangyari sa amin. Bagamat hindi naman talaga maiiwasan ang pag-aalala nila sa aming mag-asawa.

Alam kong pagod kayo sa byahe.. magpahinga na muna kayo.. Austin I want to see you in the company tomorrow.. sabi sa akin ni Papa.

Sige po.. I'll keep in mind po..

Good night Ma, Pa.. paalam namin pareho ni Clinton bago kami magtungo sa taas ng kwarto.

Pagkarating namin sa kwarto ay sabay na kaming dalwa ni Clinton na naghalfbath. Sinabunan niya ako, sinabunan ko siya at nagsabunan kaming dalwa😂😂😂😂. Pagkatapos ay nagbanlaw kaming pareho at nagsuot ng roba. Buhat buhat si Clinton habang makasugpong ang aming halik. Nang makarating kami sa kama ay binaba ko siya sa kama at pinagpatuloy namin ang aming nasimulan.. yun nga lang..😴😴😴😴

Dahil narin sa pagod sa byahe ay nakatulugan na namin ni Clinton ang aming ginagawa.

KINABUKASAN ay nagtungo nga kami ni Clinton sa company. Hindi naman ako nagexpect ng kung ano dahil nabanggit lang ni Papa na mag-uusap kami. Pagkarating naman sa office ni Papa ay iniwan din ako ni Clinton para makapag-usap kami ni Papa. Marami kaming pinag-usapan about sa company pati ang kinakaharap na crisis sa main office na nakabase sa America, na pinamumunuan ng kaniyang kapatid. Kaya naman inoffer sa akin ni Papa ang position niya sa akin dito sa branch.. para personal niyang puntahan at resolbahin ang problema sa main office. Tinanggihan ko ito..dahil alam ko na parang hindi ko kakayanin ang bigat ng responsibilidad na iaatang sa akin ni Papa. Mahirap kasi na sa halip ja makatulong ay makadagdag pa ako sa problema ng company. Buti na lamang at naunawaan naman ni Papa ang side ko.

Kumusta ang pag-uusap niyo ni Papa?.. tanong ni Clinton sa akin pagkapasok ko sa kaniyang office.

Okay naman.. sabi ko sa kaniya.

Tinanggap mo ba ang offer niya sayo?..

Alam mo?.. taka kong tanong sa kaniya.

Actually, I suggested na.. since bumalik na memory mo bakit hindi ka niya i hire dito sa company.

Hindi ko tinanggap yung inoffer ni Papa..

Bakit?.. ayaw mo ba na makatrabaho ako?

It's not like that Clint.. gusto ko rin naman na magtrabaho dito at makasama ka. Pero sa tingin ko, di ko kaya yung responsibility na ibibigay sa akin ni Papa..

Ano namang mabigat sa pagiging assistant ko dito sa office, aber!

Huh?.. taka kong reaksyon sa kaniya, wala kasing nabanggit si Papa about sa pag aassist kay Clinton. Ang napag-usapan lamang namin ay yung problem na kinakaharap ng main.

Oo assistant ko, alam mo naman na may sarili din akong business diba. Kaya nirequest ko kay Papa na ihire ka para in time na wala ako at busy sa firm.. ikaw ang magiging representative ko.. turan niya sa akin..

May problema ba? Ayaw mo ba sa ganung set up?

No, I means it's fine. You know how much I love to be with you. And susuportahan kita sa mga gusto mo..

Aba syempre naman, future natin nakasalalay dito..

Ahh.. yes sir.. I'll do my best to help you.. biro ko sa kaniya.

B4S - 5N1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon