Prologo

3 0 0
                                    


Karamihan talaga sa mga lakad na pinagplanuhan, HINDI NATUTULOY.

Tumalbog nang bahagya ang luma kong kama nang sumalampak ako rito, hindi alintana ang mga nakaumbok sa likuran pati ulo na hindi ko na mawari kung ano. Mula sa bintana, nakikita ko ang sarili ko na naglalaho sa mga nakakalat na damit at gamit na maayos sanang mailalagay sa aking travelling bag kung tuloy sana kami sa Sagada.

Isang malalim na buntong-hininga ang kusang lumabas sa aking ilong.

Kung kasing-lamig lang ng Sagada ang siyudad, sigurado akong makalalikha ito ng usok. Ano na, Astoria, bulong ko sa sarili. Habang-buhay na lang ba tayong ganito?

Tila ba may humawi ng isang higanteng telon sa aking isipan at napanood ang sarili sa entablado.

Pagtunog ng telepono hudyat na simula na ng araw ay mag-iinat, magpapaikot-ikot sa makitid na kama, hanggang maunat lahat ng mga buto at magising ang mga dugo sa mga ugat. Kakapain ang telepono upang patayin ang nambubulabog na tunog at...

"Waaaaah? Hindi nacharge phone ko!"

Haharap sa salamin nang gulo-gulo ang buhok at sabay bubuksan ang gripo para lamanan ang kalahating puno na balde...

"Potah walang tubig?"

Nakapajama na maluwag, malaking T-shirt, may muta-muta, at magulong buhok na sasalubungin ang bagong umaga. Dagdag pa ang nakaukom na mga kamao habang padabog na nagsusuot ng tsinelas...

"Sinong nagsara ng kuntador ko?! Tae wala pa naman akong plies."
"Ay, inay, sa'yo ho pala 'yan? Hehe. Sorry ho nagkamali ako nang sara. Nasira ho kasi gripo sa lababo namin. Hehe. Sensya na."

Sa ibang mga araw naman, maglilinis ng dumi ng mga hayop na hindi ko naman alaga. O hindi kaya ay nakakaubos-lakas na aalisin ang mga motor ng mga bisita ng kapitbahay na walang pakundangang pinarada sa tapat mismo ng pintuan ng tinitirhan ko.

"Arghhh...Sino...ba kasing...may-ari nito? Ako lang tuloy kyasya sa pinto at hindi itong bag ko!" 

Tulalang kakain ng bahaw at malamig na sardinas habang nakabalot ang buhok sa tuwalya...

*cling*

Calendar Notification: Job Interview at Phoenix Telecommunications Inc. in 45 minutes.

Magmamadaling hahanap ng masasakyang dyip, makikipaghabulan, at makikipagsiksikan.

"Oh Bayan-Bayan oh. Usog-usog lang tayo oh."

"Aray!" Napalingon ako sa naniko ng dibdib ko. "Ano ba kuya? Bastos ka ah!" Bulalas ko sabay upo.

Mapapaaway nang onti, tatahimik sa sasakyan, o hindi kaya naman ay aaliwin na lang ang sarili sa musika...

Earphones on... Ignoring the world activated!

"Bayad po...Bayad, miss...Miss ano ba?"

"Ay sorry po!"

Makikita ang gusali ng kumpanyang pag-a-applyan, at parang isang makina, uugong ang bawat kasukasuan. Ang kaba ay magsisilbing grasa na pansamantalang nagpapahilom ng kinakalawang kong mga kalamnan.

Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon