Bryan 15

2.1K 55 0
                                    


Rated SPG

GEORGE P.O.V

Masaya ako ngayon dahil unti unti nang nagkakasagot sa aking mga dalangin. May katagalan man pero laking pasasalamat ko parin sa nasa itaas dahil hindi niya ako pinababayaan, ganun din ang aking mag-ina. Hindi ko pa man sila kasama ngayon ay nagbabakasali naman ko na mabuo kaming muli. Kahit na nakipagrelasyon na ito sa iba ay tatanggapin ko ito, sa ngalan ng pag-ibig ko sa kanya.

Nahihiya ako sa Diyos dahil sa sinisisi ko ito minsan kung bakit hindi niya sinasagot ang panalangin ko. Pero ang lahat ng iyon ay naglaho ng matagpuan ko na ang mag-ina ko, at napalitan ng pasasalamat ang tampo sa puso ko. I know, I'm wrong with that, kaya I confess my sin sa pari ng isang araw. At pinaliwanagan ako nito na walang magagawang tama ang isang tao kapag galit. Repentace and Forgiveness is the key to have a peaceful and happy life.. bangit pa sa akin ni Father Paul. Napakagaan lang ng naging usapan namin dalwa at talagang makakaramdam ka ng parang napakagaan ng pakiramdam mo at para inalis nito ang mga mabibigat na problema sa pagkatao ko. Alam kong isa sa katangian ng mg pari ang counseling kaya mas minabuti ko na lumapit dito.

Father, thank you very much for sparing your time and sharing a piece of advice. Napakalaking tulong ito sa spiritual aspect ko na makabalik kay God..

No problem sir, it is our duty to help and enlighten your mind. Laging bukas ang simbahan para sa iyo..

Nagpaalam na ako dito ng araw din iyon at masayang nagtungo sa aking restaurant para mag-audit.

Hindi ko naman talaga gusto ang pagtatayo ng restaurant. Ipinatayo ko lang ito dahil naaalala ko na pangarap ito ni Nelia. Kaya nagsumikap ako para maipatayo ito para sa muli naming pagkikita ay maging proud ito dahil naipagpatuloy ko ang pangako ko sa kanya.

Sa bawat araw na dumaraan ay laging akong palihim na sumusunod sa anino ng aking anak. Dinaig ko pa ang stalker sa ginagawa ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko, kunga paano ko kakausapin ang anak ko. Kaya naman hanggang sa tanaw na lang muna ako.

Isang plano ang nabuo sa aking isipan, bagamat delikado ay isinawalang bahala ko nalang dahil gusto kong makasama at makausap ang aking anak. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at dinayal ang numero ng taong makakatulong sa akin.

Hello pre.. bungad nito sa akin.

I need your help! Magkita tayo..

Okay, saan mo gusto?..

Magkita nalang tayo sa dati nating tambayan!

Okay sige, tapusin ko lang ito.. I'll be there at 20 minutes..

Salamat... Bye.. pinatay ko na ang call at saka ko sinilid sa bulsa ang cellphone. Inayos ko lang ang aking sarili at lumabas ng opisina upang kausapin ang taong makakatulong sa akin.

Nakaupo ako sa bench dito sa park ng lapitan ako ng isang lalaking nakauniform pa ng pulis. Kinamayan naman ako nito at sinaluduhan ko naman ito.

Anong maiitulong ko sa iyo pareng George?

Kaya naman ikinuwento ko dito ang lahat at ang aking plano.

Seriously? alinlangan pa nitong sagot sa akin na himig patanong.

Absolutely! Yun nalang ang nakikita kong paraan para naman makasama ko ang anak ko na inaanak mo Albert..

Alam ko George na nangungulila ka sa anak at asawa mo. Pero baka sumabit ka sa pinaplano mo.

Kaya nga kita tinawagan diba para alam mo na.. pagpuputol ko sa sasabihin ko. Alam kong nauunawaan naman  nito ang gusto kong sabihin.

B4S - 5N1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon